Ingat ka.
Ikaw din. Kailan ka uuwing Manila?
Bukas siguro. Nag-extend pa ako sa hotel, eh. Sulitin ko na lang.
Okay. Ingat ka, ha. Salamat sa time.
Ang sakit ulit.
Alden, 'wag dito.
Nagtago pala ako ng t-shirt mo nu'ng 'di ka nakatingin.
Why would you do that?
Para may rason ako para isauli sa'yo at makita ka ulit.
No need, then. Sa'yo na lang 'yang t-shirt.
Ganu'n pala talaga, 'no? 'Pag nagbakasyon ka sa isang lugar tapos... malayong makabalik ka pa. Kailangan ng souvenir pala talaga.
Alden.
Sorry.
'Yung kamay ko.
Five minutes.
Baka maiwan ako ng bus.
Three?
Alden.
One minute.
Alden..
Please.
Okay.
Pipigilin ko 'yung konduktor.
Baliw.
Last na ba 'to talaga?
Na?
Pagkikita. Pag-uusap.
Siguro. Ewan. 'Di ko rin alam.
Mas madali 'to, 'no?
Alin?
Umalis.
Kesa?
Umuwi.
Oo, eh.
Sorry, ganito 'yung bahay mo.
Okay lang. I think I can rent another place for me to stay.
Punta ka, ha.
Saan?
Film showing.
Kulang 'yung clips. Maghahanap kang ibang subject?
Siguro. Two months pa naman.
Baka busy ako.
E 'di make time for me.
'Di ko hawak 'yung oras ko.
Pero 'yung kamay ko, oo.
Titingnan ko.
Please.
Alden.
I already reserved a seat for you.
Kahit 'di tayo nag-uusap? Akin na agad 'yung seat for director's guest?
Oo. Lagi namang sa'yo 'yun. That seat has always been yours.
Pwede ka namang mag-invite ng iba. Sabihan kita kapag hindi ako available sa date na 'yon.
I'd rather have it vacant than not see you in that chair.
Alden, iba naman sana.
'Wag mo 'kong utusan. Isa lang may-ari nu'ng bahay.
Tapos na 'yung one minute.
Sana tayo hindi pa.
Sana lang.
Wala na talaga?
Meron pa.
Pero 'di sapat 'yung pamasahe pauwi, 'no.
Oo.
Sana balang araw sumapat.
Sana.
Pero ewan ko, eh. 'Yung bahay na nga 'yung lumalapit. Wala ka na ngang pamasahe, ayaw mo pa rin.
'Wag mo 'kong sumbatan.
Sinasabi ko lang.
Sobrang extended na nu'ng one minute. Ayan, umaandar na 'yung bus. Bye. Ingat ka palagi.
Basta pumunta ka, ha.
Try ko.
Maine.
Oo na.
Last na favor na 'yun, promise.
Oo na nga. Alden, kamay ko.
Hirap naman mag let-go.
You have to.
Unfortunately.
Eto na talaga, paalis na talaga. Ingat ka, Thank you sa food and time and all na hindi ko na-mention pero dapat kong ipagpasalamat. Bye, Alden. Uwi na talaga 'ko.
Saan?
Hindi sa'yo.
Okay.
Sa susunod na lang.
Susunod na?
Buhay.
Tagal.
Pero mag-iintay ka naman yata.
Oo nga. Sige.
Sige.
//
BINABASA MO ANG
The Art of Detachment (Book 1)
FanfictionBecause some things can never be saved no matter how hard you try. Chapters are consisted of conversations.