Hey. Morning.
Morning ka dyan. Anong oras na?
10:38.
Bakit 'di mo 'ko ginising? Kanina ka pa ba dyan?
Yup. I went home around eight. Nag-take out na lang ako, and yes, may fries. Hindi ka kasi sumasagot sa mga tawag ko.
Wait, where's my phone? Kainis, nilamon na naman ng kama. Nasaan ka? Hoy. Pakita ka. Ay. Ayun. Jeske. Wait - forty missed calls?!
Yeah. Tulog mantika.
'Wag mo nga 'kong tawanan dyan. You slept for three hours kasi. Patingin ng tinake-out mo. Parang 'di ko feel mag-rice.
Did you rest well?
Okay naman. Ang haba rin ng tulog ko, ah.
Oo nga, eh. Kainggit.
Anong ginagawa mo dyan sa laptop mo?
Nagsosort ng files. Maine?
What?
Ayaw mo nang kumain? Parang kumagat ka lang ng dalawang fries, eh. Abot lalamunan ba 'yun?
Wala nga ako sa mood.
Naiinis ka ba sa'kin? Alis muna ako kung naiinis ka sa mukha ko para makakain ka.
OA. Wala nga lang ako sa mood.
Ano 'yun, biglaan? There must be a reason.
So you automatically assumed na ikaw 'yung rason. I'm just tired, okay?
Of me?
Of this set-up nga, paulit-ulit.
Okay.
I just wanted to rest. Sorry for the delay.
Okay lang. Medyo marami-rami na naman 'to. Kaunti na lang isho-shoot natin bukas. Nakahanap na rin ako ng locations beforehand para tipid sa oras.
I don't know.
What?
I don't know anymore, Alden.
Anong ibig mong sabihin?
Let's stop filming. 'Di ko na alam ang sasabihin ko.
Maine.
Alam ko um-oo ako sa project na 'to. Pero pwede bang 'wag na lang tayo 'yung subject? Pwede bang humanap ka na ng iba? If emotional ang approach mo, have an elder as a subject. Or dalawang matandang tao na tumanda together. Or hanap tayo ng hindi nagkatuluyan. Marami naman akong kakilala. Tutulungan kitang maghanap ng bagong subjects.
Bakit ganito bigla, Maine? Pumayag ka naman. Ano 'yun, 'yung effort, wala lang?
Halos two days pa lang naman tayo dito, Alden. Pwede pa naman siguro i-cancel.
Unprofessional.
Call me anything you want.
Sabagay, hindi ka talaga manghihinayang sa two days na effort. Ten years nga natin, wala na ngayon, 'di ba?
You can't say that to me. Stop being insensitive.
Bakit ba ayaw mo? Ikaw naman nag-isip, 'di ba? We ask questions. The answers come naturally. May pauso ka pa ngang art of detachment.
'Yun na nga eh! Don't you see the irony?!
What?
Kada sumasagot ka, kada sumasagot ako, lalo lang sumisikip 'yung dibdib ko.
BINABASA MO ANG
The Art of Detachment (Book 1)
FanfictionBecause some things can never be saved no matter how hard you try. Chapters are consisted of conversations.