052

885 46 3
                                    

narration; third person's pov

umalis si woojin nang kampanteng pupuntahan ni guanlin ang kanyang bestfriend. habang si devone naman ay naiwan doon sa lobby habang naghihintay.

malayo ang tingin niya, nagsusubok narin siyang sumugod nalang sa ulan dahil maghahating gabi na at wala paring guanlin na dumadating.

'just this time guanlin, kahit ngayon lang' sabi nito sa isip niya. maraming bagay ang gumugulo sa isipan ni devone nitong mga nakaraang araw. dahil narin sa mga bagay na napapansin niya.


agad nitong tinitignan ang cellphone niya sa pag-asang baka tawagan siya nito o ano pa man, o kahit na ang kuya ong nalang niya ang dumating pero bigo siya.

"ngayon pa talaga nadrain cellphone ko no? kainis."
nakakaramdam narin siya ng matinding lamig at kumakalam narin ang tiyan niya dahil sa gutom. 11 pm na nang gabi pero hindi parin humihinto ang ulan.

napangiti na lamang siya nang may matanaw siyang isang taong papunta sa campus, nasisiguro niyang si guanlin 'yon but she didn't expect what happened next.

bigla nalang siyang nakaramdam ng sakit nang makita niyang hindi pala siya ang pinuntahan ni guanlin, lumihis ito bigla ng lakad at pinuntahan yung schoolmate nilang babae na hindi niya mamukhaan kung sino.

dala-dala ang payong na inakala niyang gagamitin nila ni guanlin ay umalis silang dalawa papalayo sa kinaroroonan ni devone.

hindi niya na namalayang may namumuo na palang luha sa mga mata niya. wala na siyang ibang maisio kung hindi ang image ni guanlin na naglalakad papalayo sa kanya.

yumuko na lamang si devone at mahigpit na hinawakan 'yong school bagpack niya. marahan siyang pumikit at dinamdam ang pagpatak ng kanyang mga luha.


"sinasabi ko naman kasi sayo." sa isang iglap naramdaman nalang niyang may malambot na telang ibinalot sa kanya.

nilingon niya kung sino 'yon at laking gulat nalang niya nang makita ang isang taong hindi niya inaasahan. hindi na napigilan ni devone maging emosyonal kaya napahagulgol nalang ito.

"ewan ko ba kung sa akin ka ba naiiyak o sa nakita mo kanina. tara na, ako nalang mag-uuwi sayo."

-
kahapon ko sana ito ippublish kaso, debut day ng wanna one! ;u;
btw, congrats on your debut wanna one!!

nonchalant | lai guanlinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon