Ilang araw nang hindi sumasama samin si Chris. Sabi ng mga kasama ko ay nagbakasyon sya kasama ang pamilya nya. Pero gusto kong makasiguro. Gusto ko na kasi syang kausapin tungkol kay Krystal.
Bumisita ako sa bahay nila at totoo nga, nag-out of town sila ng pamilya nya for 2 weeks.
Sinubukan ko syang tawagan pero naka-divert ang gago. Hindi rin nagrereply sa texts ko. Buti na lang nahuli kong online sa chat.
Chinat ko kaagad.
"Chris, may deal ako sayo."
"Ano yon, matutulog na ako."
"Akin si Krystal. Sabihin mo lang sino gusto mong kapalit."
Matagal bago sya nakareply. Akala ko nakatulog na, nag-isip lang pala.
"Hard to get yon. Sayo na."
"Akin na number nya."
"0917#######"
"Saved. Idelete mo na sya sa contacts mo. Usapang matino ha."
"Yong seatmate mo sa socio."
"Si Honey?"
"Gago. Sya si Honey?"
"Oo. Makikipagbreak na ako sa kanya bukas. Sya ba?"
"Oo. Kaso kayo na pala e."
"Ikaw bahala."
"Sige na sige na. Akin na number nya."
"0909####### Daphne pangalan non"
"Delete mo na rin sya sa contacts mo ha."
"Sige tulog na."
"Tips kay Krystal, gusto mo?"
"Ulol"
Kinabukasan, tinawagan ko ang number ni Krystal. Nagriring pero di ako sinasagot. Siguro di sya sumasagot ng tawag galing sa unsaved numbers.
Tinext ko na lang sya.
"Hi. This is Nathan."
Nagulat ako sa mabilis nyang pagreply.
"Nathan who?"
"Friend ni Shine. Taga-TF."
"Ah. Hi."
"Hello."
"Okay?"
"Okay."
"Uh... So?"
Hay, ang bobo ko. Parang di ako sanay sa ganito. Di ko magawa yong usual kong diskarte sa babae. Bobo!
"Freshman ka?" Tanga! Pang-elementaryng tanong! Para akong torpe nito.
"Yes. Why do you ask?"
"I was just wondering."
Di na ulit sya nagreply. Sa hapon, nagtext ako ulit.
"Busy?"
"Why are you texting me?"
Kaagad kong tinawagan si Shine. Di ko kasi alam paano basahin ang reply ni Krystal. Pagalit ba? Pasuplada? O simpleng nagtatanong lang sya.
"Shine, ano ugali ni Krystal?"
"Bat di mo sya tanungin? Tutal magkatext naman kayo ngayon."
"Bat mo alam?"
"Magkatabi po kami. Bat mo raw sya tinitext?"
"Galit ba sya?"
"Galit ka ba?" Tinanong ni Shine si Krystal.
"Huh? Bakit naman ako magagalit?" dinig kong sagot ni Krystal. Ang ganda ng boses nya sa phone.
"Hindi raw."
"Pwede bang ibigay mo muna sa kanya yong phone? Sya kakausapin ko."
"Ah sorry, Nathan. Di nakikipag-usap si Krystal sa phone e."
"Totoo? Or iniiwasan nya lang ako?"
"Bat ko sya iiwasan? Sa text na lang. Sabihin mo." Narinig ko na naman sya.
"Naka-loudspeaker ba to?" Tanong ko.
"Oo. Sige na, kumakain pa kami e."
"Snack?"
"Oo. Sige na. Text na lang daw kayo."
Inoff ko kaagad ang call at tinext si Krystal. Medyo kinilig ako nang malaman kong kumakain sila. Hindi ako weirdo. Ibig sabihin lang non ay binibigyan nya ako ng oras kahit may ginagawa pa sya.
"San kayo kumakain?"
"Sa cafeteria lang."
"Kayo lang ba ni Shine?"
"Yes."
"Pwede ko ba kayong samahan?"
"Shine asks. Hindi raw ba magagalit ang girlfriends mo?"
Argh!!! Shine talaga! Kelangang ilaglag ako agad?
Dali-dali akong pumunta sa cafeteria para personal na sagutin ang tanong ni Shine. Habang papunta ako ay tinext ko si Tummy na break na kami, Briana ang pangalan nya, at inoff ko muna ang phone ko dahil alam kong tatawag agad yon.
Hinihingal pa ako nang dumating ako sa cafeteria.
"Di ka yata nakareply?" patawang sabi ni Shine.
"Isa na lang." Agad kong sabi. Umupo ako sa tabi ni Krystal at inulit ang sinabi ko. "Isa na lang."
"Isa na lang ang alin?" tanong ni Shine.
"Isa na lang ang girlfriend ko," sagot ko.
"Wow. Parang nagbibilang ka lang ah." Pang-asar ni Shine.
Humarap ako kay Krystal. "Isa na lang ang girlfriend ko. Bukas, ah hindi, mamaya! Mamaya, single na ulit ako. Totoong single na ako. Kaya pwede ba kitang ligawan kapag mangyari yon?"
Mahabang katahimikan muna ang nangyari bago ako hampasin ng kutsara ni Shine.
"Naririnig mo ba sarili mo? Nakakadiri ka, Nathan! Umalis ka nga, nakakawala ka ng appetite!"
"Alin sa sinabi ko ang nakakadiri? Totoo lahat ng sinabi ko. Mali ba?"
"Oo. Maling-mali. KO ka na. Isa kang malaking turn off."
"Aalis ako pagkatapos ko marinig ang sagot ni Krystal. Ano, Krystal?"
"Hoy, baka nakakalimutan mo, ipapaalala ko lang ulit sayo. Pinopormahan din sya ni Chris. Baka mag-away pa kayo."
"Kinausap ko na si Chris. Akin ka na, Krystal." Lakas loob kong sinabi.
"Hindi ka pa nga pinapayagang manligaw."
"Can I think about it?" Sagot ni Krystal.
"Pwede kang humindi, Krys. Wag kang matakot kay Nathan."
"Sige, pag-isipan mong mabuti ha. Basta hindi kita titigilan hanggang payagan mo akong ligawan ka," sabi ko.
Hinampas ako ulit ni Shine ng kutsara kaya lumayo na ako.
"Magkikita ulit tayo bukas. Hihintayin ko ang sagot mo!" At lumakad na ako papalayo.
Masaya akong umalis dahil nakita kong ngumiti si Krystal. May chance pa ako!
YOU ARE READING
HOW TO STAY IN LOVE WITH HER
Romance"Courting her was the worst. Loving her is the best. Together we can be anything. But in one fight, I've given choices: let her go? Or stay but lose myself? Neither of the two did I choose." Warning: Not the typical kilig love story. More of Fight D...