WHAT HAUNTS HER

4 1 1
                                    

Pagkatapos ng araw na yon, ang araw na nakatulala lang si Krystal kung hindi man sya tulog, nginingitian lang ako kapag tinatawag ko, sasabihing inaantok sya kapag tinatanong ko kung ano ang masakit sa kanya at kung bakit mukha syang nanghihina, ay okay na ulit sya. Back to the Krystal that everyone knows.

Di man nya sabihin o aminin. Di man halata sa kanya. Alam ko may depression ang girlfriend ko. Magaling syang magpanggap na wala syang pinagdadaanan, pero ayaw kong magpanggap na wala akong alam. Hindi ko kayang hayaan na lang na unti-unti syang agawin sakin ng depression nya. Ayaw ko na maulit ang pagkabalisa nya.

Gusto kong ipaalam sa kanya na alam ko na, pero mahirap pala. Lalo na't di ko pa alam kung anu-ano ba ang mga nagpapa-depress sa kanya.

"Nathan Mahal, magpapasundo na lang ako sa driver namin later. Mauna ka nang umuwi ha. Sa bahay diretso ha? Groupwork e, next week pa ang due, pero better have it done already, right?" Paliwanag nya habang ineenjoy namin ang lunch namin sa isang restaurant sa labas ng university namin.

"Okay lang, hihintayin na kita."

"You sure? Around 9 or 10 ang estimation kong end namin."

"Oo nga. Anong groupwork ba yon? Tutulong na rin ako."

Nagpatuloy lang ang kwentuhan namin. Mula nang malaman kong may depression si Krystal ay lagi na akong kinakabahan na baka maramdaman nya ulit yon at magbago na naman sya. Yon na ang kinakatakutan ko.

Kinagabihan, mas maaga sa inaasahan ni Krystal ang pag-uwi namin. Si Bunso lang ang nadatnan namin sa bahay bukod sa kasambahay nila at isa nilang driver. Kaya nag-stay muna ako sa bahay nila hanggang dumating ang mga kuya nila at si Mama.

Nasa living room kami at nire-review ni Krystal si Bunso sa mga lesson nila. Saka ko nasolo ulit si Krystal nang antukin si Bunso at pumasok na sa kwarto nya. Pagod na rin si Krystal kaya humiga sya at ginawang unan ang lap ko.

Habang nakatitig ako sa kanya ay bigla akong nagka-ideya. Gusto kong tanggalin sa kanya yong takot nya sa pagsagot ng phone call. Gusto ko marinig ang boses nya kapag magkalayo kami.

Hiniram ko ang phone nya at tinawagan ito.

"Sasagutin ko at kakausapin mo ako rito," sabi ko habang hawak ko ang phone nya pero natatawa lang sya sa ideya ko.

Nagring ang phone nya at hinintay ko ang pag-oo nya bago ko ito sagutin.

"Hello," bati ko sa phone habang dinidikit ko sa tenga nya ang phone nya, pero di sya nagsasalita.

"Si Nathan po ito." Biro ko at nginitian nya lang ako.

"Nasa bahay nyo po ako. May delivery po para sa inyo..."

Binitiwan ko na ang phone nya nang sya na mismo ang humawak nito at saka sya pumikit.

"Hwag ka po munang matutulog," sabi ko. Ngumiti sya habang nakapikit pa rin. Nakikinig pa rin sya.

"May delivery po para sa inyo. Nag-iisang product po ito na kayo lang ang makakatanggap."

Kinuha ko sa bag ko, na nasa floor pero katabi ng sofa na kinauupuan ko, ang gusot na papel na binilog ko pa. Di ko pa sana ipapaalam kay Krystal ang tungkol sa laman ng papel na yon, pero sa ideya ko ay dapat na.

Binuksan ko ang libreng kamay ni Krystal at nilagay sa palad nya yong papel.

Dumilat sya at tiningnan ang binigay ko habang hawak pa rin nya sa kaliwang tenga nya ang phone nya.

"Seryoso ba to?" Tanong nya. Bumangon sya at sinandal sa balikat ko ang ulo nya. Inalis ko na rin ang phone nya at tinapos na yong phone call.

Inayos ko ang papel para makita nya ang nakasulat.

HOW TO STAY IN LOVE WITH HERWhere stories live. Discover now