OFFICIAL DAY 1

5 1 0
                                    

Parang panaginip pa rin. Halos umabot na pala ng dalawang taon ang panliligaw ko kay Krystal, tapos ngayon, kami na talaga. Para ko tong first time. Pero seryoso, ito ang first relationship ko na walang halong lokohan. Totoo lahat at seryoso, kaya pakiramdam ko talaga baguhan ulit ako.

Pagkatapos ko maghilamos at mag-toothbrush ay tinawagan ko si Krystal. Akala ko magbabago na rin sya pagdating sa mga tawag ko pero hindi pa rin pala. Nirereject pa rin nya kaya tinext ko na lang.

"Good morning, mahal!"

"Good morning. Sorry <3" Reply nya. May emoticon na heart kaya okay na ako ulit.

"Okay lang. Bangon na?"

"Jogging. Breakfast in few minutes." May morning exercise pala sya, habang ako kaka-bangon ko lang.

"Pwede sabay ako?"

"Jogging?"

"Breakfast"

"Sure. I'll introduce you to mama." Hala! Breakfast lang, bakit pagpapakilala agad?

Kinabahan ako. Naisip kong magback out pero ayaw ko namang tanggihan ang girlfriend ko, sya na mismo nagsabi e. (Kinikilig pa rin talaga ako tuwing tinatawag ko si Krystal na girlfriend ko. Surreal pa rin sa pakiramdam.)

Sinubukan kong magsuot ng pormal na naaayon sa meet-the-family event, pero parang ang awkward ng suot ko. Sunday ngayon kaya gusto ko maging kumportable rin sila sakin, kaya ang usual ko na lang na porma ang outfit ko.

Pagdating ko sa bahay nila, nadatnan ko si Krystal na bubuksan pa lang ang pinto nila para pumasok.

"Mahal!" Pagtawag ko sa kanya. At nakangiti syang lumingon sakin.

Sinubukan ko syang yakapin pero umatras sya dahil daw pawis na pawis pa sya. Sabi ko okay lang pero ayaw talaga nya. Sabi ko halik na lang sa noo nya pero ayaw din nya, kaya hinawakan ko na lang ang kamay nya at hinalikan ito.

Sa may swimming pool nila kami dumiretso kung saan sila laging nagbre-breakfast. Present ang lahat pwera sa tatay nya kaya kinakabahan talaga ako. Unannounced pa ang pagbisita ko kaya baka badshot ako agad sa kanila. Pero buti na lang good vibes agad sakin ang bunso nila bago pa ako maipakilala ni Krystal.

Shake hands lang ako sa kanilang lahat bukod kay Kevin na kilala na ako kaya nagtanguan na lang kami. Pinaupo nila ako at naglagay sila ng dagdag na plato para sakin. Lalo akong kinabahan nang magpaalam si Krystal na maliligo raw muna sya. Iniwan nya ako habang iniinterview ako ng nanay nya.

Napaka-awkward talaga. Tita sana ang itatawag ko sa nanay nya, pero dahil mama lagi ang naririnig ko sa kanilang lahat ay napa-mama na rin ako. Sinubukan kong bawiin pero di naman nila pinansin kaya ipinagpatuloy ko na lang. Sumasagot naman ang nanay nya kapag tinatawag kong mama.

Habang gumaganda ang usapan namin at unti-unti kaming nagiging kumportable sa isa't isa ay parang naririnig ko ang boses ni Shine na pabulong na inaasar ako. Nasanay na yata ako sa pang-aasar nya dahil pati sya ay natutuwa para samin ni Krystal.

Bumalik si Krystal at umupo sa tabi ko. Ang sarap sa pakiramdam, parte na talaga ako ng buhay nya. Ikinuha ako agad ni Krystal ng kanin at nilagay ito sa plato ko. Worth it talaga ang napakatagal na panliligaw ko kay Krystal sa tindi ng kilig na nararamdaman ko para sa lahat ng ginagawa nya para sakin. 

Napapaisip tuloy ako kung deserve ko ba talaga to.

Nang matapos na kumain ang lahat, naghiwa-hiwalay na kaming lahat at naiwan kami ni Krystal.

"Sa room tayo?" Offer ni Krystal.

"Room mo?" Iba agad ang naisip ko. Totoo ba to? "Hwag muna," sabi ko at natawa na lang si Krystal.

Hinawakan nya ang kamay ko at binigyan ako ng tour sa bahay nila hanggang mapunta na kami sa kwarto nya.

Napakalinis nya sa sarili. Lahat ay nakaayos. Nakita ko rin sa tabi ng higaan nya yong binigay ko sa kanyang malaking stuff toy na bear.

"Di ka naligo. Naglinis ka kaagad, noh?" Biro ko.

"Hindi ha. I always assure everything is organized and neat." Sabi nya. Naalala ko na naman yong dahilan nya sa di nya pagpaparamdam sakin noong nasa abroad sya.

"Ang hilig mo manigurado," nakangiti kong sabi.

Ngumiti lang sya at hinila ang malaking box na katabi ng cabinet nya.

"Look," binuksan nya yon at nakita ko ang nasa loob. Lahat ng binigay ko sa kanya.

"Didn't you ever worry about the space in my room that you're taking every time you give me gifts? Hassle kaya. Pero thank you."

"Ang dami ko na palang naibigay sayo? Di ko namalayan."

"And wala pa akong naireregalo sayo."

"Meron na," paalala ko.

"Hm? What?"

"You."

"Aww. Corny naman ni Nathan." Napangiti ko sya.

Di na ako nakasagot dahil sa kilig.

"Behave ka naman ba while I was away?"

"Syempre. Di nga ako makapaghintay sa pagbalik mo."

"Good. Kasi I bought you a present." Binuksan nya ang drawer nya at may kinuhang maliit na box.

"Magpo-propose ka ba sakin?" Biro ko. At binuksan ko ang box, it is an anklet. Very beautiful one. Anklet is really my thing!

"Wow. How..."

"I noticed you always wear different anklet everyday pero you don't always change your watch. Sana nagustuhan mo."

"I love it! I actually have collection of anklets. Wow, napansin mo pala?" Di ako makapaniwala. Inoobserbahan rin pala nya ako noon pa.

"I thank God nagustuhan mo!" May kinuha pa syang tatlong box mula sa drawer nya.

"It's a couple anklet, actually." Pinakita nya sakin yong partner ng akin. "Ako naman, relo ang favorite accessory ko." Binuksan nya yong dalawa pang box at nakita ang couple watches.

Tinanggal ko ang suot kong relo at isinuot nya sakin ang regalo nyang relo sakin. "Mahal..." wala akong maisip na masabi. Ang saya ko lang talaga kaya speechless na ako. Ito ang unang pagkakataong nakatanggap ako ng regalo na walang okasyon, at mula pa sa girlfriend ko.

Isinuot ko rin sa kanya ang relo nya, pati na rin ang anklet nya. Sinuot ko rin ang regalo nyang anklet.

"This needs to be recorded." Sabi nya at kinuha ang cam recorder nya at vinideohan ang mga kamay at paa naming dalawa.

"He's out of words." Sabi nya sa video habang nakatutok sakin ang camera.

"You love me?" Bigla nyang tanong.

Di na ako sumagot at niyakap na lang sya.

"Di ako naniniwala sa mga pangako dahil they're meant to be broken. Pero this one I'm about to make is meant to be kept, kaya remember this." Bulong ko sa kanya.

"You don't have to, Love." Sabi nya.

"No. I promise you. I will never leave you again."

HOW TO STAY IN LOVE WITH HERWhere stories live. Discover now