Kabanata 11 : A person has appear
" Your sweet voice is for me to hear "
Biglang nagising ang dalaga dahil sa panaginip na iyon. Paulit ulit nang dalaga na napapanaginipan ang partikular na pangyayaring iyon.
Napahawak ito sa kaniyang dibdib dahil sa bilis nang tibok nito. Hindi niya rin alam tuwing mapapanaginipan niya iyon umiinit ang kaniyang pakiramdam.
Mahigit isang linggo na rin ang nakalipas mula ng gabing iyon. At simula noon, naging komportable na rin ang dalaga sa binata.
At isang linggo na rin silang nagsasaya ng kaniyang mga kaibigan. Halos ibat ibang aktibidad ang kanilang ginawa. Naging masaya ang bawat araw nang dalaga.
Sa ngayon, ay tahimik silang nanatili sa may tabing dagat.
" Bhes " naagaw naman ang atensiyon nang dalaga ngagsalita ang kaibigan.
" Oh, ano naman ang kailangan mo? " iritang wika naman ni Katerina dito.
" Don't you think Daemon has a girlfriend? Or is he single? " pag-uusisa naman nito.
Napatingin tuloy ang dalaga sa binata na tahimik lamang sa isang liblib na lugar. Napaka tahimik nitong nagbabasa ng libro ng maagaw ang atensiyon ng dalaga sa mga babaeng nagkukumpulan sa may bahagi ng kinaroroonan ng binata.
*SIGH------
" Don't know, why don't you ask him yourself " sagot ng dalaga habang itinuon na lamang niya ang sarili sa pagbabasa ng libro. Ibinaliwala na lamang niya ang kaibigan pero kung tutuusin nakuha rin nito ang atensyon ng dalaga at maging ang kuryusidad nito.
" Then, wanna try something good? " pagyayaya ng kaibigan nito.
" Huh? What are you planning on doing? " naguguluhang asik ng dalaga.
" Haayy, there's nothing wrong on spying on him. Besides, curious ka rin naman diba. " wika nito.
" So what's the plan? " sa huli ay pumayag na rin ito dahil na rin sa pagiging mausisa ng kaniyang mga kaibigan.
" Looks like he's talking with someone over the phone " pagsingit pa ng isa nilang kasamahan.
" Grace?! " gulat na saad ng dalawa.
"Hehehe, seems like fun count me in " masaya pa nitong wika napangiti na lamang ang dalawa sa kaibigan.
Sinusundan lang nila ng tingin ang binata hanggang sa matapos itong makipag usap sa telepono. At sa hindi inaasahan ay lumapit ito sa kinaroroonan ng dalaga.
" Miss Katerina, please excuse me for a moment " wika nito. Walang nagawa ang dalaga kundi tumango lang ito bilang pagtugon sa binata.
Sinundan nila ito ng hanggang sa makabalik ito sa hotel. Nagmimistula tuloy silang mga stalker ng binata, hindi mapigilang mapahiya at mapatawa ng dalaga sa kanilang pinaggagawa.
" This is stupid, bumalik na nga lang tayo nagsasayang lang tayo ng oras " wika nito pero pinatahimik lamang siya ng mga kaibigan.
"Shush, papunta siya ng parking lot " wika ng mga ito.
" Sinasabi ko na sa inyo nagsasayang lang tayo ng oras e " ani ng dalaga pero patuloy lamang ang mga ito sa pagsunod sa binata hanggang sa matunton nila ang kinaroroonan ng binata.
Laking gulat na lamang nito ng may kayakap itong babae.
" D, na miss kita " wika nito na puno ng pang aakit.
" Miss Red, what are you doing here? " pagtatanong ng binata rito.
" Mukhang kilala nila ang isat ah " dagdag pa ng dalagang si Amy.
" Not to mention ang babeng yon wagas makayakap sa bodyguard mo" dagdag pa ng kaibigan nilang si Grace.
Napatingin ang dalaga sa dalawa at itinuon muli ang kaniyang atesiyon sa binata. Hindi niya maiwasang makiusisa sa pinag uusapan ng dalawa.
" Oh D, your cold as always. Para namang wala tayong pinagsamahan " hindi nagustuhan ng dalaga ang kaniyang nakita ng akitin nito ang binata.
Kung makahimas ito sa katawan ng binata na para bang may iba itong intensyon.
'Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya? At ano naman ang ginagawa nitong ni Daemon bakit hinahayaan lang niya ang babaeng iyon? ' sa isipan pa ng dalaga.
" Miss Red, that was back then I was still working for your family but I quit long time ago. And I would appreciate if you stop talking about it " seryosong asik ng binata rito at sa pagkakataong iyon ay inilayo nito ang babae sa kaniya.
" Hmm, something strange about you. Is it because of your new playmate? " aniya.
'Playmate?'
" Red! "
Hindi maiwasan ni Katerina na maguluhan sa sinasabi ng babaeng iyon. Lalabas na sana siya mula sa kaniyang pinagtataguan upang harapin ang babae ng marinig niyang tumaas ang boses ng binata. Sa kauna unahang pagkakataon niyang narinig iyon mula sa binata.
" D-D... " hindi makapagsalita ang babae dahil sa biglaang inasal ng binata.
" Daemon " naagaw ang atensiyon nang dalawa ng magsalita si Katerina. Nagulat rin ang binata sa kaniyang pagdating.
" Katerina " anito.
" Am I interrupting something? " matapat na pagsasalita ng dalaga.
" So your the famous Katerina I heard about. You really do posses quite a beauty nice to meet you, I'm Red Jewel Strauss " pag-aalok nito ng kamay kay Katerina.
" Nice meeting you " pilit na nginitian ito ng dalaga. Unang kita pa lamang niya dito hindi na niya nagustuhan ang babaeng ito.
" Are they your friends as well? " dagdag pa nito. Napatingin naman ang dalaga sa tinutukoy nito ng makita niya ang mga kaibigan.
" Oo, kaibigan ko sila. Si Amy at Grace nga pala" pagpapakilala ni Katerina sa mga kaibigan.
" Nice meeting you all" aniya.
" Thank you for taking good care of Daemon but I'm taking him back " sa sinabing iyon ng dalaga ay nagulat ang lahat.
" Take him back? " pagsingit na rin ng dalagang si Grace.
" Yes, is something that matter? " pagtatanong pa nito.
" Yes there is. You see bodyguard siya ni Katerina he works for her" dagdag pa ng dalagang si Amy dito.
" I know that " simple nitong sagot.
Hindi mapigilan ng dalaga ang inis sa inaasal ng babaeng nasa kaniyang harapan lalo na ang sobra nitong paglapit at paglalambing sa binata ay nagpapainit ng kaniyang dugo. Lalo na ang pagiging malapit nito sa binata.
" Then, why are you taking him? He works for me and I have full authority on him " taas noong asik ng dalaga rito. Isa sa pag-uugali na ayaw ng dalaga ang mga katulad ng babaeng nasa kaniyang harapan.
" Hmm, let's just say I was his former boss and I'd like to take him back now" aniya
Hindi inaasahan ni Katerina ang binitawan nitong mga salita lahat ay nagulat sa sinabi ng babaeng nagngangalang Red. Dahil ni kailan man ay hindi niya iyon nabasa sa resume ng binata na may dati pala itong pinagtatrabahuan. Kaya ganoon na lamang ang kanilang pagkabigla sa nangyaring pagsulpot ng dalaga.
" W-What? "
YOU ARE READING
LASCIVIOUS 1: Lustful Night [ COMPLETED ]
General Fiction[WARNING SPG!!!] "Your sweet voice is made to mutter sweet moans as I'll make you shiver with my love, Katerina. I've always wanted to feel you in my arms and your sweet incense" Sariwa sa isipan ni Katerina ang mga iniwan nitong maiinit na halik, b...