MEETING HER

45 1 1
                                    

Kabilang ako sa isang sikat na grupo sa university namin. Ang grupo namin ay may dalawang banda, may mga mahilig sa photography, sa sports, sa road trip lang, at hindi mawawala ang hilig sa mga babae. All in one ang grupo namin, mula sa magkakaibang parte ng city namin. Kaya magugulat talaga ako kung may hindi pa nakakaalam sa amin.

Mali ako. May hindi pa pala nakakaalam tungkol sa amin.

Sa isang music event, nagparticipate ang dalawang banda ng grupo namin. Masaya at wild ang nangyari. Wild na nakakapagod na mag-headbang. Kinailangan ko ng sariwang hangin kaya lumabas ako. Sa Gate 3, may nakasalubong akong isang grupo ng mga babae. Isa sa kanila ay kaibigan ko pero di ko na muna pinansin.

"Bumili lang ako ng ticket but I didn't really want to go," rinig kong sabi ng isa sa kanila.

"Sayang naman kung di natin gagamitin. At balita ko, andito sila!!!"

"Yong barkada ng pinsan ko," sabi ng kaibigan ko sa kanila. Pinsan sya ng isa sa mga kasamahan ko.

"So? Aanhin ko sila?"

"Hay, kapag makita mo silang mga taga-TF, ewan ko lang kung di mo hilinging magpapicture sa kanila."

"TF? What's that? True friends?" sinabayan pa nya ng pagtawa habang pinipilit syang pumasok ng mga kasama nya.

Walang pangalan ang grupo namin dahil jejemon sa pakiramdam, kaya "taga-TF" na lang ang tawag sa amin dahil sa track and field ng university namin kami madalas nakatambay.

Na-curious ako sa babaeng yon, freshman siguro yon kaya di kami kilala. Pero ang alam ko pati sa mga highschool ay kilala kami.

Sinundan ko ang grupong yon para makilala ang babaeng yon.

"Shine!" Tinawag ko yong kakilala ko sa kanila. Lahat naman sila lumingon sakin.

"Ang ingay naman dito," reklamo nong babaeng di nakakakilala samin.

Yong ingay pa ang inintindi nya at hindi ako? Yong mga kasama nga nila ay nakatingin sakin habang halatang kilig na kilig.

"Buti nakita kita. San mga kasama mo? Ang sikip dito e, pwede ipasok mo kami sa VIP seats?" Pakiusap ni Shine sakin.

"Sige ba! Basta may kapalit."

"Basta ba kaya ng powers ko. Ah oo nga pala. Magpapa-picture sayo mga kaibigan ko mamaya ha. Pati sa ibang mga taga-TF na narito ha!"

"Sige sige, walang problema. Basta ikaw." Hinatid ko sila sa VIP seats, katabi ng mga kagrupo ko.


Pagkatapos ng event, as usual, maraming nakipag-picture samin. Pero yong babaeng yon, nasa isang tabi lang habang hinihintay sina Shine. Di man lang sya nakisali samin.

"Shine, maghahating gabi na. Umuwi na kayo. May service ba kayo or gusto mo ipahatid ko na lang kayo?" Offer ng pinsan ni Shine na kasamahan ko, si Kyle.

"May service kami. Sasakyan ni Krys. May driver din na kasama kaya safe kami." Sagot ni Shine habang nakaturo don sa babaeng nasa isang tabi.

So Krys pala pangalan nya.

Habang papunta na ang grupo nila sa kotse ni Krys, sumabay ako at kinausap ko si Shine ng pabulong.

"Shine, yong usapan natin. Yong kapalit."

"Ahh, basta kaya ko ha. Kung hindi, nevermind." Pabulong din syang sumagot.

"Number ni Krys."

"Ops. Paano ba yan, Nathan, hindi na pwede."

"Bakit? Bakit, may boyfriend na ba sya?"

"Hindi, hindi. Naunahan ka na kasi ni Chris. Si Christian. Pinopormahan na sya ni Chris."

"Ha? Bat mo hinayaan? Alam mo namang may apat na girlfriend na yon!"

"At ikaw walang syota?"

"Hoy, wag mo ngang ipinagsasabi."

"Pare-pareho lang naman kayo."

"Hindi mo ba kaibigan si Krys? Bat mo hinahayaang pormahan ni Chris? Nakakalito naman, ibahin nga natin ang pangalan ng kaibigan mo. Gawin nating manang."

"Ang bastos mo naman. Bat manang?"

"Old school e, di kilala ang grupo namin. Anyway, back to usapan tayo."

"E alam naman nya ang tungkol kay Chris. Aware syang may ibang girlfriend ang loko."

"At inientertain pa rin nya? Wag na lang pala. Di na ako interesado sa kaibigan mo."

"Wow ha. Judgmental ang gago. Hindi nya inientertain. Kausapin mo yang si Chris, baka sa'yo makinig yon. Sabihan mong tigilan na nya si Krystal. Iniwan sila ng tatay nya para sa ibang babae, kaya imposibleng magkagusto si Krystal sa katulad ng tatay nya, merong kinakaliwa, baka merong sa likod at harap pa. Di na lang makuntento sa isa."

Ahh, Krystal pala buong pangalan nya.

"Pero di naman ako katulad ni Chris."

"Wow, e kumusta na nga ba kayo ni Sweetie? At ni Tummy? Balita ko may Honey ka na rin daw?"

"Ssssshh!!! Wag mo ikukwento sa kaibigan mo yang mga yan ha!"

"Sus, aware naman si Krys na lahat kayo sa grupo nyo ay pare-pareho."

"Hindi na."

"Hindi na? Bakit, may himala na ba?"

"Hay. Abangan mo na lang. Sige, ayan na ba yong sasakyan nyo? Ang layo naman ng pinarkan nyo."

"Oo. Sige na, baka maligaw ka pa pabalik."

Nagpaalam silang magkakaibigan sakin, pwera kay Krystal. Kausap lang nya yong driver nya habang papaalis ako. Di man lang ako pinansin.

HOW TO STAY IN LOVE WITH HERWhere stories live. Discover now