Ang saya ko lang.
Bakit?
Kasi sabi mo mahal mo 'ko.
Baliw.
Pero mahal mo nga 'ko?
Oo nga.
Ako rin.
Ikaw din?
Oo.
Salamat.
Lagay mo 'yung kamay mo sa dibdib ko. Pakiramdaman mo 'yung pintig ng puso ko.
Ang bilis. Parang nagmamadali.
Ako, hindi. Kaya kitang intayin.
Ang laki ng ngiti mo.
Masaya na 'ko.
Dahil lang du'n?
Oo.
Baliw.
Kahit 'yun na lang. Kahit 'yung 'mahal kita' na lang muna 'yung makuha ko, ayos lang.
Sorry.
Bakit?
Baka 'yun lang din kasi 'yung kaya kong ibigay.
Ikaw mismo, hindi pwede?
Hindi yata.
Ah.
//
to be continued
BINABASA MO ANG
The Art of Detachment (Book 1)
FanfictionBecause some things can never be saved no matter how hard you try. Chapters are consisted of conversations.