Teenage Love Sucks
By
iamyellow
the
~ Witch-wannabe ~
Prologue
What is PUPPY LOVE?
Pambatang pag-ibig. Fling lang kumbaga.
What is FLING?
Uso yan sa kabataan ngayon. Hindi seryoso. Laro lang. Hindi true love. Lilipas din.
Pero tanungin mo sa kabataan like highschoolers, WHAT IS LOVE?
Sabi nila ang ma-inlove daw ang pinaka sa lahat ng pinaka.
Pinaka-masarap sa lahat ng pagkain.
Pinaka-masaya sa lahat ng palabas ni Vice Ganda.
Pinaka-nakakakilig sa lahat ng Kathniel shows at inihi mo na.
Pinaka-nakakaexcite sa lahat ng upcoming concerts ni David Archuleta.
Pero....
Pinaka-malungkot sa lahat ng tragic endings ng buhay.
Pinaka-nakakatakot sa lahat ng excorcism movies.
Pinaka-nakakaiyak sa lahat ng Bea and John Lloyd movies.
at higit sa lahat....
Pinaka-masakit sa lahat ng sugat na pwede mong matamo.
Na lahat ng pwede, posible at maging imposible ay gagawin mo kahit sa huli sarili mo lamang ang pasasakitan mo.
Ang maging ikaw ay hindi magiging ikaw. Ang hindi ikaw ay magiging ikaw. Malabo. Magulo. Pero in some ways you turn yourself on that situation. No IFs. No BUTs. It just happened without even noticing it.
Oh diba drama lang! Dinaig pa ang balon sa lalim. Tinalo ang mga famous lines sa teleserye. At BALIW BALIWAN lang ang peg na tinalo pa ang craziness ni Anne Curtis. Haha!
Ang pag-ibig daw kusang dumarating at lumalapit. Ung tipong may CHUBACUCHU, ika nga ni Jolina Magdangal, sa dibdib tuwing andiyan sya. Hindi yan pinipilit o pinaplano. Kaya nga wala kang kawala kapag tumibok na yan. Walang GAMOT, LUNAS, TREATMENT o DIALYSIS na maaaring ibigay sayo maging masarap man o mapait ang kalalabasan.
Maging ang MAGIC.
''Because love happens for two people whose deeply fall in love to each other without explainable reasoning.''
Kahit meron nang Prince Charming kung tinamaan naman si Princess kay Knight at Shining Armor walang magagawa ang three fairies.
But LOVE IS MAGIC. MAGIC IS LOVE.
The MAGIC WORDS.
The MAGIC HUG.
The MAGIC KISS.
1% o 100% man ang feelings, it doesn't matter because everything will be SPECIAL.
Chapter 1: The Never Ending Introduce Yourself!!! >_<
*Happy Sha-la la la
It's so nice to be happy
Sha-la la la
Everybody should be happy
Sha-la la la*
Wednesday. Six o'clock am. Bumangon ako kinuha ang tuwalya at dumeretso ng banyo. Matapos maligo nagbihis ng school uniform. Konting suklay suklay, polbo, cologne and tadaaaaaaa!!!! AS USUAL.