Tinotoo ni Krystal ang sinabi nyang di sya magpaparamdam sa akin habang nasa bakasyon sya. Halong inis at inip ang nararamdaman ko sa ginagawa na to ni Krystal. Sinubukan kong tawagan si Kevin at nasasagot naman nya, pero si Krystal ay nanatiling out of coverage, kaya kay Kevin na lang ako nakakahingi ng update tungkol kay Krystal kahit ayaw kong idamay sya sa relasyon namin ni Krystal.
Hindi ako galit kay Krystal. Siguro sabik lang akong maramdamang girlfriend ko na sya at official na ang relasyon namin. Kahit walang binigay sa aking paliwanag si Krystal tungkol sa di nya pagpaparamdam ay inintindi ko na lang sya.
Isang gabi, tinamad ako mag-DOTA. Binagot ako mag-facebook. Ayaw ko ring tumambay sa labas. Kung anu-ano na lang ginawa ko sa laptop ko hanggang sa nakita ko ang blog ni Marcelo Santos III, sinearch ko ang pangalan nya sa Google at marami pala syang gawa na inspirasyon para sa mga love life. Hindi ako fan ng mga ganoong klaseng video o mga sulat pero dahil naka-relate ako sa iba nyang gawa ay naisip kong i-follow sya sa Twitter kung saan pansin kong pinaka-active sya.
Wala akong Twitter kaya gumawa muna ako ng account para ma-follow sya. Nag-find friends na rin ako para ma-follow ko ang mga kakilala ko at may isang account akong nakita na naka-sync sa contact number ni Krystal. May Twitter din pala sya.
Viniew ko ang account na yon pero hindi pangalan ni Krystal ang nakapangalan. K Faults ang nakalagay na pangalan. Walang bakas ni Krystal ang mga tweet sa account na yon, pero binasa ko na rin isa-isa. Nakakadepress lahat ng tweet nya. Kung gaano ako nainspire sa mga tweet ni Marcelo III ay ganoon din ako nadepress sa mga tweet ni K.
Kung babasahin ko ang tweets ni K na parang nagbabasa ako ng kwento ay ito ang pagkakaintindi ko, may nangyari kay K na sa sarili nya isinisisi kaya lahat ng galaw nya ay pinag-iisipan nya ng kasalanan.
Naisip kong baka si Krystal nga yon dahil contact number ni Krystal ang naka-sync sa account na yon, pero naisip ko rin na imposible dahil di naman depressive ang aura ni Krystal.
Patapos na ang bakasyon at ngayon ang balik nina Krystal. Nagpasama ako kay Shine sa airport para makita agad ang girlfriend ko. Una kong nakita ay yong isa pa nyang kuya na si Andrew. Sunod ay ang nanay nya tapos yong bunso nila, and then si Kevin. Wala si Krystal.
Mabilis sumama ang loob ko. Gumulo isip ko kung bakit di nila kasama si Krystal. Inassist sila ng driver at mga assistant nila na mailagay sa sasakyan nila ang mga bagahe nila. Nilapitan ako ni Kevin nang tawagin sya ni Shine.
"Si Krystal?" tanong ni Shine habang hinahanap pa rin ng mga mata ko si Krystal.
"Ah. She went in the CR." Natawa na lang ako sa sagot ni Kevin. Nagiging paranoid na tuloy ako, akala ko nagpaiwan si Krystal at di na kami magkikita ulit tulad nang sinabi nya sakin last time na what if di na sya bumalik.
Ilang minuto ang lumipas ay nakita ko na rin si Krystal. Dinig na dinig ko ang tibok ng puso ko nang makita ko sya. Finally, nagkita na ulit kami. Sabik na sabik na akong yakapin sya pero nagpigil muna ako dahil hindi pa ako pormal na kilala ng pamilya nya bilang boyfriend nya.
Kita ko sa mukha nyang masaya rin syang nakita nya ako. Nagpaalam si Krystal na kung pupwede ay samin ni Shine sya sumabay sa pag-uwi, buti ay pinayagan naman sya. Sa paglarga ng sasakyan ng pamilya nya, niyakap ako agad ni Krystal. Mahigpit na mahigpit. Niyakap ko rin sya pabalik habang nakahalik ako sa noo nya.
Nagsuggest si Shine na ihatid na lang sya sa bahay nila dahil ayaw nyang makadistorbo samin ni Krystal. Tumanggi ako dahil di naman sya iba samin pero nagulat ako kay Krystal nang magpasalamat sya kay Shine sa suggestion nya. Kinilig talaga ako sa ginawa ni Krystal at di ko na maitago ang ngiti ko.
Pabulong akong inasar ni Shine nang papalapit na kami sa bahay nila. Susunod ko namang ihahatid ay si Krystal pero gusto raw muna nyang mag-date kami bago sya umuwi. Wala akong naihandang plano para sa unang date namin bilang official na magkarelasyon kaya medyo nag-alangan ako. Gusto ko kasi sanang special ang lahat ng mangyayari, pero bahala na lang si batman. Para akong first time makipag-date. Kilig na kilig ako na di ko alam saan kami pupunta. Kung saan-saan na lang kami naglakad.
"You're not doing this because you're planning to leave me, right?" Nanigurado ako. Para kasing kailan lang napakahirap syang ispelingin, pero ngayon, sya na mismo nagpapakilig sakin. Hwag naman sana na ginagawa nya to dahil pinagbibigyan nya lang ako, hindi dahil mahal talaga nya ako. Hay naku, paranoid na nga ata ako.
"I miss you," sabi nya sabay hawak ng mahigpit sa kamay ko. Napangiti na naman nya ako.
"Nakakarami ka na ha," pabiro ko tungkol sa pangingilig nya sakin. Natawa na lang sya at niyakap ang braso ko at tiningnan ang kamay ko habang mahigpit nya tong hawak.
"You don't have a clue how much I wanted to grab Kuya Kevin's phone when you were calling him so I could talk to you."
"Bakit di mo ginawa? Bakit ka nga ba di nagparamdam? Kung anu-ano tuloy ang naisip kong dahilan mo." Pagtatampo ko.
"Kasi po tinest ko po ang sarili ko." Pabiro nyang paliwanag.
"Tinest? Why?"
Umupo muna kami sa unang bench na nakita namin.
"Aaminin ko, ilang beses kong pinag-isipan ang pagsagot ko sayo..."
Hinalikan ko ang kamay nya nang maalala ko kung paano nya ako sinagot.
"Sigurado na ba ako? Or baka pressure lang to dahil atat kang sagutin na kita?"
Di ko alam kung matutuwa ba ako o masasaktan sa tanong nya.
"Kaya sinubukan kong di magparamdam. Tiningnan ko kung kaya ko ba na wala ka, kung pressure lang ba talaga."
"Pero di mo kinaya?" Nakangiti kong tanong at ngumiti lang din sya.
"Kinaya ko." Sabi nya at agad kumunot ang noo ko.
"Pero mas sumasaya ako tuwing tumatawag ka kay Kuya Kevin. At naisip ko, sigurado na nga talaga ako." Dagdag nya. "Mahal kita." At pahabol pa nya.
Di na pala ang pagsagot nya sakin ang pinakamasaya kong araw. Ito na pala. Ito ang pinakamasaya kong araw na nalaman kong siguradong-sigurado si Krystal sa pagsagot nya sakin.
YOU ARE READING
HOW TO STAY IN LOVE WITH HER
Romans"Courting her was the worst. Loving her is the best. Together we can be anything. But in one fight, I've given choices: let her go? Or stay but lose myself? Neither of the two did I choose." Warning: Not the typical kilig love story. More of Fight D...