LDR

8 1 3
                                    

Mula nang malaman kong hindi lang pala ako ang sumusuyo kay Krystal, dapat mas galingan ko pa, pero pinanghinaan lang ako ng loob. Maraming senaryo akong naisip. Siguro kung di ko sya niligawan, may sinagot na sya sa mga manliligaw nya. Siguro may sasagutin na dapat sya kaso nakaharang ako.

Di ako tumigil sa panliligaw sa kanya, pero nilimitahan ko ang pagpapakita ko sa kanya. Kaso may mga nangyayari talagang hindi sinasadya. Meron akong block-mate na coincidence na magkatabi ang mga locker namin at ang paid slot namin sa parking lot. Kaya tuwing break at uwian ay nagkakasabay kami. Okay lang sana kung lalaki sya, pero babae. Nakasabit pa rin pala sa pangalan ko ang pagiging playboy. Kaya lahat ng nakakakita samin na kakilala ko, inaassume na girlfriend ko sya.

Isang beses nakita ako ng mga kaibigan nina Shine at Krystal na kasama ang block-mate ko. Agad akong tinawagan ni Shine para kumpirmahin dahil nakwento sa kanya agad ng mga kaibigan nya. Kinlaro ko sa kanya, pero winarningan nya akong pati si Krystal ay alam na ang tungkol dito.

Hindi man open sakin si Krystal pero sa pagkakakilala ko sa kanya ay hindi sya naniniwala agad sa mga naririnig nya lang, hindi rin siguro sya selosa kaya wala talaga akong dapat ipag-alala.

Malapit na ulit ang sem break at magbabakasyon sa abroad sina Krystal. Para sa semester na to, ito ang huli kong bisita sa kanya.

"Pang-ilang beses mo na tong pumunta don?" tanong ko, kung anu-ano na lang ang napag-uusapan namin. Minsan lang ang tungkol saming dalawa.

"Pangalawa pa lang," matipid nyang sagot habang sinesenyasan nya ang driver nilang mauna na sya sa kotse nya.

"Kelangan mo na bang umuwi?"

"No."

"Ah. Ihahanda lang ni manong ang kotse mo?"

"No. I just want us to be alone."

Para akong nabilaukan sa sinabi nya. Kinabahan din ako.

"Bakit? May sasabihin ka ba?" Naisip ko baka babasterin na nya ako. Naihanda ko na ang sarili ko para sa moment na ganito, pero hindi pa rin pala sapat.

"Wala naman." Sabi nya habang nakatitig lang sa building ng college nila.

"Ahh akala ko." Huminga ako ng malalim. Akala ko katapusan ko na.

"You thought what?"

"Busted na ba ako?" Bigla kong tanong.

"Hm... I won't be around on your birthday." Sabi nya at lumingon sya sakin.

Ahh next two weeks na pala yon. Nasa abroad pa sya sa araw na yon.

"Okay lang. I-greet mo na lang ako sa text. Or pwede rin sa chat. Pero mas kikiligin ako kung tatawagan mo ako, kunwari LDR," pabiro kong sabi.

"What if I don't return here? I'll stay there for good."

"Ahh." Nalungkot ako sa tanong nya. Nag-isip muna ako ng ilang minuto. "Aalamin ko ang address nyo. Bibisita ako sa susunod na sem break. How does that sound?" Suggestion ko.

Ngumiti lang sya. "Hindi mo ba ako pipiliting mag-stay?"

"Hindi. Di ka na bata para di mo siguraduhin ang mga plano mo. Support ko lang ang ipipilit ko sayo."

"I was thinking what to give you for your birthday. Anong gusto mo?" tanong nya.

"Maibibigay mo ba kung sabihin kong gusto ko ako lang ang manliligaw mo?" Seryoso at mabilis kong sagot sa kanya.

"Well I just asked," pabiro nyang sabi. Huminga lang ako ng malalim, umasa ako don ah.

"We'll be out of the country for about 2 months. Hindi ako makakapag-online. Hindi rin ako makakapag-text."

"Bakit, mahal ba don ang internet? Di mo ba kaya mag-data roaming? Matagal kang mawawala tapos di ka pa magpaparamdam," inis kong sabi.

"While I'm away, I don't want to hear any rumor about you again."

"..."

"..."

Natulala ako sa sinabi nya. Kinilig yata ako.

"Di kita maintindihan," sabi ko habang pinipilit na itago ang pag-ngiti ko.

"Kaya mo ba?"

"Ang alin?" Napapangiti pa rin ako.

"LDR." Mahina nyang sabi, halos di ko narinig.

"..."

"L... LDR?" Nauutal kong tanong.

"Ayaw mo?" Tanong nya na parang gusto nyang bawiin ang sinabi nya.

"Sandali. Ibig sabihin ba tayo na?" Talo ko na ata si Joker sa lapad ng ngiti ko.

Tumango lang sya. Seryoso ba to? Di ba ako nananaginip?

"Krystal, di ka naman lasing noh?" Tanong ko habang inaamoy sya, baka makaamoy ako ng alak.

Tinawanan nya lang ako. Sobra nya akong ginulat ngayon. Bakit biglaan? Bakit... Ewan! Di ko talaga malaman ano ang mga tumatakbo sa isipan ni Krystal, pero ayaw ko nang magbago pa ang isip nya. Kinikilig akong naguguluhan din. May nangyari bang di ko alam?

Bigla nya akong niyakap. Ako ang lalaki pero bakit parang role ng babae ang posisyon ko ngayon? Nanigas ako. Parang first time akong mayakap ng babae. Si Krystal ba talaga tong kausap ko?

Hinigpitan nya ang yakap nya sakin at niyakap ko rin sya pabalik.

"Advance happy birthday," bulong nya sakin. Ito na yata ang pinakamasayang kaarawan ko.

Thank you sana ang sasabihin ko pero "I love you," ang lumabas sa bibig ko.

"I... love you." Di ko inaasahang sagutin din nya ang sinabi ko. Naramdaman ko pa ang impact dahil walang 'too' at mabagal nyang sinabi. Tumagos sa buong katawan ko.

Simple lang ang hinihiling ko ngayon. Ang huminto ang oras habang yakap nya ako. Napakasaya ko ngayon.

HOW TO STAY IN LOVE WITH HERWhere stories live. Discover now