Kabanata 8

4.5K 66 2
                                    

Kabanata 8 : Clumsiness

Kaagad na nagising si Katerina sa kaniyang pagkakatulog. Kaagad niyang tiningnan ang kaniyang katawan.

Wala siyang nakikitang mga proweba na may nangyari nga sa kanila ng lalaking iyon at kung sino man iyon.

Tiningnan niya ang kaniyang dibdib tayong tayo ang mga nito. Ganoon nalang ang epekto nito sa kaniya.

A part of Katerina was afraid of what happen. Ayaw niyang maranasan ang bagay na kaniyang pilit na kinakalimutan. But, there's also a part of her saying. It was different the way the man gives her pleasure it was not just lust it was a passionate one.

Sariwa pa rin sa kaniyang isipan ang mga nangyari. Hindi man niya nakita ang itsura ng lalaki but she knows that man was born perfectly.

Sariwang sariwa pa sa dalaga ang alimyon nitong iniwan.

Ang bumabagabag naman ngayon sa isipan ng dalaga ay kung sino ang lalaking iyon?

Wala sa ulirat ang dalaga buong araw. Halos hindi mawala sa isipan niya ang bagay na iyon.

' Talaga bang may nangyari sa amin? '

'Sino ba siya? '

Iyan ang mga katanungang pabalik balik na tumatakbo sa isipan ni Katerina. Halos wala pa siyang naisusulat sa kaniyang file na ginagawa.

"Ano ba?! " sita ng dalaga sa sarili.

Biglaan niyang nasagi ang tasang nasa kaniyang kanang bahagi at natapon ang laman nito.

"Sh*t! " wika ng dalaga habang inaayos ang kaniyang mga gamit sa mesa.

"Miss Katerina" bigla nalang nagsalita ang binata sa likuran nito na siyang ikinagulat ng dalaga.

"Anak ng" hindi na ipinagpatuloy ng dalaga ang kaniyang sasabihin at ipinagpatuloy na lamang ang pag pupunas sa mesa.

"Ako na dito" anito.

"No, I can handle it " tugon naman ng dalaga. Pero imbes na malinis niya ito natapon pa ng tuluyan ang natirang kape na nasa tasa.

"God! Just... " inis na bulyaw ng dalaga.

'Ano ba, just what the hell is happening to me '

Pilit na pinakalma ng dalaga ang kaniyang sarili. Pansin niyang patapos nang maglinis ito sa lamesa. Nang tiningnan siya nito at bumuntong hininga pa.

Hindi inaasahan ng dalaga ang biglaang paglapit nito sa kaniya.

"Pwede ba lumayo ka nga! " hindi niya inaasahan na magagawa niyang itulak ang binata ng ganoon kalakas. Ni hindi niya alam iyon dahil kusang gumalaw ang kaniyang katawan.

"What's going on here? " isang pamilyar na boses ang umagaw ng kanilang atensyon.

"Tita? " gulat na wika ni Katerina. Kaagad niyang inayos ang sarili nahagip rin ng kaniyang paningin ang binata. Na nakatayo lang sa gilid at para bang walang nangyari.

"Welcome back, Miss Elena" pagbati ng binata.

"What's going on here? I heard someone was shouting " pambungad na tanong ng kaniyang tiyahin.

"W-Wala po tita" kaagad na sagot ng dalaga.

"Hmm, Daemon, are you sure your not doing anything to my niece? " biglang tanong ng kaniyang tita sa binata.

"Tita - " before Katerina can finish her speech she was cut off by her aunt.

"Daemon, I'm asking you" matigas nitong usisa sa binata.

Napatingin ang dalaga sa binata na kalmado pa rin ito.

"I won't do a thing to hurt her, Miss Elena. I swear on it" seryosong wika ng binata ni hindi ito natinag. Nakatingin lang ito ng diretso sa tiyahin ng dalaga.

Ilang segundo pa ang nakalipas, bago ito nagsalita.

"Good. Dahil kapag nalaman ko na may ginagawa kang mali, isang utos ko lang sa mga tauhan dito na palabasin ka at wala ka nang magagawa " babala ng tiyahin ni Katerina sa binata.

Hindi maiwasang magsisi ang dalaga sapagkat, kasalanan niya naman ang nangyari kanina.

"Tita, it's okay. It's not his fault kasalanan ko po kasi hindi po ako nag iingat kaya natapon yong kape that's all what happened really " pagpapaliwanag ng dalaga. Nagulat rin ang binata sa biglaang inasal ng dalaga gayon din ang tiyahin nito. Dahil ni minsan hindi ito ganoon sa mga taong nasa paligid niya.

"Is that so? " paninigurado naman ng kaniyang tiyahin.

"Yes po" tugon naman ni Katerina.

"Totoo ba ito, Daemon? " pagtatanong ulit ng kaniyang tiyahin sa binata.

Tumango na lamang ang binata bilang tugon sa tanong nito. Tila naman nabaguhan ang tiyahin ng dalaga sa kaniyang pamangkin at sa kinikilos nito pero kahit ganoon hindi na ito nagsalita pa tungkol sa nangyari.

"Katerina, come to my office mag uusap tayo" malumanay na wika ng kaniyang tiyahin.

"Y-Yes po tita" sagot ng dalaga bago ito sumunod sa kaniyang tiyahin, nilingon na muna niya ang binata na nakatayo lamang doon. Laking gulat na lamang niya na nakatingin rin ito sa kaniya kaagad na iniwas ng dalaga ang tingin nito.

_____________

Ilang sandali pa nakaupo sa tapat ng lamesa ang dalaga habang nasa swivel chair naman ang kaniyang tiyahin.

"I'm sorry sweetheart, medyo natagalan kami sa business meeting namin doon sa States" panimula ng kaniyang tiyahin.

"It's okay tita, at least wala ka ng poproblemahin doon" wika ng dalaga dito.

"Kamusta ka naman dito? " pagtatanong ng kaniyang tiyahin.

"Okay naman po ako dito. By the way tita, welcome home " nakangiting wika ni Katerina sa kaniyang tiyahin.

"Thank you, sweetheart. I brought some stuffs on my way home pumila ka lang sa mga binili ko dyan" wika ng kaniyang tiyahin. Nakita naman ng dalaga ang ibat ibang brand ng paper bags na nasa center table sa office ng kaniyang tiyahin.

"Thanks po tita, pero siguro mamaya na po " tugon ng dalaga dahilan na magtaka ang kaniyang tiyahin.

"Sabihin mo, may lagnat ka ba? Masama ba pakiramdam mo? Kanina ka pa matamlay ah" sa pagkakataong iyon lumapit na ang tiyahin ng dalaga at bahagya pang hinawakan ang noo ni Katerina.

"Okay lang po ako tita. Medyo may iniisip lang" wika naman ni Katerina sa kaniyang tiyahin.

"I see. I told you, huwag mong pilitin ang sarili mo " pagpapaalala pa ng kaniyang tiyahin sa dalaga.

"Hindi ko naman po pinipilit ang sarili ko. Ayos lang po ako" pilit na pagkokombinsi ng dalaga sa kaniyang tiyahin.

Hindi niya rin kasi alam kong ano ang nangyayari sa kaniya ngayon. Kung talaga bang nangyari ang gabing iyon. Kung sino ang lalaking bumibisita sa kaniyang silid ilang araw na ang nakalilipas.

Maski siya ay hindi niya alam ang mga detalye. Ayaw niya ring gambalain ang kaniyang tiyahin dahil kakarating pa rin nito sa isang business trip.

'Kaya ko to. I'm Katerina Snow Fuentes, there's no such thing I can't handle '

LASCIVIOUS 1: Lustful Night [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now