HER ABSENCE

5 1 0
                                    

Isang buong araw, ni isang reply sa mga text message ko ay wala galing sa kanya. Kinakabahan ako dahil ang tagal naming naging masaya, baka ito na yong bawi samin ng tadhana. Ewan, kung anu-ano na ang naiisip ko. Ayaw ko lang talagang magbago ang relasyon namin na sobra kong pinapahalagahan.

Bumisita ako sa bahay nila at ang sabi sakin ay buong araw na nasa kwarto lang si Krystal, malakas na nagpapatugtog ng mga usual study songs nya. Hindi pa naman namin exam week kaya siguro may long quiz lang syang pinaghahandahan, kaya di ko na sya inistorbo.

Sinabihan ko na lang yong kasambahay nila na ipaalam kay Krystal ang pagbisita ko, at babalik ako bukas.

Kinabukasan, sinubukan ko syang puntahan sa klase nila pero sinagad ng professor ko ang oras ng klase namin kaya hindi ko na nadatnan si Krystal sa klase nila. Tinawagan ko si Shine para tanungin kung alam ba nya nasaan si Krystal pero ang sabi ay umuwi na sya kaagad.

Tinanong ko rin si Shine kung may nakwento ba sa kanya si Krystal, baka may nagawa akong di nya nagustuhan, dahil pakiramdam ko ay iniiwasan nya ako. Ang sagot sakin ni Shine ay wala raw, pero mukhang okay naman daw si Krystal.

Bumisita ako ulit sa bahay nila, pero naka-lock pa rin ang kwarto nya at malakas ang tugtog ng music nya. Ayaw rin akong pagbuksan ng pinto. Kinakabahan na ako at nag-aalala. May nagawa nga ba talaga akong ikinasama ng loob nya?

Kinabukasan ulit, walang pasok si Krystal at sa hapon pa ang nag-iisang klase ko para sa araw na to. Maaga akong pumunta sa bahay nila. Magsisimula pa lang sila kumain ng breakfast pero hindi nila kasama si Krystal. Sabi ni Andrew di na to bago kay Krystal, minsan isang buong buwan syang hindi lumalabas ng kwarto, pero pumapasok pa rin naman sa sya klase, kaya hindi na sila nag-aalala. Pero sa akin, bago ito. At sobra ang pag-aalala ko.

Pinakiusapan ko silang payagan akong pumasok sa kwarto nya gamit ang susi nila. Sa una ay tumanggi si Mama, hayaan ko na lang daw. Pero nagpumilit ako, at pumayag na rin sila.

Sinamahan ako ni Kevin sa pagbukas ng pinto sa kwarto ni Krystal. Tulog pa sya sa higaan nya kaya dahan-dahan at tahimik akong pumasok. Sinenyasan ako ni Kevin na iiwan na nya ako at isasara na nya yong pintuan.

Lumapit ako kay Krystal at tinitigan ang mukha nya. Namamaga ang mata nya, siguro dahil sumubsob sya sa pag-aaral.

Inayos ko ang buhok nya na gulong-gulo sa unan nya hanggang sa nagising sya.

"Hey." Pagbati ko habang hinawakan ko ang pisngi nya.

Ngumiti lang sya nang matitigan nya ako sa mata.

"I miss you," sabi ko at hinalikan sya sa noo.

Umupo sya mula sa pagkakahiga nya at pinaupo nya ako sa tabi nya.

"Kamusta ka?" Tanong ko pero niyakap lang nya ako. Niyakap nya ako ng napakahigpit. Naramdaman kong hindi sya okay.

"Anong problema?"

Hindi sya nagsasalita. Sa estimation ko, umabot ng tatlong minuto ang pagkakayakap nya sakin. Habang nakayakap sya sakin ay ipinasyal ko ang mga mata ko sa loob ng kwarto nya. May araw din palang magulo ang kwarto nya, ito ang first time kong makitang napabayaan ng bahagya ang kwarto nya.

Natanaw rin ng mata ko sa salamin sa vanity table nya ang reflection ng nasa screen ng laptop nya na nakatalikod samin. Isang pamilyar na Twitter account ang nakadisplay, si K Faults.

Ang una kong naisip ay si Krystal nga siguro si K Faults, pero maaaring fina-follow lang din nya.

"Kaya mo bang lumabas? Tara, breakfast tayo," sabi ko pero halata sa kanya ang panghihina, siguro dahil kagigising lang nya. Kaya minabuti ko na lang na magpatulong sa kasambahay nila na ipaghanda si Krystal ng breakfast naming dalawa at dinala ko yon sa loob ng kwarto nya.

Sinerve ko ang mga pagkain sa coffee table na tatlong metro ang layo mula sa higaan nya. Inalalayan ko syang bumangon papunta sa beanbag sofa nya at sa floor naman ako umupo para malapit ako sa kanya.

"Hey..." Pagtawag ko sa kanya. Pilit ang pagngiti nya sakin. Sigurado ako, may pinagdadaanan ang girlfriend ko.

"May masakit ba sayo? Dysmenorrhoea ba?" Yon ang unang pumasok sa isip ko pero hindi sya sumagot.

"Headache? What? Body pain? Tell me."

"Let's just eat." Sinubukan nya akong subuan pero inagaw ko yong kutsara nya at sinubuan sya, hanggang sa nagsubuan na lang kami.

Inayos ko ang laptop nya para magpatugtog ng mga nakakasiglang kanta, pero nakita ko ang Twitter account ni K Faults na si Krystal nga ang naka-open nito, ibig sabihin kay Krystal ang account na yon. Di ako nagpahalata sa gulat ko at binuksan na lang ang Spotify para magpatugtog na.

Umupo ako saglit sa higaan nya at tinabihan ako ni Krystal. Humiga sya sa lap ko habang nakatingala sakin. Hinawakan nya ang baba ko hanggang sa pisngi ko.

"Why?" Nakangiti kong tanong.

"Sorry," sabi nya.

"Why?"

"I didn't let you in yesterday."

"Okay lang. Ang importante ay ang ngayon, okay? Pero okay ka naman ba?"

"Nandito ka na kaya okay na ako," sagot nya at niyakap ako habang nakahiga pa rin.

"Hwag mo na ulit gagawin to ha. Sobra akong nag-alala."

"Sorry... Nathan, thanks for the meal. Inaantok pa rin ako," sabi nya, kaya inalalayan ko syang humiga ng maayos sa higaan nya.

Tinabihan ko sya habang pinapanood syang makatulog ulit. Bumangon ako para palitan ng classic music ang tugtog, pagkatapos ay bumalik ulit ako sa tabi nya.

Inangat ko ang ulo nya para mailagay ang braso ko sa unan nya, at saka ko sya niyakap. Habang kayakap ko sya ay hawak ko ang phone ko at viniew ang account nya sa Twitter.

Hindi ako makapaniwalang si Krystal nga ang may-ari ng account na yon na nagpapahiwatig ng depression sa bawat tweet nya. Chineck ko ang following at followers nya pero wala akong nakitang kakilala ko, puro mga account na patungkol din sa depression.

Nag-search ako ng signs and symptoms ng depression pero ni isa sa mga binigay ni Google na sagot ay di ko naobserba kay Krystal. Lalo akong nalungkot dahil ngayon ko pa lang nalaman, habang four years old na ang account nyang yon.

Una kong naisip ay ipa-check up sya, pero baka ikagalit nya. Ako lang siguro ang nakakaalam tungkol dito kaya di ko dapat ipagsabi sa iba, kahit pa sa pamilya nya. Hayaan ko nang si Krystal mismo ang magsabi sa kanila, pero di ko pwedeng hayaan na lang si Krystal na sarilinin ang pinagdadaanan nya.

HOW TO STAY IN LOVE WITH HERWhere stories live. Discover now