Chapter 23: Cannot be but remainder onePumasok si Aly ng hindi masaya pero hindi rin malungkot. Nagsimula na rin ang rehearsal nila sa musical. At syempre awkward talaga. Narinig na din nilang kumanta si Aly at guess what isang kanta lang halos tatlong araw bago niya masaulo. Sa haba ng panahon na yun sintunado pa din sya.
Habang naglalakad siya ay nakasalubong niya si Johnny, ''Aly kamusta?! Balita ko ikaw at si Ram ang bida sa musical play niyo ah?''
''Ah yeah. Medyo awkward nga everytime we practice the lines.''
''Don't worry everything will be alright. And Aly sure ba yung section niyo na ikaw talaga ang bida?!''
''Ah I guess so! Kasi nakaka-ilang rehearsals na din kami kahit awkward talaga.'' seryosong sagot ni Aly.
''That's not what I mean Aly!''
''Huh?! Di ko gets!'' takang sagot ni Aly. Pero nang ma-realize nya, ''AH KASI UNG BOSES KO!!! YUN BA JOHNNY?! HAH?!''
''Grabe ang slow mo naman! Haha! Narinig ko ung boses mo medyo di magandang pakinggan eh! Haha! Pero ayos na din-- ARAY!''
''ALAM KO NAMAN YUN EH! SAKA SILA ANG NAG-DECIDE NOT ME! YABANG MO!''
''I'm happy to see you like that. Tagal ko ding hinintay yung dating ikaw! Konting practice pa para naman di medyo di masakit sa tenga. Haha!''
''Siraulo! Haha! Eh di ikaw na singer! Haha!'' mula sa pagkakatawa ay sumeryoso naman ang mukha ni Aly, ''But you know what Johnny there's one thing I realized while watching the play and reading those lines,'' tumingin siya kay Johnny, ''It is fighting for your love no matter what happens for you not to regret anything.''
Ngumiti si Johnny na parang alanganin at tumingin kay Aly, ''So what do you mean by that?!'' Tumingin sa kanya si Aly at sinabing, ''You will see! Bye Johnny! See you around! =)''
Umalis siya at iniwan si Johnny na bakas sa mga mukha niya ang pagtataka. Napakamot na lamang siya sa ulo niya at saka naglakad papalayo.
Di ko alam kung anong nasa isip mo ngayon Aly, pero what makes you happy will also make me happy. Seeing you smiling is a relief to mine. Ang mga salitang nagpapahiwatig ng mga ngiti ni Johnny habang patuloy sa paglalakad.
Nagpractice na ang lahat ng seniors para sa musical nila. Nagpapa-excuse na rin sila sa ibang subjects since the first pre-convocation night will be on the first Sunday of February.
''Guys konting partisipasyon naman oh! While we're doing a scene here please review your lines for those who have role. Practice the dance steps for those who are back up dancers. And do your job for those who volunteered at the production section.'' mamalat-malat na sigaw ni Wendy sa buong section.
Nakinig naman ang lahat kay Wendy. Halos lahat busy. Pero sa gitna ng rehearsal nataasan ng boses ni Wendy si Ram, ''Ram ano ba! Ung arte naman oh! At this scene you are realizing your love for Julia! Feelings naman oh!''
