HI DOC?
© iammokang
Sa lahat pa ng tao sa mundo, ako pa yung nagkakaganito. Galit ba 'to sa akin? Kahit anong iyak ko ay wala namang nakikinig - sina Mama't Papa ay laging wala sa bahay. Sana may kapatid nalang ako para naman may makausap lalo na sa mga pagkakataong 'to. How f*cked is my life? This is just too much.
Maganda man ang tanawin pero hindi ko 'to magawang tangkilikin dahil natatabunan na 'to ng mga luha. Gusto kong mag-iba ng trabaho, gusto kong gawin ang mga bagay na gusto ko. Pero iisang dahilan lang ang nagpipigil sa akin para sunggaban ang mga dumadaang oportunidad - ang aking pangako. Lagi ko po kayong susundin, pangako. Itaga niyo man yan sa bato.
"Arghh! Ba't kasi?" Tanong ko na padabog sa aking sarili habang patuloy pa rin sa pag-iyak ng nakayuko. Tingin sa dagat na kay ganda sana kaso natatabunan ng sakit at pighati "Kung alam ko lang sana noon na magkakaganito, e di sana di na ako nangako." Isa sa pinakaimportanteng turo ni Papa sa akin ay ang tumupad sa pangako. Mahirap man pero kinakailangan, lalo na ngayong wala na siya.
Wala na si Papa, noong isang buwan lang. Huling sambit niya sa akin ay huwag iwan si Mama. Kaya ko naman yun, pero magiging hadlang 'to sa pangarap kong umibang bansa at magkaroon ng bagong buhay. Hindi ko kayang iwan si Mama, hindi ko rin kayang hindi tuparin ang pangarap ko. Mahirap magdesisyon, mahirap pumili, mahirap ang maipit sa dalawa na importante sa'yo.
Dahan-dahan akong nagtampisaw sa tubig at hinugasan ang basa ko nang mukha. Hindi ako dapat kaawaan ng mga tao, ayokong magmukhang tanga. Ngayon, nakikita ko na ang kagandahan ng hapon sa paglubog ng araw. Papalit ng papalapit sa kasiyahang gusto ko nang makamit. Dap--
"Aahh! Ahh!" Halos mainom ko na ang lahat ng tubig sa biglaang pagkalunod ko. "T-tulong!" Ibinuhos ko na ang lahat para makasigaw ng napakalakas. Hindi ko na alam kung ano pa ang nakikita ko - kung yung mga tao bang abala sa pagtatawanan o yung pag-asa kong unti-unti nang nawawala "T-tulo"
Di ko na alam kung ilang minuto o oras akong nawalan ng malay pero sa aking paggising, isang pigura ang sumambulat sa akin. Hindi ko pa gaanong makita kaya paulit-ulit akong pumikit at dumilat hanggang sa isang napakaamong mukha ang aking nakita. "A-are you okay Miss?" Tanong niya habang tumitingin-tingin sa kapaligiran.
Hindi ako agad nakaimik sa sobrang pagkagulat kundi ang pagbuka lamang ng aking bibig ang aking tanging nagawa. Sinubukan kong magsalita pero tunog lang ang tanging naririnig ko rito, marahil ay dahil sa kaba ko. Oo nga, baka sa kaba lang.
"D-don't worry, I'm a doctor." Sambit niya habang tinitignan ang pulso ko at pakiramdaman 'to.
"B-buhay po ako," kahit siya ay nagulat dahil sa wakas ay nakapagbuo na rin ako ng mga salita. Ginabayan niya ako sa pag-upo habang hinahaplos ang likod ko. Napapaubo ako marahil sa nainom kong tubig-dagat. "S-salamat," sambit ko at tumayo siya. Pinahiran ko yung bibig ko tsaka tumingin sa taas - naaanigan siya ng liwanag ng posteng malapit lang.
"Here," sabay abot niya sa kanyang kamay at tinignan ko lang 'to dahil nagdadalawang-isip ako kung dapat ko ba siyang pagkatiwalaan "Tumayo ka na," dagdag niya tsaka lang ako nabalik sa ulirat at tinanggap ang kanyang alok.
BINABASA MO ANG
Kaibigan (Shots)
Short Story{ filipino } Walang kwentang one shots, mga may kwentang tao sa buhay ko.