Chapter Thirty

396 18 1
                                    

CHAPTER THIRTY. 

"Anak, you better leave us right now or you'll be grounded for one month.. " -mama. 

Eerr, I just rolled my eyes heavenwards and left them. 

Hindi na ako sumagot nuh! Masasayang lang laway ko. Alam mo bang kanina ko pa gustong mag explain pero ang gusto niyang makausap ay si Axcel? Opo, kasama kong umuwi si Axcel at nandito na kami sa sala ngayon kaharap si mama. Si papa nasa work pero alam niya naman tong nangyari since umuwi siya kagabi. Haaayy! Ang swerte ko pang matuturing dahil isa lang ang kaharap naming monster ngayon at wala si papa para tulungan siya. Pero anyway, gusto ni mama na pumasok ako sa room ko at wag nang makisali at makichismis sa pag -uusapan nila. Ee ayoko sana dahil baka pagalitan niya si Axcel pero wala akong nagawa. Kaya, umakyat na ako. Pero before I left them, binigyan naman ako ni Axcel ng isang smile kaya kahit papaano naman nawala yung worries ko ng very very light.  

--

One hour after @ School.. 

"Axcel Vin Gonzales Ysbarre!!! " sigaw ko. Naglalakad kasi ako sa tabi -tabi, pagala-gala. Wala na akong klase ngayon ee, kanina pang umaga pero hindi na ako nakapasok dahil nga sa kalokohang pinaggagagawa ko kagabi. Dumalaw lang ako sa school ngayon for.. alam niyo na, for SSC missions or the Supreme Student Council thingy. Boring nga ee, nagmamasid lang ako kanina pa. Kaya lalo akong inaantok ee! Wala pa naman akong tulog!! Mabuti na lang at nakita ko siya ano? Nacucurious kasi ako sa mga pinag usapan nila ni mama kanina ee. Teka, parang ang sipag naman yata ni Axcel pumasok. Puyat yan diba? Oh! Baka alang -alang sa mga mahal niyang barkadang  kinasasabikan niyang makita kaya siya pumasok? Oh well..

Sa pagtawag ko sa kanya, syempre lumingon siya pati na rin yung mga friends niya. At himbis na ako ang lumapit sa kanya, naunahan niya akong tumakbo para lapitan siya. 

"Hi, akala ko hindi ka na papasok? " tanong niya sa akin. 

"Ah, bumisita lang ako dito dahil baka kasi may ipagawa sa akin si dean.  Ikaw? " 

"Uhmm, walang matambayan ee. Kanina pang umaga yung klase ko pero hindi na ako nakapasok tapos sa bahay naman, ako lang mag -isa dun kaya dito na lang muna ako. "

"Ah okay.. uhmm kamusta ba yung pag -uusap niyo ni mama kanina? "

"Uh yun ba? Haha.. wala naman xD "

o____O Hmm.. may naamoy ako. 

"Wala ka dyan! Pinagalitan ka nuh!! " sabi ko sa kanya tapos umamba pa na sasapakin. Ang showbiz kasi neto ee!! 

"Hehe, medyo :D " sagot niya tas kumamot ng ulo. See? Umamin din.

"Bakit anong sinabi? "

"Ah, hindi naman sa pinagalitan ano? Pero medyo nasaway ng konti kasi nagsabi ka daw sa kanya na maaga kang uuwi para magreview pero hindi mo ginawa. Ang sabi mo pa daw nung tumawag siya sa iyo uuwi ka na pero mababalitaan niyang natulog ka sa bahay ko ng tayong dalawa lang ang tao. Ano daw kalokohan pinaggagagawa natin :D " sabi niya. Psh, kung sa bagay, hindi nga ako nakapagreview -__- Pero ako din naman may mali dun nuh! Pero promise, di talaga mauulit! Ayokong pabayaan studies ko. Pero, bakit si Axcel ang pinagalitan ni mama? Pakiexplain nga! Decision ko po kaya yun! Naku naman talagaaa.. 

14000 Peso BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon