Erica's POVHi guys! I'm Erica Montreal 17 yrs. old! Single char hahaha! Bff ko si Kyla since nasa tiyan pa kami. Joke haha since Elementary! At lahat ng sikreto niya alam ko hahahhaa! Fan nga ako ng love story nila ni John dati eh. Ewan ko ba kung anong nangyari at nagkaganyan sila. Halata naman na mahal pa din ni sis si John. Ewan ko nalang kay John kasi di ko pa naman siya nakikita. Hmm daldal ko na ba? Haha so ayun nandito nga kami sa bench na makalanghap naman ng sariwang hangin sobrang inet kasi tapos ang dami pang estudyante.
Tignan no'tong si Sis! Tulala na naman habang nakatitig sa mga naglalaro ng soccer?!"Woy sis!!" Gulat ko sa kanya
"Ay dalagang palaka! Ano ba sis?! Anong bang problema mo? Bakit ka nang gugulat dyan." Sabi niya. Nako mukhang na badmood. Lagot erica!
"Eh kasi po kanina ka pa nakatulala dyan. Actually dun nga sa mga player ng soccer eh? Ano sis may napupusuan kana ba? Ha ? Ha? " asar ko sa kanya. Malay natin meron na diba haha
" duh? Mukha bang meron sis. WALA no! Wala akong type sa mga yan" sabi niya
"Hmm. Sige sabi mo eh! Di na kita kukulitin, pero pag may nagustuhan ka sabihin mo sakin ah ako kikilatis! " sabi ko with matching tusok tusok sa tagiliran niya. Tinignan lang niya ako ng masama. At nag peace sign lang ako
"Kasi sis alam mo ba naglalaro din si John ng soccer" sabi niya bigla di ako sumagot hinintay ko lang na ipagpatuloy niya yung kwento. Pero ilang minuto na di niya oarin sinusundan
"Tapos sis?"
"Huh? Anong tapos sinasabi mo dyan?" Sabi niya
"Sabi mo naglalaro din si Johnn ng soccer? Oh anong next non?" Sabi ko naman
"Hahaha haynako sis! Wala naman ng kasunod yun. Sinabi ko lang " sabi niya.
"Ayon! Naaalala pa niya si John! Ikaw ahhh" pang aasar ko
"Tigilan mo ko sis. Naalala ko lang naman yun lang wala ng iba " sabi niya haha
Lumipas ang oras at nagyaya na si Sis na pumunta sa room. Sabagay malapit na din naman magtime mabuti nalang at hindi na masyadong mainit. Okay lang maglakad sa field. Nang makadating na kami sa room nakita namin don yung transferee kausap na niya yung iba naming kaklase. Napatingin siya sakin at nag smile. Nginitian ko din siya pabalik.
"Close na kayo?" Biglang tanong nitong katabi ko
"Nope, why?" Tanong ko din
"Nagngingitian kaya kayo."
"So? Close agad sis? Haha syempre alangan naman isnob ko lang. Baka isipin niya mataray ako" sabi ko naman
"Okay, sige. " sabi niya at isinuot na ulit ang earphones niya.
Fast forward..
Kyla's POV
Wooh! Nakauwi din grabe. Wala pa naman masyadong ginagawa pero nakakapagod na agad. Nandito na ako sa bahay namin at nandito ako ngayon sa kwarto ko. Kakatapos ko lang magpalit ng damit at bababa na para magdinner.
"Mommy!" Tawag ko sa Lola ko na naghahanda na ng dinner namin lumapit ako at tinulungan siya.
"Oh tawagin mo na yung dalawa mong kapatid" utos niya sakin at dumiretso naman ako sa sala para tawagin sila