OH MY DEE!
© iammokang
Shocks, naririto na naman siya. Sa lahat ng tao rito sa room ay siya lang ang nakikita ko - seryoso nga. Kahit kung saang banda pa ng silid aralan niyo pa ako paupuin ay 'yun pa rin ang nakikita ko at 'yun pa rin ang nararamdaman ko.
Rumaratrat na naman ang bunganga ng mga kaklase kong tsimosa na tinalbugan pa ata si Tito Boy sa kakasalita.
Kumpul-kumpol na estudyante ang makikita - may grupong sosyalera na andun sa pwesto ni Jane; may grupong maaangas na nakaupong hari dun sa may teacher's table; may mga malalandi at tsimosa sa magkabilang gilid; at may mga nerdy na sa pagkakataong 'to ay nakatitig pa rin sa kani-kanilang libro.
"Zee," napalingon naman ako sa pagtawag nila ng pangalan mo. Akala ko ako, pero sana surname mo. "Miryenda tayo," naiinis talaga ako sa Jane na yan at kung bakit siya ang nang-iimbita sa'yo. Sana pala napabilang nalang yan sa mga malalandi kesa sa mga sosyalera. Ay, mali pala. Dapat nag-iisa lang siyang linta.
Bigla niya akong nilingon pero sinamaan ko lang siya ng tingin. Ang sarap murahin, kaso andyan ka kaya dapat anghel ako. Oh my dee, ang gwapo mo talaga kahit nakaside view ka lang. Pwede ka bang humarap?
Mukha na talaga akong tangang nakatitig sa libro, oo, nerd rin pala ako. Ang pinagkaiba ko lang sa kanila, mayroon silang glasses at ako wala.
Buong maghapon akong nakatitig sa mga letra ng textbook na kahit naiintindihan ko man ay di ko magawang ibaba. Bakit? Dahil makikita na naman nila ang pamumula ng pisngi ko. Ikaw kasi e, bakit magkatabi pa tayo?
Pinapag ko na yung saya kong hanggang tuhod sa sobrang haba. Tinatanong na nga ng iba kung napakayaman ba namin at kung bakit sobra-sobra ata ang telang ginamit. Sagot ko lang sa kanila'y isang napakatamis na ngiti. Mabait naman ako kaso ibang usapan na yun pagdating sa Jane na 'yan.
Tss. Naiinis kong sabi sa aking sarili. Bakit mo hinahayaang ipulupot ng lintang 'yan ang kamay niya sa braso mo? Lumpo ba siya para gawin kang stretchers niya? Natatawa nalang ako na nanggagalaiti.
Sa totoo lang Zee, napakamanhid mo talaga. Kung pwede nga lang may award nun, for sure, ikaw ang papapabigyan ko.
"Jem!" Napalingon ako sa tawag ng aking kaibigan "tara, kain tayo."
Sinamaan ko lang ng tingin ang mokong na 'to na apat ang mata. Nerdy na nga, lampa pa. "Tss, saan naman?" Tanong ko at ngumiti lang 'to.
As usual, sa sobrang pagkabusy niya kuno ay dito ako dinala sa opisina na kanyang lilinisin muna. Kakapasok ko pa nga lang at halos matapilok na siya sa pagmamadaling bigyan ako ng mauupuan.
Nilapag ko yung bag ko sa maputing mesa rito. Nagpalakad-lakad at pinabayaan siyang magsimulang maglinis. Sa aking pagliliwaliw ay natanaw ko ang sapilitang paglalambing nung linta kay Zee. Nanlaki talaga yung mga mata ko sa sobrang inis na pati yung ilong ko ay sumasabay.
"Jem, pagkain mo," napalingon ako sa sabi nitong nerd kong kaibigan. Nakita niya siguro akong namumula na sa sobrang inis kaya bigla siyang lumapit sa akin. "A-anong problema? High blood?"
Nagsimula siyang tumawa pero hindi ako natutuwa. Kinuha ko yung pagkaing dala-dala niya at lumabas na. Nakakainis talaga 'yung Zee na yun, dahil lang ba gwapo siya, kaya na niyang manakit ng puso ng iba? Tsk.
Hindi ako sumakay sa sasakyan ni Eyrin dahil wala ako sa mood. Gusto kong maglakad, pampawala lang ng galit.
"Linta! Linta! Linta! Linta kayong dalawa!" Pagmamaktol ko sa aking isipan at napapailing. Nakayuko akong naglalakad sa maulang daanan papuntang bahay.
BINABASA MO ANG
Kaibigan (Shots)
Short Story{ filipino } Walang kwentang one shots, mga may kwentang tao sa buhay ko.