Kabanata 4.1

4.4K 85 0
                                    

Kabanata 4 : Over a cup of coffee

Malalim na ang gabi ng matapos ni Katerina ang kanyang trabaho kaya kaagad na siyang humiga sa kanyang kama.

"sa wakas makakapagpahinga na rin " umayos siya ng pagkakahiga nang maalala niya ulit ang nangyari kaninang umaga. Sariwa pa rin sa kanyang alaala ang iniasal ng binata.

Napailing na lang siya at ipinikit na ang kanyang mga mata, di nagtagal ay mahimbing nang nakatulog ang dalaga.

"Katerina "

Napapabalikwas ang dalaga tuwing may naririnig itong tumatawag sa kanya.

"Katerina " sa oras na iyon ramdam na ng dalaga ang mainit nitong hininga sa kanyang tainga. Hindi niya alam kong nanaginip pa ba siya o talagang nararamdaman niya ang hininga nito.

"you've never change beautiful as always, but it seems I cause you trouble "

Sa pagkakataong iyon ay sabay sa mga binitawan nitong salita ang paghaplos nito sa kanyang buhok.

"Have a sweet dream, Katerina "

At ang huli nitong ginawa sa dalaga ay humalik ito sa kanyang leeg na siyang nag iwan ng kakaibang pakiramdam sa dalaga.

*KRING *KRING

Mabilis na napabangon ang dalaga at inilibot ang paningin nito sa kanyang silid. Para sa kanya malayo iyon na maging panaginip lamang dahil naramdaman niya ang bawat paghaplos nito sa kanyang buhok, ang bawat pagbitaw nito sa bawat salita at ang paghalik nito.

Hanggang sa umagahan ay hindi mawala wala sa isipan ni Katerina ang kanyang naging panaginip o ano man iyon. Para sa kanya napakamisteryoso ng kanyang panaginip ganoon na rin ang buong pagkatao ng lalaking iyon.

"Katerina "

Hindi napansin ng dalaga na tinatawag na pala siya ng kanyang tiyahin ng paulit - ulit, kakauwi pa lang nito galing sa isang business trip sa England at napatagal rin ang pananatili nito doon.

"Katerina! " nabalik sa ulirat ng dalaga nang lakasan na nito ang pagtawag.

"Huh. Ano po ba yon tita pasensiya di ko po narinig eh" wika nito kaya napabuntong hininga na lamang ang tiyahin nito at nag-aalala sa kanyang pamangkin dahil kanina pa ito walang imik at tila malalim ang iniisip.

"Kanina ko pa sinasabi it's about your dad" panimula ulit nito.

"ano pong tungkol sa kanya? " pagtatanong ng dalaga.

"He really wants to see you Katerina. Why not give him a chance this time" ani ng kanyang tiyahin sa kanya.

Bahagyang napaisip ang dalaga isang taon na rin ng itigil niya ang pag contact sa kanyang ama. Mukhang ito na siguro ang araw na pagbigyan man lang niya ang hiling nitong makita siya.

"kung ayaw mo sasabihin ko nalan-" hindi na natapos pa ang sasabihin sana ng kanyang tiyahin ng magsalita siya.

"ayoko pa po muna sana ay maintindihan niyo ang desisyon ko tita" wika ng dalaga.Hindi na nagtaka pa ang tiyahin niya sa isinagot ng dalaga. Noon pa man iyan ang sagot ng dalaga tuwing iniimbeta ito ng kanyang ama.

"besides marami may mga trabaho pa po akong kailangang asikasuhin" dagdag pa nito napabuntong hininga na lamang ang kanyang tiyahin at tumigil sa pag inom ng paborito nitong tsaa.

"Katerina, wag kang gumon sa trabaho for once go and see your father and mother, this time I'm not accepting any excuses " matigas na wika nito kay Katerina. Ni hindi na ito nakikipaghalubilo at itinuon nalang nito ang kanyang buong mundo sa pagtatrabaho, gusto lang naman niyang bumalik ito sa dati na masayahin at palaging may nga matatamis na mga ngiti ito sa labi. She misses her niece in that kind of state.

"But tita" suminyas siya dito na hudyat na hindi na mababago pa ang kanyang desisyon , kaya padabog itong tumayo mula sa hapag kainan bago pa man ito makaalis ay nagsalita ang kanyang tiyahin.

"oh one more thing, you'll be seeing him at 9 o'clock so I suggest you get ready. The meeting place is the same as always now go" wika nito at nagpatuloy lang sa paghigop sa kanyang mainit na tsaang hawak hawak.

Labag sa kalooban ng dalaga ang naging desisyon ng kanyang tiyahin para sa kanya ay hindi niya gustong makita ang kanyang ama kahit na masilayan man lang ito.

Sinundan lamang ni Miss Elena ng tingin ang kanyang pamangkin na naglalakad papaalis at bahagyang napabuntong hininga ito. Hindi man niya gustong pilitin ito pero gusto lamang niyang magkaayos ang ugnayan nito sa kanyang mga magulang.

" Call Daemon" pag utos nito sa isa sa mga tauhan nito at kaagad naman itong lumakad upang tawagin ang binata. Ilang sandali pa dumating ang kasambahay kasama ang binata.

"Yes Miss Elena " panimula nito.

" Daemon gusto kong bantayan mo ng mabuti si Katerina don't leave her side no matter what, naiintindihan mo ba? Napaka crucial ng sitwasyon nila ng kanyang ama" pagpapaliwanag niya at seryosong hinarap ang binata.

"what if something happen unexpected. If that happens I'm going to do everything according to my will" ani ng binata ng napaka seryoso.

" What do you mean? " nagtatakang wika ni Miss Elena dahil sa sinabi ng binata.

"I know about her father, I didn't mean to intrude Miss Elena but if my information is accurate , my only obligation is the safety Katerina " anito.

Sa mga binitawang salita ng binata may nakitang kakaiba si Miss Elena dito at napangiti nalang sa kanyang naisip.

" You have my permission to do an action if something happens but Daemon" bahagya itong tumigil sa pagsasalita at sinulyapan ang binata at nagpatuloy lang sa pag inom ng tsaa.

"ano po yon? " anito.

"never mind might as well get ready you'll be leaving in a couple of minutes " ani nito at itinuon na ang atensyon sa iniinom.

Ilang oras pa ay sumapit na ang alas nuwebe y medya kaya naman nagtungo na ang dalaga at ang binata sa nasabing lugar. Tahimik lamang ang buong byahe nakadungaw lamang sa bintana ang dalaga at tila malalim ang iniisip.

Nang marating nila ang lugar kung saan naroroon ang magarang bahay tandang tanda pa ni Katerina ang lugar na ito. Hinding hindi niya makakalimutan ang mga araw ng siya'y nakatira pa dito. Pero para sa dalaga ang mga iyon ay tanging mga alaala na lamang, pilit man na dalaga kalimutan nakataktak pa rin sa kanya ang mga mapapait na naalala ni hindi niya napansin ay napahigpit ng bahagya ang kanyang pagkakahawak sa kanyang kamay at napansin iyon ng binata bago ito lumabas ng kotse at pinagbuksan ito. Pagbaba na pagbaba ni Katerina isang boses ang tumawag sa kanya.

"Katerina? "

LASCIVIOUS 1: Lustful Night [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now