narration; seonho
pambihira talaga iyong si devone. bigla biglang nagyaya. okay lang gusto ko rin naman sino ba namang aayaw sa pizza diba? wag tinatanggihan ang grasya!
"where are you going? may lakad ka?" guanlin asked me. kakasabi ko lang kanina sa kanya bago siya maligo na aalis nga ako. pero syempre hindi ko sinabi kung sino kasama ko hahaha mamaya umeksena pa yan sa papizza ni devone.
"paulit ulit ba tayo dito hyung? ilang beses ko na sinabi yan sayo kanina. pagkagising mo, nung kumakain ka, bago ka maligo tapos ngayong nakabihis ka na itatanong mo na naman yan-- teka aalis ka rin?" nagkibit balikat lang siya bilang sagot.
"ayos ka lang ba hyung? mukha kang natatae dyan. anong meron at tense na tense ka dyan?" kanina ko pa napapansin yang itsura niya. para siyang kabado na di mo malaman.
"nothing. alis ka na baka hinahanap ka na nung imimeet mo" tinanguan ko nalang siya bilang sagot saka nagpaalam. paano kaya nun alam na may imimeet ako? halata ba masyado sa outfit ko? hindi lang naman ako nagdala ng wallet ah?
"seonho!" bigla akong kinapitan ng kaba nang may marinig akong tumawag sakin. sandali akong natigilan at dahan dahang nilingon yung tumatawag sakin. kakalabas ko lang ng dorm eh.
"sabay ka na samin ni youngmin hyung. bawal daw umabsent sa practice ngayon" si haknyeon. may practice kasi kami ng open up team ngayon balak ko nga sana silang indianin sa ngalan ng pizza!
"ah eh may dadaanan pa kasi ako. malela--joke lang cancelled practice natin ngayon hindi mo na naman siguro nabasa yung chat namin sa gc dahil sa pinagkakaabalahan mong mga sisiw hahahahaha"
"pero nagyayaya sila daniel hyung mag-arcade daw tayo dahil birthday ni ong hyung. icelebrate natin"
"arcade? ay sige, sino sino ba kasama?" wala pa naman siguro si devone sa pizza house. kaya sasama muna ako dito kay hyung.
"open up team at never daw sabi ni daniel hyung." never? ibig sabihin kasama si guanlin. kaya siguro naaalis din dahil sa birthday ni ong hyung.
ilang minuto rin ginugol namin ni haknyeon hyung sa paglalakad hanggang sa makarating kami ng timezone. ininform ko narin si devone na malelate ako pumayag naman siya. dun lang naman daw siya.
ilang oras din kami sa arcade nang magyaya silang kumain. magpapabebe pa sana ako kaso sino ba naman tatanggi sa pagkain? hehe.
"devone baka di ako makaattend ha" sabi ko dun sa voice message. ring lang kasi ng ring yung phone niya hindi niya sinasagot kaya nagiwan nalang ako ng message just in case na makita niya yung nga missed calls ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
nonchalant | lai guanlin
Fanfiction[COMPLETED] ❝Do I look like I care, miss?❞ « guanlin x reader » -•x•-•x•- pro-juice 101 #6 series start: 170614 end: 170827