[6] Silenced | CeeGee

142 7 3
                                    

SILENCED

© iammokang

Nagmano na ako kay Nanay bago ako pumasok ng paaralan. Nakasanayan ko na rin kasing gawin 'to bago ako umalis ng bahay. Nakatalikod na ako sa kanya ngunit tinawag niya ang pangalan ko, "Catherine" dahilan para malingon ko siyang nakaupo malapit sa marupok naming pintuan "mag-iingat ka lagi."

Nginitian ko lang 'to, sa gan'on kasi alam niya nang naiintindihan ko siya.

Inayos ko ang puti kong blusa at itim kong saya na hanggang ibaba ng tuhod. Kailangan kong maging maaga para sa pagbisita namin sa music room - sana andun na rin ang mga kaklase ko kahit ni isa ay 'di ako kilala.

"Ay, ano 'to," sabi ko sa aking isipan ng makarating na ako sa paroroonan ko - walang tao, mag-isa na naman ako. Nakayuko akong napaupo sa isa sa mga pulang upuan na andito.

Marahil 'di natuloy at na-move sa ibang skedyul. Pero kasi, wala ni isa sa kanila ang nagsabi sa'kin.

Nanginginig na ang bibig ko sa kakapigil ng mga luhang nagbabadyang bumuhos. Ang sakit lang kasi - tanggap ko namang 'di nila gustong magkaroon ng kaklaseng kagaya ko pero tao rin naman ako, 'di ko..ayoko nang balikan pa ang nakaraang nagdulot nito.

"Catherine," napaangat ang ulo ko sa aking narinig. Hindi naman 'to ang unang beses na tinatawag niya ako na para bang normal ako "umiyak ka no?" Tanong nito.

Umiling ako bilang sagot at pinahiran ang pisngi kong matutuyuan na ng luha. Nginitian ko siya kahit alam kong nahahalata niyang pilit lang 'to.

Sanay naman ako sa ganito, 'yung kaaawaan ako ng mga tao o minsan nga ay pandidirihan pa. Pang-apat na taon ko na 'to pero para bang kada taon ay mas lalong humihirap ang pagtanggap.

"Hali ka," saad nito at pinaakyat ako ng entablado. Ang makatayo sa ganitong lugar ay isa sa mga pangarap ko - gusto ko mang kumanta o kahit magpatunog lang ng instrumento, napakaimposible naman dahil baka ibang tuwa ang maidulot nito sa kanila. "Umupo ka dito't tuturuan kitang magpiano," sabay papag niya sa tabi nito kahit iisa lang ang upuan pero mahaba naman.

Napangiti niya ako 'dun pero nagdadalawang-isip ako kung susundin ko siya. Mahirap nang magtiwala agad sa lalaki. Ang huling beses na ginawa ko 'yun ay nakatatak sa'king isipan. Hindi ko kaklase 'tong lalaking 'to kasi nasa special art class siya at ako naman ay nasa regular lang.

"Sige na," sabay lahad ng kamay niya sa'kin at napatingin naman ako 'dun "libre naman 'to. Para sa kaibigan," dagdag niya.

Nang marinig ko ang salitang kaibigan ay sobrang kaligayahan ang aking nadarama. Parang unang beses lang na may tumuring sa'king ganun kahit na alam niyang may diperensya sa pagkatao ko.

Tinanggap ko ang kamay nito't umupo sa tabi niya. "So ito nga pala ang piano Catherine, pansin mo 'tong puti?" Tumango naman ako "eh, itong itim?" At isa pang tango.

A-ano nga ba ang pinagkaiba nito? Nais ko sanang itanong sa kanya 'yun pero 'di ko alam kung naiintindihan niya ba ang bawat senyas ng kamay ko.

Pangalawang beses ko 'tong inulit sa harap niya't nagbabaka-sakali akong masagutan niya, pero bigla lang 'tong tumawa. "Naiintindihan ko naman 'yan Catherine," sagot nito. Halos mabunutan ako ng tinik sa sagot nito kasi ibig sabihin 'nun ay 'di ako mahihirapan sa pakikipag-usap sa kanya.

Tinuruan niya akong unang ehersisyo para sa kamay - 'yung para hindi maging dependent ang bawat daliri mo sa kabila. Tawang-tawa na nga kami dahil paminsan-minsan ay nagkakamali pa ako. Pero sabi niya ngang normal lang sa taong magkamali.

Paulit-ulit ko 'yung ginagawa pati na nga sa bahay. Nagtataka na nga si Nanay kung bakit ganun na lang ang saya ko sa mga nagdaang araw, hindi niya alam na nag-aaral na pala ako ng pyano kasama si Talio.

Bawat sabado at kahit pagkatapos ng mga klase namin ay kami ang magkasama. Minsan, nakikita kami ng mga kaklase ko't nandidiri agad.

Mapanghusga talaga ang tao. Kahit na maliit na problema lang ang meron ay palagi nilang pinamumukhang napakalaki nito para sirain ang tiwala natin sa sarili. Pero siguro, nasanay na ako. Isipin niyong sa bawat araw na kasama ko siya ay tinitiis ko ang bawat panlilibak nila sa'kin - kesyo ang landi ko raw o kaya ay iniisip nilang nilason ko raw 'to nang sa ganun 'di nito makita ang pagiging pipe ko.

"Huwag mo na silang pansinin Catherine," nabalik ako sa ulirat nang sabihin niya 'yan sa'kin sa kalagitnaan ng may gate "t-tara na, ihahatid na kita pauwi," dagdag nito.

Naging napakalapit namin sa isa't isa hanggang sa isang araw ay bigla nalang siyang nawala. Ilang taon rin akong umasa na baka babalikan niya ako sa music room, 'yung mga lugar kung saan niya ako tinuturuan, o kahit sa bahay. Pero wala talaga.

Lumipas ang ilang taon at naging guro ako ng isang paaralan para sa special children na gustong matutong umawit o kaya'y magpatugtog ng instrumento. Dito ko naituro lahat ng mga naibahagi niya sa'kin, para bang bawat turo ko ay siya ang naaalala ko.

"Excuse me Ms. Catherine," bigla akong napaharap sa may pintuan nang may kumatok rito "may naghahanap po sa inyo sa labas." Sinenyasan ko muna ang mga estudyante kong mag-break muna't may aasikasuhin lang ako.

Inayos ko muna ang mahaba kong kulay dilawng damit na hanggang lampas tuhod. Sinamahan ako ng kasama kong guro na si Teacher Mhaey at tinuro ang naghahanap sa'kin.

Dahan-dahan akong naglakad at para bang ang bawat yapak ko'y katumbas ang labis na kasiyahan nang makita ko kung sino ang andito.

Nayakap ko siya sa sobrang saya at ganun rin siya sa'kin. Napakahigpit na para bang labis naming namiss ang isa't isa.

"Catherine, sorry. Alam kong 'di 'yan sapat sa pang-iiwan ko sa'yo 'nun. Sana mapatawad mo'ko," nakayukong sabi nito pero pinataas ko ang mukha niya't nginitian.

Wala naman 'tong dapat ipagpatawad e. Wala naman siyang ginawa sa'kin na kahit ano.

"Ah, nga pala," sabi niya't kinuha ang kamay ko't isinabay ako sa pagtakbo niya patungo sa may waiting area ng paaralan. Bigla kaming tumigil sa lalaking nakatalikod sa'min na medyo may kaputian na ang buhok "Pa," dagdag nito dahilan para lumingon siya sa'min.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa ngayon. 'Yung kasiyahan ko kanina'y napalitan ng lungkot at galit. B-ba't niya kasama 'yan? B-bakit?!

Tinignan ko si Talio na nakangiti pang nakipag-usap rito, "Siya nga po pala si Catherine Pa. 'Yung mamanugangin niyo sa hinaharap." Ang akalang biro ni Talio rito ay hindi sa'kin.

Pilit kong binuka ang bibig ko't sinubukang magsalita. Nais kong itanong 'to.. Kung bakit.

B-bakit..

Ba't kasama mo ang Tatay kong naging dahilan ng 'di ko pagsasalita?!

Ba't kasama mo ang hampaslupang bumaboy sa'kin?!

**

NATUTUNAN NI MOKANG:

Naman oo, ang dakilang ama niya pala 'yun. So meaning, incest ba 'to? Aruyy, 'di yan pwede no. Hahaha. Pasensya naman, inatake lang ng kabangagan. Hahaha. Hmm, una sa lahat ay gusto ko lang sabihin na bago ka magdeclare na 'mamanugangin' mo siya, check mo muna ang family tree dahil baka magkamag-anak o mas masama pa ay magkapatid kayo sa ama o ina. Saklap, di ba? Kaya 'yun muna. Be wise. Hekhek.

PS: Natatawa ako sa mga pangyayari rito. Ewan ko lang kung bakit. XD

► UP NEXT: Kabilugan ng Siopao (Pre Italiko)

Kaibigan (Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon