Chapter 4

742 38 8
                                    

R

Chapter 4

Katulad nang madalas mangyari kapag may bagong estudyante, ipinakilala ng unang professor nila si Craven Vixen. Wala si Red kaya nakaupo si Craven sa tabi ni Cyan. At minsan pinagtitinginan sila dahil tila magkakilala na sila na totoo naman, ilang araw na rin.

"Okay, take down notes!" wika ng professor nila bago ito naupo sa unahan para mag-check ng attendance. Nagch-check ito ng attendance kapag last fifteen minutes na nang oras nito.

Ilang minuto na pero wala pa ring sinusulat si Craven kaya wala ring maisulat si Cyan. Hindi niya gaanong nakikita ang nasa whiteboard kaya nga umaasa siya kay Red madalas kapag notes.

"Why are you not doing anything?" tanong niya kay Craven na titig lang nang titig sa kanya at naiilang siya dito.

"I'm staring at you. Hindi pa ba 'to gawain?" sarkastiko itong ngumiti at nangalumbaba pa paharap sa kanya.

"Kung wala kang ibang balak gawin puwede bang basahin mo na lang iyong nasa whiteboard para makapagsulat na ako? Hindi ko kasi iyon gaanong makita," aniya rito.

Tumaas ang kanang kilay nito. "Am I your slave?" tanong nito.

Nairita naman siya kaya sinara niya ang notebook. Balak niyang lumapit na lang sa whiteboard ngunit nang tatayo na siya ay agad nitong hinila siya sa braso paupo.

"Okay, I'll read it for you," anito kasunod ng pagdidikta nito na tila naman hinahabol ng kung sinong demonyo!

"Dahan-dahan—" aniya na hindi malaman kung matatawa o mapapamasahe sa noo.

Halos mapugto lahat ng pasensiya ni Cyan dahil binagalan naman nito nang husto. Kaya nang tumigil siya sa pagsusulat at sinamaan ito ng tingin ay ngumiti lang ito na tila model ng toothpaste. Akala ba nito ikinaguwapo nito iyon?

"Gusto mong sumama sa 'kin sa labas? Hindi pa ako nakakapagpasalamat sa 'yo," ani Cyan nang matapos na siyang magsulat. Salamat at sa huli ay umayos na ang dictation ni Craven sa kanya. Tapos na rin ang ang dalawang klase nila.

"Kahit saan. Ikaw lang naman ang pinunta ko rito," anito.

"Kahit exchange student ka naman talaga?" ani Cyan. "Later, after class—kita na lang tayo mamaya," nginitian niya si Craven.

Gusto niya sanang alukin ito ng lunch kaso baka hindi siya makakain nang maayos.

"Okay," anito na tumungo na sa armchair nito.

Dapat naman talaga lalabas na si Cyan kung hindi lang siya nakonsensiya na mukhang hindi ito kakain. Kaya binalikan niya ito.

"Sabay na tayong mag-lunch, wala akong kasama," aniya na totoo naman. Wala si Klyde na palagi niyang kasama.

"I'm fine here," anito na nag-angat ng ulo.

Dahil nakatungo siya rito ay halos magkadikit na naman ang mukha nila kaya napadiretso siya nang tayo. Hayun na naman ang kakaibang bilis ng tibok ng puso niya. Dahil sa lalaking ito kung ano-anong sakit na yata ang makukuha niya. Isama pa na kinakabahan siya rito at natutulala kakaisip kung bakit ito ganoon sa kanya. At siya rin mismo, bakit tila gusto niyang nakikita ang hitsura ni Craven kahit mukha itong mangangain ng cute na katulad niya?

"S-sige dito na lang tayo kumain," sabi ni Cyan na pumunta sa pintuan at isinara iyon bago binalikan si Craven sa puwesto nito. Inayos niya ang isang upuan paharap dito at kumuha pa siya nang isa para ilagay ang mga baon niya. Inilabas ni Cyan ang bag niya at unang inilabas ang mga chocolates na ikinangiti niya. Natatakam na siya roon. Pero kailangan muna niyang kumain.

FORBIDDEN FRUIT ( BL ) PUBLISHED UNDER BLACK INKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon