Chapter 19: The Reality
Yes! Pasukan na bukas! I'm so excited and I just can't hide it! I know, I know, I know na na na na! Sabi ni Aly. Yung totoo?! Eh parang kinanta nya ata?! Oo nga kanta ni Aly habang naliligo dahil may kitakits sila ngayon ng barkada.
''ALY APO, NANDITO NA ANG FRIENDS MO!'' tawag ni Lola Delilah.
Maya maya lang ay bumaba na rin si Aly, ''Taadaaaaaaa!!!! Let's go!''
''Parang ang saya natin sissy ah!'' tanong ni MK.
''Bakit bawal na bang maging masaya?!''
Inakbayan ni Johnny si Aly, ''Oo nga naman! Tara na nga Tomato!''
''Tara lets bagets! Haha!'', umalis na nga sila at nagpaalam na lang kay Lola Delilah.
Si Aly, Luis at Hanz sa kotse ni Johnny. Si MK naman syempre sa kotse ng boyfriend niya, si Vaughn.
Nagpunta silang mall. Kumpleto ang barkada. Except kay Vince at Ram.
Habang naglalakad sila para maghanap ng makakainan, biglang nagtanong si Aly, ''Ah Vaughn di ba tumatawag o nagtetext si Ram sayo?'' tumingin siya kay Vaughn, ''Nung umalis kasi siya ni Ha o Ho wala akong narereceive sa kanya.''
Di alam ni Vaughn ang sasabihin niya kaya naman, ''Guys dito na lang tayo kumain! Parang gusto ko ng pizza eh! Ikaw Aly?!''
''Oo nga tara Shakeys tayo! Galing talaga ng lovie dabs ko!'' pagsang-ayon naman ni MK.
Nag-oo na lang si Aly at ngumiti. Lumapit naman si Johnny sa kanya, ''Okay ka lang tomato?!''
Tumango na lang si Aly, ''Opo Manong Johnny. Haha!'' ginulo naman ni Johnny ang buhok ni Aly at pumasok na sa Shakeys.
Maraming tao ngayon sa Shakeys at di naman nila akalain na dito sila kakain. Di sila nakapagpa-reserve kaya nahirapan silang humanap ng table. But luckily after mga 6 minutes nagkaroon na rin ng available na sakto sa bilang nila.
Umupo sila at umorder. Sa paghihintay nila dumating si Vince pero may kasama siya.
''Hi guys! Sorry kung late ako! Saka may kasama ako. I know kilala niyo na siya so no need for me to introduce her.''
''Giselle?!'' gulat at takang sabi ni Aly.
