Chapter Sixty

278 8 0
                                    

CHAPTER SIXTY.

Anyway, tigil na sa pagkwento sa walang kwentang lalaki. Masyado ng nagyelo yung naiwang senario kanina. Ee kasi naman! Dami na ngang problema, dumating pa siya! Nananahimik na buhay ko dito, bababalik-balik pa ulit. Dun na siya forever sa pinanggalingan niya!

Hay naku! Balik na nga tayo sa pagkikita namin..

-Unfreeze-

"EZEKIEL DREIZHEN SEBASTIAN CLEMENTE JR.!? "

"Yes! I'm back :D Namiss mo ako? "

AY SOOOOOWWWSSS!! Anong ginagawa ng isang yan dito? TT^TT

"Speaking of, andyan na siya :)" comment ni mama habang nakangiti. Si papa din galak na galak. Talaga bang namiss nila ang isang to? At siya, yang lalaki na yan sa harap ko, nakabungisngis. Teka, parang OP yata ako dito! Lahat sila masaya tas ako hindi? Akyat na ako!

Tumalikod ako at aakmang aakyat pabalik sa kwarto ko pero pinigilan ako ni papa.

"Oh! San ka pupunta? Harapin mo nga yung bisita, wag kang bastos! "

Bastos? Ako pa ba? Kung may bastos man dito, siya yun nuh! Matapos niyang ipagkalat na binuntis niya ako sa sangkatauhan, iwewelcome ko pa ba siya ng maayos?

Humarap ulit ako ng nakataas ang kilay. Hindi ko magawang sagutin si papa ee kaya eto na lang ang gagawin ko. Kung nakakamatay lang ang pagtataas ng kilay sa kaaway, ay nako! Mangawit man ako, itataas ko talaga yung kilay ko ng matagal masiguradong todas lang yang Drei na yan sa harap ko.

"Para yatang ang saya niyo na andito ulit siya? " comment ko habang umuupo sa tabi ni mama. Pero umusog siya ee kaya tuloy napilitan akong umupo sa space na binigay sa akin ni mama at yan tuloy, nakatabi ko tong Drei nato.

"Huy! Ano ka bang bata ka? Nakakahiya!! " galit na bulong sa akin ni mama tapos pinalo niya pa ako ng mahina sa braso. Pero kahit pa isa lang yung bulong, narinig pa din nina Drei at papa yun kaya naman si papa nangiwi na lang sa hiya.

"Nak hindi tama yan ah! " sermon ni papa. Hindi ko siya pinansin, sa halip ay si Drei ang inintindi ko.

"Bakit ka na naman nandito hah!? " sigaw ko na ikinagulat ni mama at papa. Si Drei naman ngumiti.

"Ee syempre namiss kita :) Ako ba? "

"Para mamiss ka? Ang tulad mo dapat binabaon sa limot pati na rin sa hukay!! "

"Teresa! Isa pa hah! Makakatikim ka sa akin! " sabi ni papa.

"Bakit kung umasta kayo ni mama parang wala siyang ginawa? " at ayan na, hindi ko na napigilang sumagot. Pero malumanay lang naman ang pagkakasabi ko. Nakakapagtaka lang kasi.

"Nak, hindi ka namin pinalaking sumasagot ah! " galit na sigaw ni papa na para bang walang bisita.

"Then sorry.. Nagtataka lang naman ako kung bakit ganyan kayo makitungo dyan. Limot niyo na ba yung ginawa niya noon? "

"Tere, matagal na yun. Bata pa kayo nun. Hindi mo pa ba siya napapatawad? " sabat naman ni mama.

"Hindi. " agad-agad na sagot ko na ikinagulat nila ni papa at si Drei naman, natawa.

"Ah, Drei pasensya na dito sa anak ko ah :)" nahihiyang sabi ni papa tapos ay bumaling siya sa akin.

"Ayoko ng nagtatanim ka ng sama ng loob, Teresa hah. Hindi mo ba naisip na dala lang yun ng kabataan niyo? Kalimutan mo na yun! At isa pa, mabait ang mga magulang ni Dreizhen sa atin at alam kong ganun din siya kaya winewelcome din dapat natin siya ng maayos. "

Haaayy! Mabait daw!? So ano yung ginawa niya sa akin nung highschool? Kabaitan? Ang labo niyo! Palibhasa hindi niyo alam ang tunay na nangyari ee. Liban dun sa pagkalat niya ng maling balita noon, binully din kaya niya ako ng madaming beses!

14000 Peso BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon