Chapter 6

543 27 1
                                    

Chapter 6

Nagising si Cyan nang maramdaman ang maliliit na halik sa noo niya. Naroon pa rin ang panghihina ng katawan niya at nasisiguro niyang hindi siya makakapasok sa araw na iyon.

"Kumain ka na, hindi ka na naghapunan," malambing na wika ni Craven. Inisang halik pa nito ang noo niya bago ito bumangon at magtungo sa kumedor.

Hinawakan niya ang noo nang mawala ito sa paningin niya. Hindi niya maunawaan kung ano bang tawag sa relasyon na meron sila? At tulad ba niya, hindi rin ba ito naiilang?

Hinawakan niya ang kaliwang dibdib at dinama ang tibok ng puso niyon. Marahan niyang hinahaplos ang dibdib. Una pa lamang na makilala niya si Craven, labis na ang bilis ng tibok niyon. Kahit nangangamba siya sa tingin nito na may kataliman ay gusto niya itong nakikita.

Sa unang pagkikita nila, alam niya na hinangaan niya ito dahil sa lakas nito at pagtulong na rin sa kanya. Ngunit nang maging exchange student si Craven, ilang araw pa lang ay kinuha nito ang buong atensiyon niya. Simula nang halikan siya nito doon na nagsimulang unti-unti niyang mapuna kung ano ang damdamin na iyon. Hindi siya eksperto sa pag-ibig, sa katunayan unang beses pa lang niyang makaramdam nang ganoong klase ng bugso nang damdamin at ini-interpret niya iyon bilang pagkakagusto dito. Mali nga kaya? Pero paano niya nga ipapaliwanag na hindi siya naiilang sa halik at pagkakalapit nila?

Naputol ang pagninilay niya nang bumalik na si Craven dala ang isang tray na may gatas. Natuwa naman siya nang maupo ito sa gilid ng kama at makita niya ang octopus hotdog na ginawa nito.

"Anong disenyo 'yan? Kinawawa mo naman 'yang hotdog!" natatawang puna niya.

"Tsk, kainin mo na lang! Gano'n pa rin naman ang lasa niyan," anito na balak pa yata siyang subuan.

"Pumasok ka na, ako na diyan," kinuha na niya ang tray dito.

"Ano'ng gagawin ko do'n? Sinabi ko na, 'di ba? Ikaw lang ang dahilan kung bakit ako pumapasok sa mga klase."

"Hindi puwede. Magtataka sila at mag-iisip ng kung ano kung sabay tayong aabsent. Kung hindi mo gustong pumasok, ako na lang ang papasok o pareho na tayong pumasok."

Tiningnan siya nito ng masama.

"You're not okay, and I'm the one who did that to you. Babalikan kita sa lunch break," wika nito.

"Okay, 'wag mong kalimutang mag-notes," nginitian niya ito ng matamis kaya napailing na lang ito sa kanya.

"Fine," may pagsukong wika nito.

Tumayo na si Craven at may kinuhang tuwalya sa aparador nito. Tiningnan pa siya nito saglit bago ito tuluyang magtungo sa bathroom.

Kumain na siya habang nangingiti sa mga hitsura ng disenyo nito. Nang mapansin niya muli ang roba na suot nagsimula na namang mag-init ang mga pisngi niya. Hinubaran ba talaga siya nito? Pero may suot naman siyang pangloob na marahil hindi naman nito inalis. Pero nakakahiya pa rin.

Pinilit na lang niyang isantabi ang iniisip at tinuloy ang pagkain. Kahit sa mga oras na iyon damang-dama ni Cyan sa kanang kamay at leeg ang kirot na dulot ng pagkagat nito. Wala naman siyang nakakapang pagsisisi sa sarili, kaya naman batid niya na kusa siyang pumayag kaya naganap ang pangyayari kagabi.

Inilagay niya sa side table saglit ang tray kasama ang mga kinainan. Tinanggal niya ang kumot at marahang tumayo at kinuha muli ang tray. Kung maaabutan pa ni Craven ang kinainan niya, paniguradong ito pa ang maghuhugas at masyado nang nakakahiya iyon kapag nagkataon.

Lumakad siya nang marahan dahil kulang na kulang ang lakas niya. Narinig niya pang bumukas ang bathroom kaya saglit niyang nilingon si Craven. Nakangiti siya rito habang halos magdikit ang kilay nito habang nakatitig sa kanya. Pero higit naman ang pagkapahiyang naramdaman niya nang makita ang nakabuyangyang na itaas na bahagi ng katawan nito.

FORBIDDEN FRUIT ( BL ) PUBLISHED UNDER BLACK INKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon