Kabanata 15

2.6K 43 0
                                    

Kabanata 15 : Absence  and The Text message.

Matapos ang araw na iyon, hindi na muli pang nakita ni Katerina ang binata.Halos isang buwan na rin itong wala. Bawat araw ay naging mas abala ang dalaga sa trabaho. She feel like something is missing, a piece that would complete her.

Itinuon nito ang buong atensyon sa bawat gawain. Tuwing gigising ito at pupunta sa kaniyang opisina, biglang sumasagi sa kaniyang isipan ang imahi ng binata na bumabati sa kaniya bawat araw.

Napapailing nalang ito.

" Ano ba ang pinagiisip ko " ani ng dalaga sa sarili.

Matapos ang nangyaring iyon, dalawang araw na ang nakalilipas nawala na lamang ang binata na parang bula.

" Aww.. Aww.. " naagaw naman nito ang atensyon ng dalaga. It was the dog they found and ever since it lives with them.

" Is something the matter? " ani ng dalaga rito.

Nilaro laro lamang ito ng dalaga. Mabilis na lumipas ang oras alas nuwebe na ng gabi ng matapos ng dalaga ang kaniyang trabaho.

Napaunat ito bago tumayo mula sa kinauupuan. Nakita niyang mahimbing na natutulog ang aso sa may gilid niya, bahagyang napangiti na lamang ang dalaga.

Hindi pa kaagad natulog ang dalaga, kinuha niya ang kaniyang talaarawan sa kaniyang eskritoryo. Doon ay nakatago ang isang liham na kaniya sanang ibibigay sa lalaking kaniyang pinupusuan.

Nang biglang sumagi ang larawan ng binatang si Daemon sa kaniyang isipan. Kaya marahas na nakailing ang dalaga.

' Kung siya nga iyon, kung ganoon nga lahat ng pinaniwalaan ko noon ay puro kasinungalingan lamang '

' No, it couldn't be. His just.... Ugh, makatulog na nga lang' tila nasisiraan ang dalaga sa paglaban sa sariling isipan. Minabuti na lamang niyang kalimutan ito.

Malalim na ang gabi at tahimik na ang bawat lugar.

Isang estranghero ang nakadungaw sa dalagang mahimbing ang tulog.

" I miss your soft skin touching mine " anito.

At mga mumunting haplos ang iniwan nito sa dalaga. Na siyang dahilan maalimpungatan ang dalaga rito.

"Hmm" ani ng dalaga.

______________________

*KRINNGG.    *KRINNGG

" Miss Katerina " nang marinig iyon ng dalaga hindi niya alam pero biglang nangibabaw ang saya sa kaniya.

" Daemon" kaagad na bumangon ang dalaga at pinagbuksan ng pinto pero ganoon na lamang ang kaniyang pagkadismaya ng hindi ito ang binata.

Napakagat labi ang dalaga dahil sa hiya sa kaniyang biglang ginawa.

" Gusto ko lang pong ipaalam na handa na po ang agahan niyo. May pinapasabi nga po pala sa inyo si Miss Elena" anito.

" Ano? " wika nito.

" Hindi po siya kaagad makakauwi ngayong araw na ito. May pinapabigay rin po sa inyo ang inyong tiya " dagdag pa nito.

" Salamat " matapos matanggap ng dalaga ang pinapabigay nito ay isinarado na niya ang pinto.

*SIGH........

'Ano ba ang pumasok sa akin kanina at ginawa ko yon' sita ng dalaga sa sarili.

" Daemon........... "

Napapikit ang dalaga at napaupo sa kaniyang higaan. Tiningnan niya ang sulat na pinabibigay sa kaniya ng kaniyang tiya.

' Hello sweetheart,

       I know your been in a lot lately. Sana huwag mong kainisan si Daemon. It was my idea to kept it secret from you, I know his past and all but I trust him. I never wanted to hurt you, but as I see you both getting close to each other I somehow feel relief. I just wanted to keep you safe. I love you as my own.

        Sometimes we got hurt and all but remember, sometimes letting our guard down around people doesn't mean weakness. Trusting those around us is important.

         I'll see you soon, sweetheart. '

'So, alam ni tita ang tungkol sa bagay na iyon. Bakit 'di niya sinasabi? '

'At kung talagang nagsisisi siya nasaan siya ngayon?'

"Ugh....." napahilamos nalang ang dalaga ng kaniyang mga kamay.

Napunta naman ang kaniyang atensiyon ng tumaginting ang kaniyang cellphone.

" Sino naman kaya ang nagtext" nang makita ng dalaga hindi ito nakaregister sa cellphone niya mas nagtaka ito.

' I can't wait to see you again.

- Pier '

" W-what---- paano niya nalaman ang cellphone number ko? "

LASCIVIOUS 1: Lustful Night [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now