Turuan mo nga 'ko.
Turuang?
Magyosi.
Bawal sa'yo 'to. Good boy ka.
Eh gusto naman talaga natin 'yung mga bawal.
Bawal ba 'ko?
Hindi. Pero gusto rin kita.
Alam mo, mas mapapadali ang mga buhay natin kung hindi na natin 'to pag-uusapan.
Madali, pero hindi masaya.
Marami namang ibang ways para maging masaya.
Ikaw 'yung number one sa'kin.
Wala akong listahan.
Ipaggagawa kita tapos isusulat ko du'n 'yung pangalan ko para 'di ka mahirapan.
But then that would be a lie.
Sabi mo masaya ka sa'kin.
Masaya nga. Pero gulong-gulo na 'ko.
Hirap na hirap ka na ba?
Oo.
Dahil kay Brent?
Hindi.
Kay Astrid?
Hindi rin.
Dahil kanino?
Sa'yo nga.
Bakit? Mahirap ba akong kasama?
Hindi.
Eh bakit ganu'n ang nararamdaman mo?
Ang hirap na kasing magtiwala.
I'd be better this time. I won't leave.
Sinabi mo rin 'yan dati.
Maayos na 'ko ngayon. Kaya ko nang panindigan lahat ng sinasabi ko.
Tanggap naman kita kahit hindi, dati. Stay lang. Stay lang gusto ko.
Maglalagay ako ng collar sa leeg ko tapos itatali ko 'yung sarili ko sa'yo.
No need.
Ayaw mo talaga, Maine?
Hindi naman sa ayaw. I just don't want to give an answer na hindi pinag-isipan ng mabuti. Kung ire-reject kita, ayoko ng regrets. Same if tatanggapin kita ulit.
Okay.
Anong gagawin mo kay Astrid pag-uwi?
I'd stop seeing her.
Bakit?
Baka maimik ko 'yung pangalan mo kapag inaya nya 'kong mag-sex.
So papayag ka.
Hindi rin.
Asus. Lulusot pa.
Nagbabakasakali lang.
Mahal kita.
Ha?
Bingi?
Nagulat lang.
Mahal kita, alam mo 'yun? Mahal kita in a way na... ayaw ko na bumalik ng Manila. Gusto ko na lang din tumakas at itanan ka. Mahal kita to the extent na kahit mag-inom at manigarilyo at mamatay na lang tayo dahil bulok na ang atay at baga natin dito ayos lang kasi hawak ko 'yung kamay mo.
Pero?
Pero ang sakit pa rin.
Paano mawawala 'yung sakit?
'Di ko alam.
Pero mahal mo 'ko.
Oo.
Hindi sapat?
Hindi.
Bakit?
Kasi hindi ko kailangan ng pag-ibig na mapanakit. Hindi ko kailangan ng pag-ibig na ipapaalala sa'kin paulit-ulit na baka hindi ako sapat.
Hindi na 'yun 'yung pag-ibig na ibibigay ko.
Ay, hindi mo ba gets?
Ano bang ibig mong sabihin?
Ang ibig kong sabihin, hindi ko na yata kailangan ng pag-ibig na galing sa'yo.
May yosi ka pa dyan?
Wala na.
Sayang. Blade, wala?
Para sa?
Laslas na lang ako, mas mabilis pa yata.
Ang sakit, 'no?
Nagtanong ka pa.
Hindi mo rin kailangan ng ganito kasakit na pag-ibig, Alden.
Hindi nga. Pero gusto ko pa rin kasi galing sa'yo.
//
to be continued
BINABASA MO ANG
The Art of Detachment (Book 1)
FanfictionBecause some things can never be saved no matter how hard you try. Chapters are consisted of conversations.