Chapter 26: Maybe I love her?!
''Oh Ram anong meron?! Bakit bigla kang nag-ayang uminom?!'' makulit na tanong ni Vince.
Papunta sila ngayon sa bahay ni Ram gamit ang sasakyan nito. Habang nagda-drive tiningnan niya si Vince sa may mirror, ''Kung ayaw mo wag kang sumama! Okay lang naman!''
''To naman di mabiro! Teka nasaan si Johnny?! Ah baka kasama na naman niya si A-- ARAY KO NAMAN!!'' binatukan siya ni Hanz, ''Kung wala kang magandang sasabihin pwede wag ka na lang magsalita!''
Nakarating na sila sa bahay ni Ram. Pumunta sila sa may pool part. May mga nakahandang table na dun. Mga pagkain like pika-pika saka syempre mga alcoholic drinks! Mawawala ba yun eh un nga ung pinunta nila dun!
Nakaupo na sila ng biglang dumating si Johnny kasama sina MK, Giselle at Aly, ''Oh kumpleto na pala ang barkada eh! Magiging masaya 'to--'' naputol sa pagsasalita si Vaughn ng biglang dumating si Hillary kasama si Suzy, ''Sana..'' mahinang sabi ni Vaughn.
''Sup! Anong meron?! Hi Luis!'' bati ni Suzy sabay umupo malapit kay Luis.
Lumapit naman si Hillary kay Ram at hinalikan ito sa cheeks. Napansin naman ni Johnny si Aly na nakatingin sa dalawa at halata sa mga mukha niya ang pagkalungkot.
''Hoy tomato na bulok! Wag ka ngang sumimangot lalo kang pumapanget eh!'' pang-aasar ni Johnny kay Aly.
Ngumiti naman si Aly kay Johnny at sinabing, ''Oo na ikaw na pinagpalang lubos ng Diyos! Tss.''
Umupo na sila sa may table. Bale ang pwesto sa right side ay si Suzy, Luis, Ram, Hillary at Vince. Sa may left side naman ay si Vaughn, MK, Johnny, Aly at Giselle.
Sinimulan na nila ang party. Kumain muna sila saka uminom pero si Ram inuna muna ang pag-inom. Nagkwentuhan at nagkulitan lang sila.
''Hillary kelan ka babalik ng London?!'' tanong ni Hanz.
''Maybe at the end of the month'' sagot ni Hillary habang nilalagyan niya ng pagkain ang plato ni Ram.
''O medyo malapit na rin yun! Second week na ngayon ng Feb diba?! At malapit na rin ang valentines!'' sabi naman ni Vince.
''Oo nga no! But wait about the prom, Aly sino escort mo?! Si Johnny na ba?!''
''Ah Giselle di ko pa alam eh! Pero pwede na rin!''
''Luis ako na lang partner mo ah!'' nakangiting sabi ni Suzy sabay hawak sa braso ni Luis.
''Mukang wala ka nang kawala Luis ah!''
''Ewan ko sayo Hanz!'' at tinungga ni Luis ang boteng hawak niya.
Matapos ang kwentuhan naisipan nilang maligo sa pool. Nauna si Vince sa pagligo sa pool kasama si Giselle.
