Chapter Seventy Seven

155 6 0
                                    

CHAPTER SEVENTY SEVEN.

AXCEL'S P.O.V.

-Kring kring-

Nabuhay ang diwa ko ng biglang nagring ang cellphone ko. Kanina pa ako nakatunganga dito sa tapat ng bahay ni Teresa kakasisi at kakaisip kung gaano ako katanga kung bakit hinayaan ko siyang umalis. Inakala kong si Teresa yung tumawag. Inakala kong tatawagan niya ako para kumustahin at marinig mula sa kanya ang mga salitang 'Hoy Axcel! Pupunta na akong Korea, halika punta ka dito! Pigilan mo ako!' mula sa kanya kaya agad kong kinuha ang cellphone ko at masayang tinignan to. Pero hindi ee. Nawala lang lahat ng ngiti ko, si Leandro lang pala ang tumatawag. Walang gana ko tong sinagot.

"Oh? Kailangan mo? " sabi ko.

"Kailangan ka dyan? Talagang kailangan ka dito sa airport! Lalo na si Tere! Ilang saglit na lang aalis na siya. Asan ka ba? Ang kupad-kupad mo! Eh kung pumunta ka na kaya dito! " sagot naman niya. At sa sobrang gulo ng isip ko ngayon, hindi ko nasagot ng tama yung sinasabi niya.

"Nagtataka ako sayo.. ano bang mapapala mo sa akin? Bakit ka ba nagpupumilit na pakiusapan siya? "

"Eh g*go ka ba? Ikaw na nga tong tinutulungan! Malamang ginagawa ko to kasi mahal ko yung babaeng pinapakawalan mo ngayon! At ayokong umalis siya ng nasasaktan. P*t*ng Ina mo! Mahal ka ng tao, binabalewala mo. Kung ako nasa kalagayan mo ngayon, siguro halos lumipad na ako, maabutan ko lang siya." bigla naman siyang nainis at pinagmumura ako.

"Haha.. wala na.. Wag ka ng mag abala kaya relax ka na lang dyan. Pakisabi na lang sa kanya ingat tsaka wag niyang kalimutan pasalubong ko, size 9 nga pala haha.. " parang tangang sabi ko. Hindi ko na maintindihan sarili ko. Suko na ako kaya kung anu-ano na lang pinagsasabi ko, pagpasensyahan niyo na ako.

"Ano bang pinagsasabi mo? Wag kang sumuko, upakan kita dyan! "

"Eh ano pa bang magagawa ko? Makakasiguro ka bang paghinabol ko siya, tatalikuran niya na ang pangingibang bansa? Ano ako sinuswerte? Hindi to teleserye Leandro na kapag inabutan ko siya sa airport, hindi na siya sasamang Korea. Bukod kasi sa dami ng kasalanan at masasakit na salitang nagawa ko sa kanya, mahirap na buhay ngayon! Bayad kaya yun! Tapos sasayangin niya lang yung ginastos ng magulang niya sa airport para sa akin? Mag-isip ka nga! " sabi ko.

"ANO? Para kang baliw! Bakit mo iisipin yun? Siraulo ka talaga ee! Wag ka ngang sumuko! Hindi mo pa nga ginagawa diba? Ee kung itry mo muna kaya bago ka mag react? Pakiusapan mo muna siya, malay mo may pag -asa pa. Hindi yung wala pa nga, nag -iisip ka na kaagad ng ganyan. Kung hindi mo gagawin yun ngayon, talagang may pagsisisihan ka! Kaya pumunta ka na dito! Ngayon na habang may oras pa!"

"Eh.. p-paano pag nabigo ako? "

--

TERESA'S P.O.V.

8:30 a.m. ng makapunta kami sa NAIA. Pagstep pa lang ng paa ko papasok ng airport, parang gusto ko ng tumakbo pabalik ng bahay. Parang hindi ko kaya iwanan lahat dito. Pero wala akong magawa dahil kailangan kong pangatawanan ang desisyon ko. Mamimiss ko lahat.. Mamimiss ko yung bahay.. yung terrace na tinatambayan ko para mag- aral, magdaydream at mag isip-isip. Yung kama kong ginagawa kong trampoline tuwing gabi. Yung mga sampayan namin na nilalambitinan ko kapag nagiging mongoloid ako. Yung ref namin na punong puno ng pagkain, yung mga medal kong nakadisplay sa gitna ng sala, yung collection ko ng CD albums ng exo. Yung malaking painting namin ng pamilya ko sa tapat ng pinto. Pati yung mga lugar na favorite kong puntahan pati school. Lahat na lalo na yung mga mahal ko sa buhay na iiwanan ko dito. Yung adobo ni papa, yung alaga ni mama. Yung sermon ni papa at bunganga ni mama pag may mali akong nagawa. Yung nachos na laging pasalubong sa akin ni Angge, yung ngawa niya tuwing nag -aaway sila ng boyfriend niya, mga tawanan at syempre, mga kalokohan at kabaliwan namin. Mamimiss ko din si Leandro, yung mukha niyang nakakabwiset na nagpapasira ng araw ko, yung pambubully niya, yung bangayan namin, syempre mamimiss ko din na batukan at bugbugin siya pagtrip ko lang at yung panlilibre at mga regalo niya araw-araw :) Si Theo din, mamimiss ko yung kahinhinan niya, yung mga bonding moments namin dati, yung kabaitan, at lahat.

14000 Peso BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon