Teresa's P.O.V. (2nd part)

196 4 1
                                    

TERESA'S P.O.V. (2nd part)

Dalawang buwan ang lumipas..

Maraming nagbago. Hirap mag -aral dito sa Korea! Hindi ako makapag English dahil sariling language nila ang common na ginagamit dito.. Buti medyo marunong ako magkorean kundi tsugi na ako. Marami na din akong bagong friends, puro kpop fans din kaya ang swerte ko! Dito sa Korea, ang dali pumunta sa mga concert, mall shows, at mga lugar na pinupuntahan ng mga idols ko :) Ilang beses ko na din na meet and greet ang EXO lalo na si Chanyeol tsaka si D.O. .. KYAAAAHH!! MALANDE KA TALAGA TERESA. Tapos, wala talaga akong paawat. Sumali na ako sa official fans club ng EXO. Kaya proud akong sabihin sa inyong lahat, nakakausap ko na sila ng personal paminsan-minsan at kilala na din nila ako :)

Oops.. wag niyong isipin na yan lang iniintindi ko dito ah. Nag -aaral po ako ng maayos dito. Matataas nga po grades ko eh. Marami na din po akong school organization na sinasalihan. Ako po ulit ang president ng school na pinapasukan ko. At promise ko sa sarili ko, hindi na ako matatanggal sa position. Kaya nga po proud sa akin yung mga naiwan ko sa Pinas eh. Ah opo, gaya ng pinromise ko noon, hinding -hindi ko sila kakalimutan. Busy man o hindi, binibigyan ko sila palagi ng time makachat o matawagan. Yung parents ko, namimiss na ako. Lalo na si mama na sa tuwing makikita ko sa screen, umiiyak. Sina Angge naman at Leandro, sila yung lagi kong nakakachat. Alam mo ang lagi nilang kinukumusta? Hindi ako, kundi si Drei. Kung kumusta daw ba siya? Pinapakain niya daw ba ako ng maayos, ng 3 beses sa isang araw? (Nakikitira po kasi ako sa bahay nila dito sa Busan kasama ang parents niya at yung little sister niya :)) Kung inaalipusta daw ba niya ako, ginagawang alila? Kung nilalandi niya daw ba ako or whatever!

Haha! Natatawa tuloy ako. Kawawa naman si Drei na nananahimik at walang ginagawang masama sa akin. Lalo na kay Leandro, kawawa si Drei dun. Sa tuwing nagchachat kami sa skype, syempre magkatabi kami ni Drei diba? Aba! Galit na galit si Leandro! Wag daw niya akong hahawakan.. lumayo daw siya sa akin.. give space daw. Ganun yung mga favorite dialogue niya. Tsk tsk. Leandro talaga, walang pinagbago -.- (Teka bat ko ba kinukwento to? Well, wala lang, nashare ko lang.. )

Anyway, kahit ganun si Leandro, may napapansin ako kapag magkatabi sila ni Angge. Bagay din pala sila. At I smell something fishy sa kanilang dalawa.. Kung ano yun? Ewan, wala akong idea. Pero bahala sila sa buhay nila, buhay nila yun.

Si Theo? Wala pa ding pinagbago. Namimiss ko na nga siya eh. Madalas ko siyang kachat ng kaming dalawa lang. Mga pinag -uusapan namin? Wala lang, chika -chika lang. Puro school lang ang kwento niya. Graduating na kasi eh kaya ganyan. Pero promise, pag grumaduate siya bibisita talaga ako sa Pinas :) Syempre kailangan ng support ng bestfriend kapag inaabot niya na yung diploma niya :)

Ah oo nga pala, gusto ko lang banggitin yung panliligaw sa akin ni Theo sa inyo. Dumating kasi sa point na kinausap ako ni Theo about dyan, ang sabi niya okay na sa kanya na hanggang friends na lang kami. Ayos na sa kanya kung magkakaboyfriend akong iba. Basta lang daw hindi ako sasaktan, approve na sa kanya yun. Nung mga oras na yun, sobra akong nashock. Biglang isang araw na lang, sumuko na si Theo at sobrang sorry ako ng sorry sa kanya kasi dumaan ang ilang buwan ng pagbibigay ko sa kanya ng time at atensyon ko pero hindi ko talaga nagawang ibalik yung dating nararamdaman ko sa kanya. Nakukunsensya ako sa pagpapaasa ko sa kanya. Feeling ko ang sama -sama ko sa kanya at hindi ko deserve na maging bestfriend niya dahil sa kabila ng kabaitan niya, lagi ko siyang sinasaktan at pinaasa pa. Pero gumaan ang loob ko ng sabihin niyang kuntento na talaga siya sa friendship namin..

Flashback:

"Wala naman akong magagawa kung hanggang friends na lang ang maibibigay mo sa akin eh.. " sabi niya habang magkausap kami sa Skype.

"Sorry talaga Theo, hindi ko intensyon na saktan ka."

"Hindi naman ako nasasaktan eh. Dahil kahit hindi mo ako mahal tulad ng pagmamahal ko sayo, alam at ramdam ko naman kung gaano mo ako kamahal bilang bestfriend mo. At sobrang masaya na ako dun. "

14000 Peso BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon