MONTHSARY

2 1 0
                                    

Sa mga sumunod na araw at linggo, parang nilikha kami ni Krystal para sa isa't isa, tipong sya ang tumatapos sa mga sasabihin ko. Alam na alam nya ang mga nasa isip ko. Halos sa lahat ng bagay ay magkasundo kami at napakaswerte ko talaga na sobra ang pag-aalaga nya sakin.

May mga oras din na hindi ko talaga maiwasan na magtaka. Matagal ko syang niligawan pero parang ang bilis ng mga pangyayari. Parang kahapon lang, napakakumplikado ng mga paraan ko para lang makausap at makita sya.

Sa unang buwan namin, nag-stay lang kaming dalawa sa bahay nila. Buong araw, doon lang kami. Mula breakfast, pagpasok ni Mama sa opisina at ni Bunso sa eskwela, hanggang dinner. Sina Andrew at Kevin ay parehong out-of-town pero sa magkaibang lugar.

Nag-movie marathon kami habang maraming pagkain na handa sa harap namin. Yon lang ang ginawa namin. Panonood ng mga pelikula at pagluluto ng kakainin naming dalawa sa kusina nila.

Hanggang dumating na si Bunso mula sa eskwela at sumali samin sa panonood. Sunod na dumating ay si Mama na sa kusina naman dumiretso. Kasama ang isang kasambahay nila, hinanda nila ang dinner namin.

Masaya ang araw namin. Puro tawanan lang at biruan. Pagkatapos ng dinner ay saglit kaming nagkwentuhan hanggang sa oras na para umuwi na ako. Sinamahan ako ni Krystal palabas ng bahay nila. Naalala ko, pauwi na ako pero hindi pa kami nagbabatian ni Krystal ng Happy Monthsary. Sigurado di nya nakalimutan pero iba pa rin kapag marinig ko mismo galing sa kanya.

Binuksan ko na ang pintuan ng sasakyan ko at tinanong sya kung wala ba syang nakalimutang sabihin.

"Happy first month!" Nang-aasar pa nyang sabi sakin. Nangiti na lang ako.

"I love you," sagot ko. "And thank you for the day. Let's have a date tomorrow?"

"I'd love to!"

Hinalikan ko sya sa noo at hinalikan nya rin ako sa pisngi. Gusto ko sanang halikan ang mga labi nya pero hwag muna, pakiramdam ko kasi minamadali ko sya kung gagawin ko yon.

Kinabukasan, sinundo ko sya at pumunta kami sa isang pasyalan sa kabilang city. Nag-rent kami ng dalawang bicycle at sinakyan ang mga yon habang namamasyal. Nagpahinga kami sa isang kainan doon at iniwan ko muna sya sa table namin para umorder ng makakain namin.

Sa pagbalik ko sa table namin, may kausap na babae si Krystal, isa sa mga naging ex ko, at worse, di ko na maalala ang pangalan ng babae.

Ilang sandali lang mula nang lumapit ako sa kanila ay umalis na rin yong babae. Di ko sya pinansin dahil bukod sa di ko maalala ang pangalan nya ay baka ikagalit pa ni Krystal.

"Naalala mo ba sya?" Tanong nya.

"Ah..." Di ko sigurado ang isasagot ko. Magsisinungaling ba ako o sasabihin ang totoo na isa yon sa mga naging ex ko?

"Ex ko yata yon." Pag-aamin ko. I clenched my teeth sa pangambang magagalit sya pero sa tono ng pagsagot nya sakin ay hindi yata sya galit.

"Yata? Hm. This is just out of curiosity ha. Nakailan ka na?" Tanong nya. Tiningnan ko muna sya sa mga mata nya para basahin kung anong nasa isip nya pero di ko sigurado ano ba talaga ang iniisip nya.

"Di ko na mabilang," nangangamba kong sagot. Gusto ko sanang ibahin na ang usapan namin pero baka wrong move yon. "At di ko na rin inaalala ang mga nakalipas na. Ikaw lang." Dagdag ko.

"You know what she told me?"

"Ano?"

"She warned me about you." Pabiro nyang pagsabi.

"Krystal..."

"I know. I don't worry about it. I trust you," sabi nya habang isini-serve na sa table namin ang order namin.

Hinawakan ko ang kamay nya at hinalikan to, "remember my promise."

Habang kumakain na kami, may naalala si Krystal.

"Love, I'm just wondering. Why haven't you asked me why I don't answer your phone calls?"

"Oo nga. Bakit nga ba?" Tanong ko.

"Answer me first."

"Ayaw kitang pilitin kung ayaw mo talaga kaya hindi ko na itinanong. Bakit nga ba?"

"The last phone call I had was with papa. Papa's girl ako..." Ramdam kong pinipilit lang nyang masaya ang maging tono nya pero alam ko tinitiis lang nyang hwag malungkot. "He used different phone kaya unsaved sya sa phone ko that time. Di ko inexpect na si papa 'yon, pero 'yong kabit muna nya ang nakausap ko. Sa phone call na 'yon, we had a fight. Puro masasakit na salita ang narinig ko sa babaeng yon, pero mas nasaktan ako sa pagkampi ni papa sa babae nya. Kinausap nya ako na para bang hindi ko sya ama. Kaya na-trauma na akong makipag-usap through phone call. Pakiramdam ko yong babaeng yon ang nasa kabilang linya. Kahit alam kong hindi, pero natatakot na ako."

Hindi ko alam ang isasagot ko o ang gagawin ko. Hindi ko alam na ganito pala kabigat ang dahilan nya sa hindi nya pagsagot ng phone calls ko. Clueless ako na may mabigat pala syang pinagdadaanan, na mahirap pa rin sa kanya ang pag-iwan sa kanila ng tatay nya.

Hindi umiiyak si Krystal pero ako ang naluha para sa kanya, kaya natawa na lang sya para sakin. Pinisil nya ang mga pisngi ko.

"Ang cute mo pala, noh?" Biro nya.

Sinubuan ko na lang sya ng kanin ko, at hinabol sa bibig nya ang ulam ko.

Yon lang ang malungkot na parte ng araw namin. Pagkatapos naming kumain ay nagpatuloy kami sa pamamasyal habang vinivideohan nya pala ako, na huli ko nang napansin.

HOW TO STAY IN LOVE WITH HERWhere stories live. Discover now