Chapter 25: Starting over again
''Hi Ram! Good morning! Para sayo alam kong favorite mo ang banana cake eh!'' kinuha ni Aly ang kamay ni Ram saka inilagay ang banana cake at saka umalis pagkatapos.
Kinuha na lang ni Ram ang binigay ni Aly. Halos ilang araw na rin kasing ganito si Aly sa kanya. Nagbibigay ng mga favorite foods niya. Sumasabay kumain sa barkada. Minsan pa nga inaantay siyang umuwi. Dumeretso naman siya sa may music room.
Lumapit sa kanya si Vince, ''Wow banana cake! Ram penge ako ah!''
''Ayoko nga!'' pagmamadamot ni Ram.
''Bakit naman?! Kanino ba galing yan?! Kay Aly ba ulit?!'' di sumagot si Ram, ''Kay Aly nga no! O diba di mo naman kinakain ung mga bigay niya sayo! Kaya akin na lang Ram!''
''Mukha namang masarap.'' nalungkot naman si Vince sa sinabi ni Ram.
''Bakit naaawa ka na ba sa kanya?!'' sabi ni Hanz.
''Bakit naman ako maaawa sa kanya?! I didn't say to her to do these stuffs!? It's her choice.'' napailing na lamang si Hanz sa sinabi ni Ram.
Binuksan ni Ram ang box ng banana cake at kinagatan ito, ''Pwede na. Oh Vince sayo na lang.'' kumagat ulit si Ram, ''Alam kong nagagalit kayo sakin dahil sa ginawa ko sa kanya. Pero di ko talaga maalala lahat ng mga pinagsasabi niya. Ang weird nga niya eh. Nasaktan ko siya but still she's there at sinabi pa niyang she will make me fall in love with her. Grabe ibang klase. Bahala siya sa buhay niya!''
''Maybe Ram you're not in love with me this time but I can start over again to make those memories back. At this time it's my turn to make you fall in love with me!''
While remembering those words biglang napangiti si Ram. Tinapik naman siya ni Luis, ''I think she will win. Good luck.'' at lumabas siya ng room sabay naman ng pagpasok ni Hillary.
''Why so serious?! What's this about?!'' tanong ni Hillary.
''It's about Aly-- ARAY!'' sabi ni Vince na hinampas sa ulo ni Hanz.
''Hay nako Vince kahit kelan ka talaga! Tara na nga sa canteen libre kita! Sige maiwan na namin kayo diyan!'' umalis na ang dalawa at iniwan sina Hillary at Ram.
Tahimik ang paligid. Walang gustong unang magsalita. Tumayo si Ram pero biglang nagsalita si Hillary, ''I heard a lot of things of her. What do you think about her?''
''Bakit mo tinatanong? Natatakot ka bang baka ma-in love ako sa kanya? Psh. Sa totoo lang nakakainis siya at nakakaawa pero she's different.'' tumingin siya kay Hillary, ''Tinutupad niya ang mga sinasabi niya di tulad ng iba.''
Napatungo si Hillary sa mga sinabi ni Ram, ''Sorry Ram :(''
''You don't have to. Kung ung dati pa rin 'to, kalimutan mo na matagal na rin yun.''
