Chapter 8

448 27 1
                                    


Chapter 8

Katulad nang sinabi ni Craven sa kanya, hindi siya nito iniwan. Tuwing gabi kalapit niya itong matulog at kung umaga naman ay umaalis ito at sasailalim naman siyang muli sa doktor na si Alexander.

Habang tumatagal mas nanghihina si Cyan. Mas nakadarama siya ng pagkaawa sa sarili. Ngunit iniisip niya na sa bawat araw nababawasan ang mga dapat niyang tiisin. Matatapos din ang sampung iyon—ksampung pagdurusa na inililihim niya kay Craven.

Nalaman niyang masaya ito sa nagiging buhay nito ngayon. Nakuha nito ang hinahangad na pagkilala at masaya ang ina nito na sa wakas ay nagagawa na nitong makipag-ugnayan sa ibang mga bampira. At masaya rin si Cyan na malaman na sa kabila ng paghihirap niya, may maganda naman iyong resulta para sa minamahal niya. Gusto niyang maging masaya si Craven. At isa pa, hindi na rin niya matatakasan ang kapalaran.

Nililihim niya ang mga pasa sa katawan. Iyon ang nagiging resulta ng kabilaang gamot na tinuturok sa kanya. Hindi niya alam kung paano siya sinusuri ng mga ito.

Marahan niyang hinila ang tali ng roba. Nanginginig ang mga tuhod niya dahil sa ikatlong pagsailalim sa pagsusuri at sa kung ano pa mang ginagawa sa kanya ng mga ito na ikinasusuko na rin ng katawan niya.

Ibinaba niya ang roba at inilang hakbang ang ilalim ng dutsa ng shower. Kailangan niyang maginhawaan para maharap niya nang maayos si Craven. Sa likuran niya ay may malaking salamin. Dahan-dahan niyang tiningnan ang likuran doon at tumambad sa kanya ang ibang naghihilom ng pasa. May ilan na bago pa lamang.

"Kahit na may mga pasa ka, hindi maikakailang maganda ang hubog ng katawan mo."

Nawala ang lalim ng iniisip ni Cyan nang marinig ang doktor sa bukana ng paliguan.

"Ano'ng ginagawa mo dito?!"

Mabilis niyang kinuha ang roba malapit sa kanya. Sa sobrang lalim ng iniisip niya nalimutan niya ng isara iyon.

"Ano pa bang itatago mo sa 'kin? Nakita ko na halos lahat 'yan," nakangising wika nito.

Agad niyang isinuot ang roba.

"Anong ginagawa mo sa kuwarto namin?" may awtoridad na tanong ni Craven na kadarating lang.

Mabilis itong lumapit sa doktor at hinawakan ito sa kuwelyo.

"Bakit ka nandito?!" singhal pa nito kay Alexander.

Saglit siyang napatingin sa bahagyang bukas na shower at naroon si Cyan na tila kabadong-kabado kaya halos hindi nito maibuhol nang maayos ang roba nito.

"Tinutulungan ko lang siya, nanghihina siya kaya nagmamagandang loob lang ako," walang gatol na wika ng doktor. "Now remove your hand," anito na tila nagtitimpi pa. Inaalis nito ang kamay ni Craven sa kuwelyo nito.

"Umalis ka na," sabi ni Cyan sa doktor nang makalabas siya ng paliguan.

Nginisian lang siya nito.

Nagtungo siya sa likuran ni Craven.

"Tama na," aniya kay Craven na lumuwag naman ang pagkakakapit sa doktor hanggang bitiwan ito.

"Hindi pa tayo tapos," banta ni Craven kay Alexander.

"Nagbibigay tulong lang naman ako," tatawa-tawang wika ng doktor bago nagtungo sa pintuan. Nilingon pa sila nito at nginitian bago tuluyang umalis at sumara ng kusa ang pinto.

"Bakit siya nandito?" galit na hinawakan ni Craven ang magkabilang braso ni Cyan. "Bakit pumayag ka na pasukin ka niya sa loob? Tama ako nang tingin, hindi ba? Nagbibihis ka sa harapan niya!" nanggagalaiting sigaw niya.

FORBIDDEN FRUIT ( BL ) PUBLISHED UNDER BLACK INKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon