12:25 NN, Saturday, Beach, Ext.

2.5K 294 68
                                    

Akin na nga 'yang paa mo.

Ako na.

Ako na. Umupo ka dyan. Ako na maglilinis.

'Di ako prinsesa.

Sisingit lang 'tong buhangin dyan sa kuko mo sa kamay.

Eh paa ko naman 'yan.

Hindi ako ibang tao, Maine. 'Wag kang mahiya.

Hindi sa nahihiya ako. Ang akin lang, you don't have to do things for me anymore. Kaya ko na ang sarili ko.

Dati ako pa nagpaplantsa ng blouse mo.

Keyword? Dati.

Wala naman akong ibang intensyon. Isipin mo lang na bayad ko na 'to dahil kinaladkad kita rito.

What I did was voluntary. You did not force me naman.

Ayan, malinis na. Wear your sandals and wait for me. Maglilinis lang din ako ng paa. 

Ayan ka na naman. You're treating me like I'm a seven-year-old na mawawala sa mall.

Hindi ka naman nawala sa mall. Nawala ka sa'kin.

Ano sa tingin mo mali natin? Why... we didn't up together.

We failed to acknowledge that we... viewed love differently. And that we love differently.

What do you mean?

'Yung parang... ikaw, ganyan ka kasi magmahal. So ang hinahanap mo sa akin, ganyang uri ng pagmamahal din. Ako rin, ganito magmahal, so ganitong uri ng pagmamahal ang hinahanap ko mula sa'yo.

And that was wrong, 'no.

Yeah.

We should have loved each other the way we wanted to.

Yeah, not the way the other one wanted to.

But you know... kahit ako 'yung nag-initiate nito, I hated it.

Anong hate mo?

Answering questions.

Eh ikaw nga ang nakaisip.

Oo nga. Alam mo namang wala akong sense of responsibility.

Noon.

Oo nga. But then again... there should be always something within two people na... hindi dapat pag-usapan. I have always believed in that.

Nirerespeto kita, but I liked your idea. 

You liked answering questions?

Yeah.

Why?

Para nasa-satisfy ko 'yung sarili ko. Para malaman ko kung may panghahawakan ba ako o wala, o kung tama man ako o mali.

What good would it bring us? I mean... settling things out.

I don't know. 'Di mo ba feel na nawawalan ka ng tinik sa dibdib?

Hindi.

Eh ano?

Nadadagdagan.

Ah.

Napa-ah na lang, eh. Nakakatawa ka. Running out of things to say now, Direk?

Hindi naman.

Eh ano?

Ganu'n ba talaga ako kasakit sa'yo, Maine?

Ha, what? Ang pangit ng construction of words mo.

Eh 'di ikaw na ang proper magconstruct.

Hindi naman.

Hindi?

Masakit na masakit lang.

Ako rin naman, nasaktan.

Alam mo 'yung masakit na masakit to the point na ayaw ko nang bumalik sa'yo kasi feeling ko ida-doubt ko paulit-ulit kung mahal mo na ba ulit ako o naawa ka lang sa'kin.

Because I didn't ask you to. I mean... I didn't ask you if you wanted to come back.

Oo nga. Wala kang ginawa.

Sorry.

But that helped me, you know. Spending time away from you. Kaya ako tumigil.

Sa kakakausap sa'kin?

Oo.

Akala ko maghahanap ka na ng bago to mend your broken heart.

'Di naman ako ganu'n ka-harsh sa ibang tao! I mean... sinaktan mo 'ko, eh. Okay, andu'n na nga tayo sa tangina mo gago ka akala mo ba parang kagat lang ng langgam 'yung ginawa mo sa'kin? But then again, that part was over. Tapos na. Nakipagbreak ka, okay, du'n nasaktan mo ako. But spending time with myself made me realize something.

Ano? Naks, na-enlighten.

That my pain was self-inflicted. You weren't hurting me anymore. I am hurting myself now, and that's never a nice thing. Hindi ako nag-grow as a person.

But I'm seeing a different Maine now. You're radiant.

Because I love myself now more than I love other people. That's what you taught me.

So hindi mo na nga ako love.

Love pa rin naman, gurl. But that was the old me.

Hindi na sya babalik?

Sino?

'Yung old you?

Hindi na siguro, nag-goodbye na sya eh.

Sad.

Sad, but it's for the better.

Better? Better 'yung hindi mo na ako love?

You're whining, Alden.

Just asking, Maine.

Hindi tayo nagre-record. Sayang 'tong interview mo.

Walang namang sayang na galing sa'yo.

Meron kaya.

Ano?

'Yung love ko para sa'yo.

Sa tingin mo nasayang?

Hindi.

Eh ano?

Sinayang.





//

to be continued


The Art of Detachment (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon