Teresa's P.O.V. (3rd part)

181 5 1
                                    

TERESA'S P.O.V. (3rd part)

-Eeeeennnggg-

"Teresa, pinapasabi ni boss na--"

O_____O

Nasa gitna kami ng pag -uusap ng biglang pumasok yung dalawang lalaking dumukot sa akin. May sinasabi pa sana yung isa sa akin pero ng makita niyang magkausap kami ni Axcel ay nanlaki ang mga mata niya.

"Hoy! Peste kang bata ka! Akala namin napuruhan ka na namin, lakas ng loob mong kalasin yung tali kay Teresa ah! Plano mo pang patakasin!"

"Oo nga! Pwes! Hindi namin papayagan yon! Mabubulok na kayo dito!! " sabi pa nung isa.

"So pre anong gagawin natin? " tanong ng isang lalaki dun sa kasama niya.

"Parusahan natin ulit yang lalaking yan ng hindi na to maulit kundi yari tayo kay Boss! "

"Oo nga! Lumpuhin na natin ang isang yan! "

Sa pag -uusap nila, nag -alala ako ng sobra kay Axcel. Napatingin kaagad ako sa kanya pero nakita ko naman ang mukha niyang walang kakaba-kaba.

"Axcel.. " nag -aalalang banggit ko sa pangalan niya. Ano ba kasing magagawa ko? Natatakot na ako!

"HA! Wag kang mag -alala, hindi ako natatakot sa kanila :D " nakangiting sagot pa ni Axcel sa akin.

"Aba nagtatapang-tapangan ka pa hah! Sige! Ngayon natin masusubukan ang tapang mo bata! " narinig naman ng lalaki ang sinabi niya kaya naman matapos niyang sabihin yan ay hinila na kaagad niya si Axcel. Si Axcel naman nagpumiglas pero dahil nga mahina pa ang katawan niya dulot ng pagkakabugbog sa kanya at dahil din sa nagtulungan yung dalawang lalaki para hilain siya, ay wala ding nagawa si Axcel kundi ang magpadala sa dalawang yun.

"T-teka! Anong gagawin niyo sa kanya!?" sigaw ko. Huminto sila sa paghila sa mahinang si Axcel at lumingon sa akin.

"Gagawin? Nung una, ang plano lang naman sana namin ay dagdagan ang pasa niya hanggang sa hindi na siya makalakad pero dahil nagtatapang-tapangan siya, siguro bubugbugin na lang namin siya hanggang sa ikamatay niya na. O kaya naman saksakin na lang namin para naman mas madali. Ano miss? Pili ka nga.. " nakangiti niya pang sabi. Aaarrgghh! Bwisit tong mga bakulaw na to! Iniinit nito ulo ko ah!

"EH MGA G*GO PALA KAYO EH! WALA NAMAN SIYANG GINAGAWANG MASAMA AH! PWEDE BA UMUWI NA LANG KAYO!? TIGILAN NIYO SI AXCEL MGA PANGET KAYO!! PUT*NG INA NIYO!" sigaw ko. Hindi naman ako halatang galit diba?

"Haha! Manahimik ka na lang dyan miss. Kung anu- anong pinagsasabi mong nakakarindi sa pandinig ko. Akala ko pa naman mabait ka, kaya balak kong bugbugin na lang siya. Pero dahil dyan sa sinabi mo, sasaksakin ko na lang siya nitong hawak ko para mamatay na siya kaagad. Diba mas okay yun? Mag paalam ka na sa kanya at manuod kung paano namin parusahan ang isang to :)" sabi niya sabay pakita ng kutsilyong hawak niya. At dahil dyan, lahat ng tapang ko, napalitan ng takot. Lalo pa nung tinutok niya na to sa leeg ni Axcel. Oh my goodness! Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Sa sobrang takot ko, di ko namalayang tumulo na naman ang mga luha ko kasabay nito ang pagtakbo ko papunta sa kanila para pigilan sila.

"Wag na wag mong gagalawin ang Axcel ko! Kundi kayo ang papatayin ko! " sabi ko. Matapos niyan, lumingon ako kay Axcel na kanina pa tahimik pero bigla siyang ngumiti dahil sa sinabi ko. Tinulak naman ako ng kasama niya.

"Lumayo ka dito! Kung ayaw mong pati ikaw madamay! "

"Mas gugustuhin ko pa yun! Ako na lang, wag na siya!!" sabi ko pa tas bumangon ulit ako at sinubukang lumapit sa kanila. "Dapat kayo ang pinapatay mga hayop kayo!!" dagdag ko pa. Ilang beses akong tinulak ng isa pa niyang kasama para hindi ako makalapit kay Axcel. Pero kahit paulit -ulit nila akong itulak, ayokong sumuko dahil buhay ng mahal ko ang nakasalalay dito.

14000 Peso BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon