WHY HER

11 1 0
                                    

"Why me?" Tanong sakin ni Krystal bago nya ako sagutin ng oo. Oo, pinapayagan nya na akong manligaw. Sinagot nya ako ng oo after 8 months.

Di ko akalaing may babae palang dalawang beses dapat ligawan. Una ay para mapayagang manligaw, at ang pangalawa ay para maging girlfriend ko na sya.

After 8 months. Sa 8 months na yon, siguro naka-ilang girlfriend na ako kada buwan kung hindi ko nakilala si Krystal. Sa loob ng 8 months na yon, ilang beses na ako nakaramdam ng pagsasawa. Di ko sineryoso ang sinabi ni Chris, na hard to get sya. Inoverestimate ko ang sarili ko at minaliit ko si Krystal. Lagi kong inisip, "bukas sigurado, sasagutin na nya ako."

Akala ko nanliligaw na ako. Akala ko yong pagsagot nya ng oo ay kami na. Nagsisimula pa lang pala ako.

Aaminin ko, di ako na-love at first sight sa kanya. Kung sa ganda ko idaraan, edi sana yong kaibigan nyang si Jana ang niligawan ko, baka ngayon ex ko na yon. Isa lang sya sa mga natipuhan ko sa music event noong una ko syang makita, "one of those girls" ang label ko sa kanya.

Hiniwalayan ko ang mga girlfriends ko para sa kanya, hindi dahil seryoso ako sa kanya, kundi dahil gusto kong masubukan gaano sya tatagal sa pagpapa-hard to get nya. Pwede na rin siguro masabing na-challenge lang ako sa kanya kaya nagtagal ako sa kanya.

8 months nya akong ginawang single. Di sya masipag magreply, pero ang sipag nya mag-reject ng calls ko.

1 month after nya ako payagang manligaw, sumuko na ako. "Di ko na kaya," sinabi ko kay Shine. Mismo si Shine naaawa na sakin minsan. Di ko akalaing pupwede pala akong manligaw ng seryoso.

Hindi ko masasabing lahat ay binigay ko na. Hindi pa naman ako mahirap, may pera pa ang pamilya ko, kaya hindi ko pa nabibigay sa kanya ang lahat. Pero oras at atensyon ko, nasa kanya na. Hindi na ako nakakasama sa mga kagrupo ko dahil sa kanya. Okay lang daw na sumama ako sa kanila, di naman nya ako pinagbawalan. Pero hindi maganda ang tingin nya sa kanila, at naramdaman kong kelangan kong lumayo sa kanila para hindi nya isiping hindi pa rin ako nagbabago. Ang dami naming difference, at kusa akong nag-adjust.

Pero ewan, di ko naman hiniling na magbago ako. Di rin naman nya inutos na magbago ako. Di ko alam. Kusa ko lang naman ginawa ang lahat. Pero kung tatanungin ako kung para saan? Oo, para sa kanya. Pero bakit para sa kanya? Yan ang di ko alam. Di rin ako sigurado sa ano nga ba ang totoong nararamdaman ko para sa kanya? E hindi naman ako totoong seryoso sa kanya noon.

1 month akong nagpakasaya ulit. Sobra kong na-miss ang mga kagrupo ko. Pero ang hilig sa mga babae, yon ang hindi ko na ata mababalikan. Inientertain ko naman yong mga babaeng nirereto sakin ng mga kasama ko pero hindi na talaga ako naiinteresado.

After 1 month, tinamad na ulit ako. Nag-take break muna ako sa pag-aaral. Off sem muna. Tambay lang ako sa labas ng bahay namin, minsan sa kanto. Basta, hindi ako lumalayo. Inisip ko bat ako nagbago, para kanino ako nagbago? Kung para kay Krystal, e bakit di ko masabing mahal ko sya? Di ko naman sya niligawan dahil mahal ko sya e. Puro paghihirap lang dinanas ko habang nililigawan ko sya. Lagi nya akong binabaliwala. Pakiramdam ko napipilitan lang syang kausapin ako.

After another month, nalaman kong magkatext na ulit sina Krystal at Chris. Instant galit ang naramdaman ko. Sinugod ko si Chris sa bagong tambayan, nag-upakan. Isinumbat ko sa kanya yong "usapang matino" namin. Nagpaliwanag naman agad si Chris, kinamusta nya lang daw si Krystal, no more no less. Kilala ko si Chris, kaming lahat, actually. Kahit magpalitan pa kami ng girlfriends, never namin binabalikan ang mga pinakawalan na namin. Pero pagdating kay Krystal, hindi ko maiwasang pagdudahan si Chris.

Pero binalik sakin ni Chris ang sumbat ko. Ano naman daw sakin kung magkatext ulit sila, e hindi naman daw naging kami, at hindi ko naman na raw sya nililigawan pa. Lalo akong nagalit. Sya ang pinaka-nagtagal na babae sa buhay ko, pero ni-1%, bakit wala pa rin akong karapatan sa kanya?

Sya naman ang pinuntahan ko. Nagkataon ay malapit lang si Krystal sa TF.

"Bakit sakin, ang hirap mong kausap? Pero kay Chris, isa ka lang chick sa kanya, bakit ang dali mong magpalandi sa kanya?" Gulong-gulo ang pag-iisip ko. Di ko na alam ang ano pa ang ipinaglalaban ko.

Sinampal nya ako. At sinampal nya ulit ako. Dalawang beses.

"Nagpapalandi ako sa kanya? Ano ba ang sinabi ni Chris sayo? Napakadali mo naman akong husgahan, Nathan. Buti na lang pala."

"Buti na lang ano?"

"Now I regret everything I said to Chris. I thought you were just taking a break, and I let you enjoy your break. 2 months? Di ka nagpakita. I would've appreciated a text na ayaw mo na, suko ka na. Akala ko ikaw na. Wala rin pala akong maaasahan sayo. You are worse."

Binalikan ko kaagad si Chris, pero nakauwi na sya. At malayo ang bahay nila sa bagong tambayan namin. Bago umuwi si Chris, pinaliwanag daw nya sa grupo ang nangyari.

Kinamusta raw ni Chris si Krystal pero ako ang inisip ni Krystal. Kaya sila naging magkatext dahil maraming tinanong si Krystal tungkol sakin. Kasalanan ko rin dahil nagpalit ako ng number. Text daw ng text si Krystal sa dati kong number pero di ko naman nirereplyan. Di ko naisip na mangyayari to. Laging ako ang unang nagtetext sa kanya kaya akala ko kahit magpalit pa ako ng number ay baliwala rin dahil di naman sya ang unang nagtetext.

Hindi alam ng mga kagrupo ko na si Krystal ang pinagkaabalahan ko. Alam nilang may seryoso akong pinopormahan pero di nila alam na si Krystal yon. Kaya ngayong alam na nila dahil sinabi sa kanila ni Chris, mas lumala ang sitwasyon.

Di ko alam na may kagrupo pala akong kuya ni Krystal. Mga kapatid ng mga kaedad ko lang sa grupo ang kilala ko. Hindi nakwento sakin ni Krystal at hindi rin ako na-warningan ni Shine. Nakalimutan kong klaruhin sa kwento ko tungkol sa isa sa dalawang banda ng grupo namin. Ang kinabibilangang banda ng kuya ni Krystal, si Kevin, ay ang mga inosente sa grupo namin. Sila yong lahat ng kahiligan sa mundo ay kinahihiligan nila maliban sa illegal drugs at mga babae. Tanggap nila lahat ng pwedeng itawag sa kanila, basta wag lang ang playboy. "Stick to one boys" ang tawag namin sa kanila sa grupo namin.

Simula non, nahati ang grupo namin. Lahat ng sobrang close ni Kevin ay sa kanya nakagrupo. At yong mga walang pakialam ay sakin. Ang grupo namin ay hindi tulad ng typical na grupong old school. Magkakaiba kami ng edad, yong iba samin may mga asawa na rin pero mahilig pa rin mag-DOTA at mag-road trip, marami ang pagkakaiba samin. Ang pinagkapareha lang namin lahat siguro ay lahat kami "rich kids."

Dahil sa nangyari, pinagbawalan ni Kevin si Krystal na makipag-usap sakin. Nalaman ko kay Shine na hindi problema yon kay Krystal dahil mismong sya ay ayaw na akong kausapin. Ngayon ko narealize ang worth sakin ni Krystal.

Kung tatanungin ako ulit ni Krystal ng "why me?" Siguro iisa pa rin ang isasagot ko, "di ko alam." Pero mas sigurado na akong malaki ang kulang sakin kapag wala sakin si Krystal.

HOW TO STAY IN LOVE WITH HERWhere stories live. Discover now