Chapter 22

2 0 0
                                    

Chapter 22: To move on, make yourself busy!

Isang linggo ang lumipas matapos ang araw na iyon. Isang linggo na hindi niya ako kilala. Isang linggo na hindi niya alam ang pangalan ko. Isang linggo na para siyang may amnesia. Isang linggong umiiyak gabi-gabi. Isang linggong nasasaktan. Isang linggong nami-miss ko siya pati ang mga ginagawa niya para sa akin. Isang linggong nagtitiis sa pagtingin mula sa malayo. Isang linggong itinatanong ang mga tanong na hanggang ngayon ay wala pa ring kasagutan.

''Hi Aly! Nag-iisa ka? Nasaan sila?'' dumating si Vince.

''Si MK and Vaughn bumibili lang ng pagkain. Si Johnny may pupuntahan daw siya.''

''Okay ka na ba Aly? Pero mukha namang hindi tinatanong ko pa. Sorry.''

''Gusto kong maging okay but for now I really can't. Ang dami kong gustong itanong sa kanya Vince. And I know di na masasagot pa ang lahat ng yun. Ni hindi nga niya ako kilala! Bwiset! Wala siyang naaalala na kahit ano about the things he did for me. Siguro nga mahal ko na siya that's why I'm affected like this. But his feelings for me was all a fake and scripted.'' di na napigilan pa ang sarili niya sa pag-iyak. Ang akala niyang okay na siya ay hindi pa din pala kaya ng puso niya. Ayaw na niyang mag-isip pa pero di niya maiwasan sa tuwing makikita niya si Ram at iiwasan lamang siya nito.

''Aly may gusto kong sabihin sayo. Di ko alam kung totoo at maniniwala ka. Pero siguro nga makakatulong 'to kung sasabihin ko. Aly kasi si Ram--'' naputol ang pag-uusap nila ni Aly ng dumating sina MK, ''Oh Vince long time no see ah! Aly eto ung drink mo oh!''

Kinuha ni Aly ang binibigay ni MK na inumin, ''Thanks MK! Vince ano nga ulit yung sasabihin mo?''

Kinamot ni Vince ang ulo niya saka ngumiti at sinabing, ''Ah ang sinasabi ko lang pag ganyan first thing to do to move on is to make yourself busy! Effective daw yun kasi eh! Hehe =)''

''Wow Vince totoo nga?! San mo naman natutunan yan?! Parang di ka pa naman nagkaka-girlfriend ah?!'' banggit ni Vaughn.

Ngumiti lang si Vince at saka tumingin kay Aly, ''May point ka Vince. Lalo na ngayon dami nating projects and activities. Tama doon ko na lang itutuon lahat ng time ko! Broken hearted lang naman ako not dying! Haha! Thanks Vince!'' pinunasan ni Aly ang mga luha niya at saka ngumiti.

''Yeah right! Make yourself busy Aly!'' sabi ni MK.

Sinimulan nga ni Aly ang pagiging busy niya. Nagsimula siya sa book report niya sa English. Binasa niya lahat ng required book materials. Naging active siya sa Math Club. Every dismissal uma-attend siya ng enrichment classes. Sumali siya sa monologue sa Filipino subject nila for the role of Sisa.

''Hoy Aly sure ka bang sasali ka diyan sa monologue na yan?! Pa-baliwan kaya ang labanan dun!''

''Oo MK! Baliw naman ako! Saya nga nun eh! Sige uwi na ako magsasaulo pa ako ng lines eh!''

Dumating ang araw ng competition. Nanood ang barkada para suportahan si Aly.

My Love from SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon