058

941 51 4
                                    

narration; dev's pov (lowercase intended)

kagaya nung ipinangako ko kay seonho pumasok rin ako kaagad matapos yung ilang araw kong pagpapahinga. iyong sisiw na 'yon may sayad din eh. hindi ko naman sinabing magcollect ng notes habang absent ako tapos ngayon nagrereklamo siyang ang bigat bigat na daw ng bag niya dahil sa mga notebook nung kaklase ko.

sino ba kasing nasa matinong pag-iisip na manghihiram ng notes from different subjects? pinicturan nalang niya sana.




Sisiw is calling...

Accept • Decline


"saan ka na?? may dala ka bang foods? di ako nag-almusal. siguraduhin mong may dala dala kang pagkain ah" kasalanan ko ba? idea niya tong pumasok kami nang maaga tapos magrereklamo siya dyan at uutos-utusan pa ako.

"oo na boss! dumaan akong 7/11 sensya na kung natagalan" sabi ko at dahil malapit narin naman ako sa kung saan siya nakapwesto ay narinig niya ng live yung boses ko. agad siyang lumingon sa akin at pumalakpak nang mamataan niya yung plastic bag nadala-dala ko. pagkain lang talaga habol nito.


"mabuti nalang talaga at walang klase" wala sa sarili niyang sabi pagkatapos iend call yung tawag namin.


saglit akong natigilan sa sinabi niya, w-walang klase? "ulitin mo nga yung sinabi mo"


abala siyang kinakalkal yung pagkaing binili ko kaya di narin siya nag-abalang tumingin sakin. "walang klase" hinablot ko bigla yung plastic bag sakanya kaya nabaling na niya yung attention niya sakin.


"pinapasok mo ako nang ganito kaaga tapos walang klase?!?" nginitian niya lang ako saka siya nagkamot ng ulo. "oo. wag ka na madaming tanong"

napakunot nalang ako ng noo ayaw ko nang mag-aksaya ng panahon kausapin yan, ang weird niya kasi talaga lately.

may nilabas siyang notebook mula sa bag niya habang kagat kagat yung burger na binili ko. "ayan yung mga notes. kokopyahin mo na ba ngayon o iuuwi mo sa bahay niyo?"

kinuha ko 'yon at isa isang tinignan. madami dami rin pala yung mga notes na namiss ko. wala naman akong gagawin dito ngayon kundi ang titigan yang si seonho kaya kinuha ko yung ballpen ko sa bag at nagsimulang magsulat. kokopyahin ko nalang 'to kaysa makipag-usap sa kanya.


"bakit di mo nga pala kasama si gua-" kusa akong natauhan sa lumabas sa bibig ko. nagkaamnesia ka ba dev?


mukhang hindi naman niya narinig yung sinabi ko dahil wala manlang akong narinig na reaksyon sa kanya kaya nagpatuloy nalang ako sa pagsusulat.



"aish" daing niya nalang bigla saka marahas na sinara yung notes na kinokopya ko. "ano bang problema mo seonho?" isa isa niyang iniligpit yung mga notes at pinasok sa bag niya.


"wala. tara uwi nalang tayo." napakunot noo nalang ako. hindi ko na talaga maintindihan 'tong si seonho.

"bakit ba? di pa ko tapos dito"

"trip ko lang. tara naaaa" pagyayaya niya sa akin. nagawa niya pa akong hilahin patayo kaya agad kong hinawi yung kamay niya.

"tumigil ka nga! ano bang problema mo? alam kong utang na loob ko sayo yung paghatid sakin pauwi at itong mga notes! wala kang karapatang diktahan kung anong gagawin ko. stop bossing around!" kinuha ko agad yung bagpack ko saka siya iniwan doon. narinig ko pang tinatawag niya ako pero hindi ko nalang siya pinansin at derederetsong naglakad.

nakakainis na kasi siya, pinapasok niya ako nang ganito kaaga tapos wala palang klase at ngayon nagyayaya siyang umuwi kasi trip niya?



"guanlin thanks." wala naman sana akong pakielam pero otomatikong napalingon ako sa pinanggagalingan nung boses. leche.


"no worries" sagot naman ni guanlin sa kanya. sa dami-daming bubulaga sakin bakit ito pa?


"tama si hyung. makulit ka nga" pagkatapos noon bigla nalang may nagtakip ng mga mata ko. hindi na ako nagtangkang magtanong kung sino siya, hindi narin ako nagpumiglas sa kanya. alam na alam ko na kung sino 'to.



"i'm not bossing around dev, concern lang naman ako. ayokong makita mong may nakayakap na babae sa taong mahal mo at ang malala hahalikan niya pa 'to. masaya ka ba sa nakita mo?"

nonchalant | lai guanlinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon