narration - devone's (contains lowercase texts)
• bold - seonho
• italic - devone"kanina ka pa nakabusangot dyan. may problema ba?" pang ilang ulit na tanong na ni seonho yan pero hindi niya parin ako tinatantanan kahit kanina ko parin sinasabing wala. ang kulit.
inunahan niya naman ako sa paglalakad habang nakaharap siya sakin. patalikod yung paglakad niya, di ba to nag-iisip? paano nalang kung bigla siyang madapa.
"wala nga. bakit ba ang kulit mo?" umiling lang siya saka ako sinabayan sa paglalakad ulit. alam kong hindi ako titigilan nito hanggang sa wala akong sinasabi sa kanya.
"alam mo devone kahit na ngayon lang tayo nagkakilala hindi ko maitatanggi sa sarili kong nararamdaman ko kung may kakaiba sayo." seryoso niyang sabi nang hindi manlang tumitingin sakin. bwiset di ako sanay na ganito kaseryoso si seonho kaya hindi ko nalang siya pinansin.
huminto kami sa isang cafe para tumambay. saka may usapan kami nitong ililibre ko siya kaya nakapagdesisyon kong dito nalang siya dalhin.
pagkapasok namin pinahanap ko na agad siya nang pwesto namin kaysa magdaldal yan sa tabi ko habang umoorder ako mas mabuting lumayo nalang siya. mamaya mangulit na naman eh. saka siya yung may buhat nung mga librong kinuha namin sa library kaya dapat umupo na siya dun.
"wala ka ba talagang balak magkwento?" tanong niya sakin habang nakangiwi. see? ang kulit. nakaorder na ako't lahat-lahat yan parin yung concern niya.
"hindi kasi ako mapalagay sa aura mo. may kakaiba talaga sayo. napansin ko na nga yun nung magkachat tayo kanina kaya imposibleng wala lang" natawa nalang ako sa sinabi niya. bakit pakiramdam ko ang lakas niyang maging tatay ngayon? tay seonho ayos lang ako.
natigil lang ako sa kakatawa nang mapansin kong hindi na siya kumikibo at nakatitig lang sakin. kaya napabuntong hininga nalang ako.
"fine. magkukwento na." bigla naman siyang ngumiti. alam na alam na niya talaga ako.
"si guan--lin?" tingnan mo to hindi pa ako natatapos sa sasabihin ko nang bigla siyang sumabat.
"yah! akala ko ba gusto mong magkwento ako bakit mo ako pinapangunahan?"
"yun din naman kasi yung sasabihin mo"
"tss" bigla siyang nanahimik saka tinuon yung pansin sa frappe na iniinom niya. "ituloy mo na nga lang"
"bakit ganun siya seonho? hindi niya ba alam na nakakasakit na siya?" ipinakita ko sakanya huling conversation namin guanlin para hindi na ganoon kadami yung sasabihin ko.
"wag kang masyadong emo dyan devone. napapansin ko rin talaga to. tuwing ganitong araw palagi siyang nawawala hindi ko nga rin alam kung bakit. kapag nagtatanong kasi ako hindi naman niya ako sinasagot kaya tinigilan ko na." tumango tango nalang ako sa pinagsasabi ni seonho. ibig sabihin yung importanteng sinasabi niya importante talaga siguro. pero bakit kasi kailangan niya lang sabihin na MAS IMPORTANTE SAKIN? ano yun pinapamukha niya pa? kainis.
nabalik nalang ako sa reyalidad nang bigla akong pahiran ni seonho ng cream sa ilong. WTH
"joke. di ko sinasadya lumanding lang yung daliri ko sa ilong mo" saka niya ako tinawanan. tngna baliw yata tong kasama ko. inirapan ko nalang siya saka nagbukas ng isang libro na galing dun sa public library. busy lang akong iniscan yung pages nang magsalita siya ulit.
"pero nakakatuwa kasi parehas lang naman tayong nagseselos."
BINABASA MO ANG
nonchalant | lai guanlin
Fanfiction[COMPLETED] ❝Do I look like I care, miss?❞ « guanlin x reader » -•x•-•x•- pro-juice 101 #6 series start: 170614 end: 170827