[8] Together Forever | Inaanak Mhaey

95 2 2
                                    

TOGETHER FOREVER

© iammokang

 

 

Malakas ang buhos ng ulan sa labas ng bahay namin. Nakakabagot nga dito sa loob at tanging kompyuter lang ang kasama ko. Andito naman si Mimi kaya lang hindi ko rin siya kayang sikmurain.

Napasalampak ako sa kama kong double deck, siya ang nasa taas at ako ang nasa baba. Tulog na ‘yun panigurado. Sa dami ba namang pagkakawang-gawa ang nagawa niya sa araw na ‘to ay tiyak nakaramdam na siya ng pagod.

“M-mhaey,” bigla niyang tawag sa’king pangalan dahilan para mapagtanto kong gising pa pala siya. Hindi ko siya pinagbuksan ng mga mata pero ramdam ko pa ring nakatingin pa rin siya rito sa baba. “May laro ka pa ba bukas? Isasabay san—“

“Shush! Meron,” sabat ko sa kanya dahilan para hindi n’ya maipagpatuloy ang sasabihin n’ya.

“O-okay. Gusto ko sanang samahan mo’ko sa ospital.”

“Shut up Mimi. Alam kong for charitable purposes na naman ‘yang gagawin mo. I have no time for that. I have no time to spend my precious time with you,” diretso kong sagot sa kanya at tumagilid habang yakap-yakap ko ang hotdog pillow. Hindi na siya nagsalita ulit kaya ipinikit ko na ng tuluyan ang aking mga mata.

 

“Mama, makakapunta ka naman siguro sa laro ko next week saturday ‘di ba? It would be—“

“A-alam ko anak. Titignan ko pa kung makakapunta ako. Alam mo namang hindi ko pa alam kung ano ang takbo ng kompanya, ‘di ba? B-baka kasi may emergeny meeting na gaganapin. But I promise I’ll try Mhaey,” pagpuputol n’ya sa sasabihin ko habang papatayo pa sa kanyang kinauupuan. Tapos na rin kasi siyang kumain ng umagahan “and besides,” dagdag pa n’ya at pumwesto sa may likod ni Mimi “for sure naman ay makakapunta ang kapatid mo d’yan. Hindi pa naman finals, ‘di ba?” Nakangisi naman ‘tong um-oo sa sabi ni Mama.

For whoever’s sake, siya ba ang tinatanong kung okay ba? Hindi ba ako? No way, hindi ako makakapayag makapunta ang babaeng ‘yan sa laro ko.

I just rolled my eyes for a response sabay ang pagkuha ng bag ko para makaalis na papuntang paaralan.

“Ma, I need to go,” wala na akong ganang tapusin ang pagkain ko dahil sa sagot n’ya kaya tumayo na ako at sinilid na sa shoulder bag ang baon na inihanda n’ya – hotdog ang ulam. “Bye,” dagdag ko sabay halik sa pisngi niya.

“M-mhaey, hintay!” sigaw ni Mimi sa may likod ko nang mauna ako sa kanyang maglakad. Sinuot ko na ang helmet ko at sinimulan na ang pag-crang ng motorsiklo. “Sasabay ako, uy.”

Tinignan ko lang s’ya at hindi na sumagot pa. Sa kaloob-looban talaga ay sarap niyang iwan kaso tiyak pagagalitan na naman ako ni Mama kapag ganun. The last time I witnessed how fierce she is, was when our father visited us for our birthday.

It was our 16th birthday that night, nang biglang dumating si Papa na dala-dala ang kanyang bagong kasintahan. May dala pa silang dalawang regalo na para raw sa amin ni Mimi. Pagkabukas na pagkabukas ko ay as usual ay magkaparehas na naman kami, magkaiba nga lang ng kulay ng cover. Ang sa kanya ay kulay pink at akin naman ay kulay puti. “Nagustuhan n’yo ba mga anak?” tanong ni Papa sa’min habang tinuturo ang bigay nilang Acer netbooks.

Hindi pa nga kami nakasagot ‘nun ay biglang sinugod ni Mama si Papa dahil nga sa sobrang kalasingan. Pati nga ang nobya ni Papa ay sinali pa n’ya, sinabunutan n’ya to sa harap ng maraming bisita namin na malamang ay ‘di alam kung ano ang nangyayari. Panay pa ang sigaw n’ya ‘nun ng mga katagang flirt, salot at whore. Hindi namin alam kung ano ang gagawin ‘nun dahil sobrang napahiya na kami dahil sa kanya, more of like ako lang pala dahil dati namang ‘di gaanong napapansin si Mimi kaya okay lang sa kanya.

Kaibigan (Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon