HALOS maestatwa sa kaniyang kinatatayuan si Croxx ng mapag alamang naka rating na pala ang terror na propesor nila.
‘‘You’re late again. Monteverde, kailan kaba mag tatanda? Limang buwan na lang at bakasyon na naman. Hindi parin kita kakitaan ng pag babago!’’ Sunod sunod ang pangaral nito sakaniya kung kaya’t naiyukom niya ang sariling kamao sa galit.
Huminga siya ng malalim, nag pipigil. ‘‘Do I have to change? I’m beyond perfect, so I guess I don’t have to.’’ Matabang na saad ni Croxx at nag dirediretso sa kaniyang upuan.
‘‘Late kana naman, dude.’’ Ani Jacob Anthony, matalik na kaibigan ni Croxx. Ang tanging nag titiyaga dito sa kabila ng magaspang niyang pag uugali.
Tamad niya itong binalingan ng tingin, ‘‘Of course I am, lahat ng guwapo ay late kung dumating. Kaya nga palagi kang maaga.’’ puno ng sarkasmong usal ni Croxx na siya namang ikinanguso ng kaibigan.
‘‘Hindi niya kailangang mag pa-late para maging gwapo. Kahit kailan talaga, napaka baba ng mentalidad mo.’’ Singit ng kung sino, pamilyar ang boses nito kung kaya’t agad na nag tungo duon ang atensyon ni Croxx.
‘‘Stop being rude to me, Zari. I’m three years older than you, kailan mo ba ako gagalangin?’’ Pagak itong tumawa.
‘‘Why laughing, Mr. Monteverde? Is there something funny to be laughed of?’’ Anang propesor kung kaya’t napa balikwas si Croxx sa kinauupuan.
‘‘Yung mukha mo, nakakatawa.’’ Handa na sana niya iyang sabihin sa kaniyang propesor, mabuti na lamang at napigilan niya ang sarili. Kapag pinatulan ko ang isang ito’y di hamak na mas malala pa ako sakaniya. Pag papaalala niya sa sarili at saka umiling.
Hind na niya ito pinansin pa, tamad siyang umupo. Lumilipad ang isip sa kung saan ng biglang tawagin ng kung sino ang atensyon niya kung kaya’t napa balikwas siya.
‘‘Monteverde, are you with us? O lumilipad na naman sa kung saan yang walang laman mong kokote?’’ Pag papahiya sakaniya ng propesor na binili at tinawanan naman ng kaniyang kamag aral.
Napa ngisi siya, ‘‘Dare to care?’’ puno ng sarkasmong saad niya sa sariling propesor.
Nanaig ang katahimikan kung kaya’t nag patuloy sa pag sasalita ang tinaguriang playboy ng mundo.
‘‘Lumipad ang utak ko’y hindi mo kayang abutin, wag kang mag alala. Di hamak namang mas mataas ang kapasidad nito kaysa sa iyo.’’ Pabalik na tirada niya sa sariling propesor. Nag pupuyos ito sa galit, rinig pa niya ang iba’t ibang klaseng bulungan sa paligid. Hindi man lang ito pinansin ni Croxx at nag patuloy sa kaniyang sinasabi.
‘‘Sa susunod na maliitin mo ako’y siguraduhin mong may patunay ka, dahil tiyak na matatameme ka oras na banatan na kita.’’ Pag babanta niya na ikinalaglag ng panga ng guro.
Pumalahaw ang maingay na hiyawan at halakhakan sa buong silid. Halos mag diwang si Croxx ng sa wakas ay napatahimik niya ang propesor sa unang pag kakataon. Simula’t sapul ay minamata na siya ng isang ito. Matanda, mataba, at nalalagas na ang puting buhok. Yan ang tumatakbo sa isip niya kung kaya’t alam niyang hindi siya dapat matahin nito gayong malaki ang kaibahan nilang dalawa. Di hamak namang mas lamang siya rito. Ang isang paligo ay mahihiya pa sa kagwapuhang taglay niya.
Sa lahat ng gurong may galit at inis sa ugali ni Croxx, si Mr. Dimaano lamang ang walang takot na kinalaban siya. Halos lahat kasi ay walang imik sa mga kalokohan niya dahil sa katotohanang apo siya ng may ari ng eskwelahang pinapasukan.
‘‘That’s all for today, class dismissed.’’ Napa tikhim siya at umiling. Agad na iniayos ang gamit na nag kalat sa ibabaw ng kaniyang mesa.
BINABASA MO ANG
That Jerk is a Cupid
RandomCroxx Monteverde is a typical playboy. Like the other cliché stories, he have everything. His life is beyond perfect the way he lives with it, not until he woke up and felt something towards Zari, his oh-so-taray childhood friend. Zari hates Croxx a...