Chapter Seven

856 28 6
                                    

CHAPTER SEVEN 

"Teresa!!!! "

Akala ko si Theo yung galit na tumawag sa akin kaya kinabahan ako.  Pero paglingon ko, si Leandro pala kaya mas lalo akong kinabahan.  Syempre,  ang bigat kaya ng kasalanan ko dyan kagabi!  Kaya nga galit na galit ngayon ee. Malay mo,  ako ang dahilan kung bakit sa kanya tumigil ang lahi nila.  Pero ayos din yun nuh?  Edi sana, nabawasan na ang flirt sa Pilipinas. Haay teka nga! Napaatras tuloy ako sa kinatatayuan ko ee.  

"Angge,  maya na lang kita ililibre.  Tatakasan ko muna ang isang to!! " nangagatog kong sabi tapos sabay takbo.  Wala akong paki kahit pinapanuod ako ni Theo ngayon.  Ang mahalaga,  makaiwas ako ngayon sa gulo.  Naku,  imposibleng baliwalain lang yun ni Leandro.  Tsak na gaganti yan. 

"Hoy Teresa!  Hindi ko palalampasin yung ginawa mo" sigaw niya habang hinahabol ako.  Pinagtitinginan na nga kami ee. 

Ako?  Takbo pa din ako ng takbo kahit na nakaheels ako. Hanggang sa malibot ko na yung buong hallway,  hinahabol niya pa din ako.  Hinhingal na ako pero mukhang hindi niya ako tatantanan. Nung nakabalik na ako sa dati naming pwesto namin kanina,  dun niya nahablot yung uniform ko at naabutan.  Sina Angelica at Theo na hanggang ngayon nandun pa din, nakatitig lang sa amin.  

"Huli ka! " sabi ni Leandro. 

"Bitiwan mo ko panget ka! " sigaw ko. 

"Panget?  Hoy!  Simula ngayon,  boyfriend mo na ako! " paniniga niya. 

Wat. 

Lakas ng loob ah! 

"HUWOW!!  at sino ka naman para masunod?  Ikaw ba nililigawan? Ikaw ba sasagot?  Bading ka ba? Siguro ginagawa mo yan sa mga nanliligaw sayong lalaki nuh?  Yuck kadiri!  Yan ba ang magiging FIRST BOYFRIEND ko?  HOOOYY GISIIINNGGG!! " sigaw ko sa kanya. 

"Ano?  Ikaw tong may kasalanan sa akin,  ikaw pa matapang?  Matapos ng ginawa mo sa akin,  akala mo wala lang sa akin yun? Bilang parusa mo,  boyfriend mo na ako ngayon sa ayaw at sa gusto mo! " sabi niya. 

"Wow hah!  Nakakatakot ka sobra  -__- Tingin mo may papatol sayo?  Please lang tumigil ka na!  Kung ako sayo,  lumayas ka na!  Kung ayaw mong gawin ko ulit sayo yung ginawa ko sayo kagabi.. " tapos binalibag ko yung kamay niyang nakahawak sa kwelyo ko. Luckily,  bumitaw. 

"HA! Akala mo titigil ako sayo?  Never! " pahabol na salita niya tas umalis na siya. 

"Sige lang!! " sabi ko sa kanya tapos naglakad na habang nakatingin pa din sa kanya. 

"Haaayy!  Nakakainis!! " dagdag ko habang sabunot yung buhok ko.

BOOOGGGSSSHHH!! 

"AACCCKK!! " sigaw ko. May nabunggo kasi ako ee. Yan kasi, naglalakad ng hindi tumitingin sa dinadaanan. Magsosorry na sana ako pero pagtingala ko,  si Theo pala yun.

14000 Peso BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon