Chapter 10

14 3 0
                                    

‘‘YOU DON’T NEED to do that, grand paterá. I’m fine, kaya kong umuwi ng pilipinas all by my own. At isa pa, marami kang inaasikaso diyan, sapat nang pinahiram mo saakin ang isa mga private plane mo.’’ Naka ngiting wika ko.

‘‘You sure, hijo? Nag aalala lang naman ako. At isa pa, gusto ko naring umuwi ng pilipinas, namimiss ko na ang mga anak ko.’’ Aniya sa kabilang linya.

‘‘Dad will surely love that thought, Lo. Pero masyado pang maaga, don’t worry, ako ang gagawa ng paraan para mabalik kayo sa dati.’’ Pag papaalala ko sakaniya.

Dinig ko ang ilan sa buntong hiningang pinakawalan niya sa kabilang linya. ‘‘Sana nga apo, sana nga.’’

‘‘Syempre naman, Lo. Naniniwala ka naman siguro sa kasabihang ang isang magulang ay hindi kayang tiisin ang kaniyang anak─’’ Agad na naputol ang sasabihin ko dahil sa biglaan niyang pag sasalita.

‘‘I don’t think so, hijo. Masyado ng gasgas ang kasabihang iyan. At isa pa, hindi rin ako naniniwala. Dahil ako mismo sa sarili ko’y aminadong natitiis ko ang mga anak ko.’’ Puno ng lungkot ang boses ni lolo nang sabihin niya ang katagang iyon.

‘‘May counter part naman dun, Lo. Kung hindi ka naniniwala. Just trust me, okay?’’

‘‘You have my words, hijo.’’ Aniya pa bago tuluyang pinutol ang tawag.

Napa ngiti ako sa kawalan dahil sa aking mga naiisip. Knowing that thought na magkaka ayos ayos na sila, ang pamilya ko? Ang sarap at ang gaan sa pakiramdam at the same time. Yun lang naman talaga ang hinihiling ko nuon pa man, ang magka ayos at mabuo ulit ang pamilya ko. Gusto kong makita kung paano sila magkasundo, magkaisa at tumawa ng sama sama. Dahil sa buong buhay ko’y hindi ko pa iyon nakita o nasaksihan.

‘‘Ariah I’m thirsty, can you go get me some water?’’ I said using a bossy tone.

Otomatiko namang nag taas ng kilay ang katabi ko, ‘‘Excuse me? Mr. Monteverde, ipapaalala ko lang sa iyo. Hindi ako utusan, at mas lalong hindi ako sumama rito para sundin yang mga utos mo.’’ aniya at ibinalik na ulit ang paningin sa kaniyang phone.

‘‘Then ano palang ginagawa mo rito kung ganon?’’ Pag hahamon ko pa.

She rolled her eyes, ‘‘Binabantayan ka.’’ she said simply, ni hindi manlang nag abalang tapunan ako ng tingin!

‘‘So? Sakop ba nuon ang trabaho mo bilang personal tutor ko?’’ I said sarcastically.

‘‘Bago pa akong maging tutor mo ay trabaho ko ng sumalag ng bala para sa lolo mo.’’ Paliwanag niya, puno ng sarkasmo.

‘‘You don’t need to be sarcastic while saying those lines. At nanggaling na nga sa‘yo, para kay lolo.’’ Untag ko pa, habang ine-emphasize ang bawat mahahalagang salitang dapat niyang marinig.

‘‘Dami mong sinabi, ano bang gusto mong palabasin ha?’’ Aniya, nag tataray. Sa wakas ay binalingan narin ako ng tingin.

‘‘Na tumalon ka paalis sa eroplanong to.’’ Wika ko ng naka ngisi.

Napa kagat siya ng labi. Pansin ko pa ang pag yukom ng kamao niyang alam ko, ano mang oras ay naka handa na para paulanan ako ng suntok. Unti unti niyang itinaas ang kamao niya, umamba na siya kung kaya napa pikit ako. Naka handa na akong tanggapin ng bukal sa loob ko ang mga suntok niya ng mag salita siya.

‘‘Hey, I’m just kidding! Such a killjoy, tsk.’’ Tikhim niya at hindi na nag abala pang mag salita o umimik manlang.

Naka hinga naman ako ng maluwag dahil duon. Nang dumapo sa kaniya ang paningin ko’y nasa phone na naman niya ang lahat ng atensyon niya.

That Jerk is a CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon