Kanabata 6 : Wanting to know himHindi mawala wala sa isipan ng dalaga ang nangyari. Hindi niya alam kong panaginip ba iyon o may estranghero ang dumayo sa kanyang silid.
Saan man sa dalawa, hindi maipagkakailang gumugulo ito sa isipan ng dalaga.
" Miss Katerina "
Sabay sa pagtawag sa kaniya at ang pagkatok ng binata sa kaniyang pintuan.
"Yes? " maikling panimula ng dalaga ng mabuksan na niya ang pintuan sa kaniyang silid.
"Gusto ko lang ipaalam na handa na ang agahan ninyo" ani ng isang kasamabahay nila sa kaniya.
Ipinilit na isinantabi ng dalaga ang kaniyang pag iisip tungkol sa bagay na iyon. Nauna siyang naglakad patungo sa hapag kainan kung saan ikinagulat niyaa ng kaniyang nakita.
Bumungad sa kaniya ang binata na nakasuot lamang ng puting polo, na nakatupi pa ang manggas nito hanggang sa kaniyang siko. Isa rin sa napansin niya ay ito ang nag aasikaso ng kaniyang kakainin.
"Teka, bakit ikaw ang gumagawa niyan? " pambungad na tanong ng dalaga dito.
"Absent kasi ngayon si manang Esra. May sakit daw ang anak niya, since no one knows how to cook here I volunteered myself " diretsahang pagpapaliwanag nang binata.
"Wait, so that means ikaw ang naghanda ng lahat ng yan? " paninigurado pa ng dalaga. Inilibot niya ng tingin ang mga pagkaing hinanda nito, pansin niya ang napili nitong menu ay puro French style course.
Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nalaman. Hindi niya aakalain na marunong pala itong magluto.
Naamoy niya ang mabangong mga pagkaing nakalapag sa lamesa na napakasarap sa paningin palang. Hindi naiwasang tumunog ang tiyan ng dalaga dahilan na mapahawak siya dito. Nakita niyang napatawa ng palihim ang binata at ang mga kasambahay na naroroon din, iniwas niya ang kaniyang paningin dito at ramdam niya ang pag init ng kaniyang mga pisngi.
"Bon appetite " nakangiting wika ng binata dito.
Hindi niya pinansin ang binata at umupo lang ito sa hapag kainan.
Una niyang tinikman ang beef steak. Nang maisubo na niya ito hindi niya inaasahan ang kakaiba nitong templa. Mas lalo pang naging masarap ang naturang beef steak dahil sa sauce na kakaiba ang templa.
Napatingin siya ng bahagya sa binata na inayos nang pagkakasuot ang kaniyang polo. Habang ang coat naman nito ay iniabot ng isa sa mga kasambahay ganoon rin ang necktie nito, ilang sandali pa ay nakasuot na ito ng pormal na damit.
Hindi napansin ni Katerina na napatagal pala siya ng pagtitig sa binata na siyang ikinataka nito.
"May kailangan pa ba kayo? " wika naman ng binata.
"W-Wala naman. Nga pala, may nakapasok ba sa bahay ng hindi ko alam? " wika ni Katerina na siyang dahilan para magtaka ito.
"As far as I know wala naman" tugon ng binata.
"Sigurado ka ba? Bakit---never mind"
Hindi ipinagpatuloy nang dalaga ang wika sana nitong sabihin. Hindi pa rin naman alam kong iyon ba ay panaginip o talagang nangyari sa kaniya.
Hindi na siya nagsalita pa at ipinagpatuloy nalang ang pagkain. Matapos niyang kumain, nagtungo siya sa kanilang harden para magpahangin.
Paulit ulit kasi na bumabagabag ang bagay na iyon sa isipan ng dalaga. Hindi niya maiwasang maisip na para bang pamilyar ang alimyong iyon sa kaniyang panaginip.
YOU ARE READING
LASCIVIOUS 1: Lustful Night [ COMPLETED ]
General Fiction[WARNING SPG!!!] "Your sweet voice is made to mutter sweet moans as I'll make you shiver with my love, Katerina. I've always wanted to feel you in my arms and your sweet incense" Sariwa sa isipan ni Katerina ang mga iniwan nitong maiinit na halik, b...