Chapter Four

752 27 8
                                    

CHAPTER FOUR  

Matapos ang 5 hour break ko, pumasok ulit ako sa school. Kampanti naman ako dahil walang klase ngayon si Theo, meaning hindi kami magkikita yehey! May klase pa kasi ako kahit 6:30 na. This time,  kasama ko na yung tatlo. Hindi ko naman sila classmates nor schoolmates pero syempre gagawan namin ng paraan yung mga guard kung paano sila makakapasok.  Papalabasin na lang namin na mag iinquire sila. 

Galing ng alibi ano?  Yan ang tunay na estudyante,  may kalokohan din paminsan-minsan :)

But since,  napag alaman ko na wala si prof at attendance lang pala,  hindi ako nanghinayang sa ipinasok ko dahil may gagawin naman akong mission.  At pag nagawa ko yun, yippee!  Magkakaroon na din ako ng exclusive fan meeting sa mga idol ko.

After kong makapag attendance,  kasama ko pa din yung tatlo. Sisimulan ko na kasi yung mission ko ee. Pero,  hindi ko alam kung sino yung uunahin ko.  Kung si Axcel ba o si Leandro. Actually,  ang favorite part ko kasi ay yung kay Leandro ee.  Alam mo naman,  ikinagagalak ko ang gantihan siya.  Pero ang inaalala ko si Axcel.  Baka masapak ako nun o kaya ipahiya. Kaya,  siguro si Axcel na lang muna uunahin ko para kung sakali mablack eye-an ako nun,  worth it pa din dahil kay Leandro ako makakabawi. 

Pumunta na lang muna kami sa library ng mga kasama ko.  Wala lang,  pahinga muna bago ko ipahamak muli ang sarili ko. Pero akalain mo nga naman ang pagkakataon!  Nandun pala si Axcel at ang tropa niya sa loob ng library, nagchichikahan. Haaayy!  Talagang bawal ba talaga munang huminga ng maayos? 

"Huy! Tere ayan na si Axcel oh, ano pang tinutunganga mo? " sabi ni Grace na hindi obvious na excited. Nakahanda na nga yung camera ee. 

"saglit lang, bawal bang magpahinga? " inis na bulong ko.  

"bawal.  Dalian mo na at baka hindi mo magawa! " sagot naman ni Anastasia tas tinulak - tulak nila ako kaya no choice na ako. 

Huhu T.T

Heaven help me please.. 

Second mission,  this is it. 

Nagsign of cross muna ako tapos lumakad na ako papunta sa kanila. Habang naglalakad,  naririnig ko na yung kulitan nila ng tropa niya. 

"Wui pre!  Nakaconnect na ako!! " sigaw niya. Ay,  napahinto ako dun ah!  Sumigaw daw ba sa loob ng library? 

"Oh?  Talaga pre?  Wow!  Congrats!! HAHAHA!!  " sigaw naman nung tropa niya tas biglang tumawa ng malakas. 

"SSSSHHHHH!!! " saway nung librarian na ikinatahimik naman nila. oh ayan,  mga eskandaloso kasi ee.  Yan tuloy.  Sabi sa inyo,  may pagkamongoloid crush ko ee.  Pero okay lang,  pogi naman. Lumingon ako ulit sa mga kasama ko at binigyan naman nila ako ng "kilos-na-tanga-look" kaya dumeretso na ako sa harap nila. 

Hindi na ako nagsayang ng oras para mag inarte.  14000 peso concert kaya ang nakasalalay dito kaya naglakad na ako. Nagulat naman sila nung pumunta ako sa harap nila at nagtinginan ng parang ganito oh..  

(  '.') (  '.') ('.'  ) --> ??? --> (-.-  )

At parang yung tipong naguguluhan sila.  Siguro sa isip-isip ng mga to.. "Sino tong magandang babaeng to?"

Haaayy!  Imagination.. 

Whooo!!  Kaya ko ba to?  Pero sige, heto na.. 

"Axcel Vin Gonzales Ysbarre!!" sigaw na pabulong ko.  Teka magulo ba?  Ay basta!  Yun yung tipong isinigaw ko sa paraang sila lang magkakatropa ang makakarinig dahil nasa library ako. 

Yung tinginan nila kanina,  napunta lahat kay Axcel.  Tapos, haha!  Ang cute nung mukha ni Axcel,  kinikilig akuuu.  Eh kasi naman,  para siyang kinabahan.  Yung tipong nagpalinga-linga muna siya tas napalunok pa siya at nakatingin sa akin ng blanko.  Kulang na lang sabihin niya sa akin na hindi siya ang salarin xD. 

"Bakit niyo po ako kilala?  Tsaka ano po bang kailangan niyo? " magalang na tanong niya. Luh! Partida,  mas ahead sa akin yan ng isang taon pero kung maka po! Yung totoo,  mukha ba akong lola? 

"Crush kita Axcel Vin Gonzales Ysbarre.."  agad kong sinabi habang nakatingin direkta sa mata niya para matapos na to. 

Yung reaction niya?  Tulala.  Parang yung kay Theo lang kanina. Pati yung 4 niyang katropa nashock din. Makailang saglit sigurong katahimikan ang bumalot sa amin bago pa siya mahimasmasan. Napakamot pa nga siya ng ulo ee at nagpalinga-linga ulit sa mga kaibigan niya na para bang naghahanap ng kung anong isasagot. Habang ako,  nakatitig sa kanya ng walang ilang at parang walang nangyare.  Nung ready na siya para magsalita,  ako naman ang nagtapos ng usapan.  Hello,  nakakahiya kaya tong ginagawa ko, hindi ko lang sa kanya pinapahalata at syempre nakasubaybay sa akin yung tatlo sa gilid kaya kailangan kong galingan. 

"U-uh?  G-ganun b--"

"Wala lang, nashare ko lang.  Bye :)" pagputol ko so nauutal niyang salita tapos ngumiti ako,  nagwave ng kamay at kumaripas ng takbo. Hindi pa ako nakakalabas,  nakarinig naman ako ng malakas na.. 

"AYYIIIIEEEE!!! ANG ASTIG NIYA PRE!!!  " at obvious naman na sa tropa niya yun nanggaling. 

"SSHHHHH!!! " saway ulit ng librarian. Hindi ko na sila tinanangkang tignan.  Natawa na lang ako sa galit ni ateng librarian.  Ingay kasi nila ee. 

Okay. Mission accomplished!  Isa na lang,  hello concert na Yeah~

Teka,  hindi niyo nga pala alam yung mission ko kay Axcel ano?  Tsaka ko na sasabihin pag natapos ko na yung kay Leandro. 

--

Axcel Ysbarre nga pala yung picture na nakikita niyo sa bandang kanan. Ang ultimate crush ni Teresa. :D

14000 Peso BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon