Chapter Thirteen

581 23 6
                                    

CHAPTER THIRTEEN. 

-tiktilaok-

Kpop concert, here we go.. 

Gumising ako ng maaga para maghanda sa school. Sayang nga ee, gusto ko pa naman sana na umabsent para makapaghanda sa concert pero hindi pwede, may quiz kami. Oo, ngayon na ang pinakahihintay kong concert ng mga mahal kong idol. Kaya nga diba pupunta kami ni Axcel mamaya so MOA mamaya? Kaya nga halos magmaktol na ako kay Leandro kahapon dahil gusto niyang siya ang kasabay ko pag uwi samantalang may mahalaga akong pupuntahan. At sa wakas! Bunga ng mga paghihirap ko,  ayan! Makikita ko na ang mga asawa ko yehey! Tara na at magdiwang :)

Kumain na ako, naligo, nagbihis, at naghanda para sa school at pagkatapos nun, ay pumasok na ako. 

Pagpasok ko sa gate, nakasalubong ko sina Abby at Mel. 

"Tere, nakita mo ba si Theo?" tanong ni Mel. 

"Bakit?"

"Hindi ba ikaw yung kasama niya kahapon? " sabi naman ni Abby. 

"H- hindi nuh! "

"Anong hindi? Diba, sabay na kayong umuwi kahapon?"

"Hindi nga! Mag isa akong umuwi kahapon. Bakit ba? Hintayin niyo na lang siya, mamaya dadating din yun. Hindi ko siya kinidnap! "

"Ayt! Pasaway talaga yung lalaking yun! " bulong ni Abby. 

"Huh? Bakit ano bang nangyare? " tanong ko. 

"Sabi niya kasi sa amin, sabay kayo kaya akala namin magkasama kayo. Tas mababalitaan na lang namin, hinahanap siya ng parents niya. Hindi daw umuwi kagabi, tas hindi pa ma contact. Pasaway talaga! Nag aalala nga kami." sabi ng best friend niyang si Mel. 

"HUWAAATT? " pagrereact ko. Syempre lab ko yun nuh! Baka kung ano ng nangyare sa kanya. Hindi kaya yun gumagala. Good boy yun! Kaya nakakapagtaka para hindi siya umuwi kagabi. At ang worst, wala man lang nakakaalam kung asan siya. 

"Haaayy! Iba talaga kasi kapag nalululong sa pag ibig. " bulong naman ni Abby. 

"Bakit? Naghiwalay na sila ng girlfriend niya? " tanong ko. Ee sa nalululong daw sa pag ibig ee. Araykupu! Ang puso ko T^T

"Adik to! Wala namang girlfriend yun ee. "

"Ano? Meron kaya! Dati nakukwento niya sa akin yun. "

"Wag mo intindihin yun, barbero lang yun. Ikaw kaya yung tinutukoy niya."

..Ikaw kaya yung tinutukoy niya."

14000 Peso BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon