Chapter 21

1 0 0
                                    

A/N: Friends!!!! Sobrang saya ko talaga na umabot ng 100 readers ung story ko! Yes! Masaya na ako dun! Kaya eto napasipag sa pagu-update! Thankees ulit =)))

Chapter 21: It hurts so much :(

''Bakit kayo nandito sa playground?! Saka guys si Ram umuwi na! Pero grabe PMS ba yun?! Ang sungit parang yung dati?! O si Aly umiiyak ba siya?!'' sunod sunod na tanong ni Vince.

Umiiyak nga si Aly habang hawak  ni Johnny ang balikat niya at hinihimas.

''You know what Aly, Ram always do something for a reason.'' paga-advice ni Hanz kay Aly para kahit papano ay mabawasan ang sakit na nararamdaman nito.

Kahit si MK ay nasasaktan para sa bestfriend niya. ''Reason?! Reasonin niya mukha niya! Matapos ng lahat ganun na lang?! Eto ba yung ganti niya sa lahat ng ginawa ni Aly?! Hah?!! Plano lang pala lahat! Bwiset yang tupa na yan!''

Inangat ni Aly ang ulo niya. Pinunasan ang mga luha at ngumiti, ''Haha! Ang baliw ko lang grabe! Eh hindi nga kami then crying lady ako dito! Sorry OA lang! I'm okay.'' tumayo si Aly at sinabing, '' Okay lang talaga ako promise! Wag kayong susunod ah! Haha!''

''Ang labo ng mga nangyayari. Parang di naman plano lahat eh! Seryoso talaga si Ram nun!'' sabi ni Vaughn. Tinapik naman niya si Vince at sinabing, ''Hoy Vince natulala ka na diyan!''

''Huh?!'' sagot ni Vince.

Tumakbo si Aly palayo sa barkada. Hindi niya mapigilan sa pagtulo ang mga luha niya. Pumunta siya sa favorite spot niya. Sa likod ng gradeschool library. Mahangin kasi dun at mapuno. Di rin kasi 'to daanan ng tao.

''Hoy Galilea Del Alvarez! Hoy Aly! Hoy myself! Huhuhu :'( Ano ba! Bakit ka nagkakaganito! Hindi naman kayo eh! Kaya wag kang umiyak ng umiyak! Walang KAYO okay! Ano ba! Ayoko na! :'('' sinigaw ni Aly ang lahat ng nararamdaman niya. Lahat ng gusto niyang sabihin kay Ram.

Alam niyang di sya dapat magdamdam sa nakita niya pero di niya mapigilan. Umiyak lang siya ng umiyak. Inuluha ang dapat iluha. Inintindi ang magulo. Kinausap ang sarili. Pinakalma ang kalooban.

''Okay I'm okay na! Haha! Grabe ano bang nangyayari sayo! Di ka lang pinansin pang superstar na agad ang drama! Ang arte mo Aly! Kausapin mo kaya siya Aly! Nang maliwanagan yang isipan mo! Tama kakausapin ko nga siya!'' pagkausap ni Aly sa sarili niya na parang isang baliw. Pagpapaniwala sa sarili niya na ayaw niyang paniwalaan.

Hindi siya pumasok ng morning classes niya at pumunta na lamang ng canteen para kumain. Nandun ang barkada ng pumasok siya. Umorder siya at umupo sa table kung saan nakaupo ang barkada.

Natahimik ang lahat sa pagdating niya. Nagulat at wala miski isa ang gustong magsalita. Pero si Johnny alam niyang kailangan siya ni Aly ngayon, ''Aly dito ka na lang umupo!'' umupo naman si Aly. Huminga ng malalim at lumapit sa upuan na itinuro ni Johnny, ''Salamat Johnny. Ah hi Ram! Kamusta ang London?! Ahmmm wala ka bang sasabihin sakin?!''

Tumingin si Ram kay Aly. Tinitigan siya nito at saka sinabing, ''Kailan pa tayo naging close?! Para makipag-kwentuhan ako sayo?''

Nabigla ang lahat sa sinabi ni Ram. Tumingin sila kay Aly. Kay Ram ulit. Kay Aly ulit. Tumayo si Aly at lumapit kay Ram.

Gusto niya sanang sampalin ito pero hindi rin niya alam kung bakit di niya magawa.

''Sorry kung FC ako ah! Tss.'' tumulo ang luha ni Aly, ''*huk* di ko alam kung anong nangyari sayo sa London at naging ganyan ka! *huk* Or maybe I am that so stupid for believing you. Believing your words and your acts! *huk* Well if that's part of the plan, you win, congratulations!''

Umalis si Aly at tumakbo. Sa pagtakbo niya nabangga niya si Giselle, ''Aly where you going?!'' pero di niya ito pinansin at nagpatuloy sa pagtakbo. Sa pagtakbo niya ay kasama ang walang tigil na pagbagsak ng mga luha niya.

Bakit siya ganun?! Ano ba talagang nangyari sa kanya?! Plano lang ba ang lahat?! Gumaganti lang ba siya sa akin?! Lahat ng mga salitang binitawan niya?! Ang panghaharana niya sa akin?! Pagiging mababait niya sa akin?! Pati ba ang paghalik niya sa akin, lahat ba yun hindi totoo?! Ako ba ang may kasalanan?! Kung oo, anong nagawa kong mali?! Siya nga yung di tumawag nung nasa London siya?! Ang sakit! Ang sakit sakit sobra! Bakit ka nagpadala Aly?! Bakit ka naniwala sa kanya?! Bakit ka bumigay sa kanya?! Ang t*nga lang! Sh*t! Ang g*go lang! Ang mga salitang naglalaro sa isipan ni Aly habang tumatakbo papalayo. Mga katanungan na nais masagot. Na sana ang lahat ay hindi totoo.

Sa pagtakbo niya ay natapilok siya dahil sa isang bato. Nadapa siya at napaupo sa sahig. Nagkasugat pero hindi naramdaman. Hindi siya kaagad tumayo. Itinakip na lamang ang mga kamay sa mukha at humagulhol ng iyak. Umiyak na parang bata sa lakas.

''Para kang batang inagawan ng candy diyan. Tumayo ka nga.'' si Johnny lumapit kay Aly at lumuhod. Inilagay ang mga kamay sa balikat ni Aly at itinayo. Tinanggal ang mga kamay sa mukha at pinunasan ang mga luha.

Sa pagtanggal ng kamay sa mukha niya ay unti unting idinilat ang mga mata. Nakita niya si Johnny. Niyakap niya ito ng mahigpit na para bang isang bata na natagpuan mula sa pagkawala, ''Johnny! *huk* Johnny *huk* dito ka lang please! Kahit sandali lang! *huk* please :'(''

Hinawakan ni Johnny ang ulo ni Aly at dahan dahang hinimas habang sinasabi ang mga salitang, ''Dito lang ako Aly promise. Okay?! Iiyak mo lang lahat. Nandito lang ako di kita iiwan.''

To be continued....

My Love from SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon