[4] Pogi Problems | Paul Puloy

192 10 4
                                    

POGI PROBLEMS

© iammokang

Mahirap maging gwapo kasi lahat ng kilos mo binabantayan nila. Kahit nga siguro 'yung pangungulangot ay kailangan pang pasekreto. Mahirap di ba? 'Di ko naman kasalanan kung nung panahon na nagsabod ng kagwapuhan sa mundo ay ako lang ang pinalabas para bumili ng toyo.

"Waahhh! Paul! Alabyou!"

"Pakiss naman oh, isa lang."

"Pahingi naman ng number please."

Bawat isa sa kanila ay ngiti lang ang inabot. Ni wala man lang ni isang nakahihigit sa kanya.

"Paul," tawag nito sa'kin sabay tapik sa balikat ko. Masarap sana sumagot kaso masama para sa'min na makita ng iba.

Hindi na ako umimik at nilagpasan siyang nakatayo lang dun habang nakasaksak sa tenga nito ang earphones na binili pa namin sa Robinsons. Napakapropesyonal rin nito tignan dahil sa dala-dala nitong libro sa kanang kamay niya.

Pumunta na ako ng silid-aralan at umupo sa harapan. Hindi umabot ng tatlumpung minuto ang pag-aantay ko sa guro naming akala siguro'y principal sa sobrang hangin - mahangin sa pagkahuli sa unang subject ng hapon.

Napasalampak ako sa aking mesa habang nagsisimula na naman siya sa pagkukwento ng mala-telenobela niyang talambuhay. Akala niya siguro siya si Tita Charo at kami ay nanonood ng MMK, pero hindi e.

Habang nakaharap ang mukha ko sa may pintuan, agad ko siyang nahagip na dumaan. Naalala ko bigla ang pagtawag niya sa'kin kanina, baka may importante siyang sasabihin. Pero kasi, napakahirap ng sitwasyon namin. Hindi ito madali.

Natapos na ang hapon at uwian na. Kinuha ko na 'yung backpack at nilagay sa likod ko. Sa bawat hakbang ko ay naaalala ko ang mga panahon na magkasama kami. Kahit nakayuko ako ay ang mukha niya lang ang tanging nasa isip ko.

"Gusto ko 'to," sabay turo ko sa pares ng singsing na nasa loob ng pawnshop. Alam kong hindi niya pa kaya ang presyo nito kaya naiintindihan ko kung hindi niya 'to bibilhin.

Tumambay ako sa quadrangle para hintayin ang paglipas ng oras, nang sa gayun din makasama ko siya sa pag-uwi. Ganito ang sistema namin araw-araw, naghihintayan hanggang sa dumating ang isa. Kahit man lang sa ganitong mga oras ay may panahon kami para sa isa't isa.

Humiga ako habang nag-aantay sa pagdating niya. Nilalaro ko sa bibig ang damong sigurado akong malinis.

"H-hoy," tawag nito sa'kin nang nauna akong maglakad sa kanya. Hindi ko kasi 'to narinig dahil akala ko kaming dalawa ang nakikinig ng musika, ako nalang pala. Hindi ko man lang naramdaman ang pagluwag ng lugar sa pagitan naming dalawa.

"Pasensya na," sabay hugot ko nun para mapakinggan siya "a-ano 'yun?" Tanong ko at huminga siya muna ng malalim.

Napakalalim at sa kanyang pagdilat ay matagal siyang tumitig sa'kin. Lumapit siya sabay kuha ng kamay ko. Nagulat ako sa ginawa niya lalo na't may mga taong dumadaan, pero binalewala niya lang 'to.

"P-paul, alam kong mumurahin lang 'to pero sa ngayon ito muna. Pag naging regular na ako tsaka lang 'yung tinuro mo. Okay?" Tanong niya sabay ngiti sa'kin. Tinignan ko 'yung ngayo'y nakasuot na sa mga daliri naming magkapareho pa.

Napangiti ako nun at sa sobrang saya ko ay nayakap ko siya. Kahit pinagtitinginan na kami ng mga tao ay ginawa ko pa rin, wala akong pakialam.

Sa panahong 'yun, wala man lang bahid ng kahihiyan ang nadarama ko. Pero ngayon, isang malaking tanong 'yan sa isipan ko.

"Paul," napatigil ako sa kakaisip nang marinig ko siyang magsalita. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata na gusto niya akong makausap. Tumayo ako at pinapag ang itim kong pantalon. "Sabay na tayo umuwi, okay?" Tanong niya at tumango lang ako.

Kaibigan (Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon