9:56 AM, Friday, Control Room, Int.

1.9K 198 34
                                    

Alden, nandito ka pala. Kanina ka pa hinahanap ni Sir Eric.

Uy. Chinecheck ko pa 'yung film eh, baka may aberya. Hindi kasi okay kahapon sa dry run 'yung audio kaya ni-render ko ulit kagabi. Bakit?

9:30 naman daw 'yung nakalagay sa invitation pero mag-start na raw wala pa ring laman 'yung director's seat mo.

Ah.

Alden?

Sinabi naman kasi nu'ng guest ko na.. baka hindi sya makapunta pero pinilit ko lang.

Bakit 'di na lang parents mo?

They're seated at the back. Tinext na nila 'ko.

Sino ba 'yung guest mo? Ayaw pa man din ni Sir na may bakante sa unahan, pangit daw tingnan.

Hayaan mo na.

Alden, ayos ka lang? Para kang naluluha.

No, dahil lang 'to sa aircon. I'm fine.

Sure? Hindi na talaga dadating 'yung guest mo?

Hindi na siguro.

Bakit daw? Hindi na mapipilit?

Baka hindi na. 'Yun pa.

Wala ka bang ibang ipapalit?

Wala.

Okay. Sabihin ko na lang kay Sir.

Sabihin mo, representation na lang siguro 'yung upuan ng buhay ko.

Emote. Baka naman may work lang.

Baka nga.







Baka.







Sana.






//

The Art of Detachment (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon